Maagang nagising si Asher ng umagang 'yon. Hindi sya gaano nakatulog dahil na rin sa kapatid na si Kathryn. Magdamag na nag movie marathon ang nakababatang kapatid kaya paputol-putol ang tulog ng dalaga.
Tiningnan niya ang kapatid na natutulog sa kabilang kama. Mahal na mahal nya ang kapatid kaya hinaplos nya ang kapatid bago dumiretso sa banyo para maligo.
Bago pumasok ang dalaga sa banyo ay narinig nyang nagtatalo ang kanyang mga magulang. Nagbabasa ng dyaryo ang kanyang tatay habang nagluluto naman ang kanyang nanay. Sumilip sya sa labas ng kwarto upang mapakinggan ang pinagtatalunan ng mag-asawa.
"Eh anong ginagawa ng mga kapatid mo sa Amerika? Sila Lilet at saka si Greg? Sila itong mas nakakaluwag eh, dapat sila ang mag-ambagan para kay Nanay", sermon ng kanyang ama habang umiinom ng tsaa.
"Nandun na nga ako Dad, gustuhin ko man na humingi ng tulong sa kanila eh hindi naman yun ganon kadali" katwiran ng ina habang nagpiprito ng itlog.
"Hay naku, bakit nung walang-wala naman sila si Nanay ang tumulong sa kanila eh, yan ang mahirap dyan sa mga taong yan eh, hirap ng makaalala dahil maayos na ang pamumuhay nila sa Tate" sagot ng ama.
Dumiretso ang ina nya sa lamesa upang ilapag ang mga pinritong itlog.
"Kilala mo ako Dad, hanggat kaya ko, hanggat kaya natin, kakayanin ko! Nung nagkasakit ka, hindi ako nanghingi sa kanila ni kahit isang sentimo kasi alam kong kakayanin natin yun... Basta may awa rin ang Dyos, makakaraos din si Nanay. Kung wala na talagang opion, tsaka ko sila tatawagan para mahingan ng tulong.." sabi ng ina habang humihigop ng kape sa tabi ng kanyang asawa.
"Bahala ka nga..." mahinahong sagot ng ama.
Naaawa si Ash sa ina, malaki nga ang kinakaharap na problema nito. Kilala nya kasi ito, may pagkama-pride rin ito gaya nya at hangga't kakayanin ang problema ay sasarilinin nito. Lumabas ito ng kwarto at nagpanggap na hindi narinig ang pag-uusap ng ina at ama.
"Good morning Dy! Good morning My!" bingad ni Asher at tsaka humalik sa mga magulang.
"Oh anak, umupo ka na at kumain" yaya ng ama.
Kumain ng almusal si Ash. Naparami ang kain nya dahil alam nyang marami -raming enerhiya ang kakailanganin nya sa araw na 'to.
Nagpaalam ito sa mga magulang na aalis sandali at tsaka dumiretso ito sa banyo upang maligo at mag-ayos sa sarili. Tinext naman ng dalaga ang kaibigang si Yeng upang ipaalala ang kanilang lakad sa araw na to.
Nag-reply naman si Yeng pagkalipas ng ilag sandali at sinabing magkita na lang sila sa Greenbelt. Umayon naman dito ang dalaga.
Samantala maaga rin nagising si Randy . Hindi man sya sanay gumising ng maaga pero pinilit ng binata ang sarili upang tumayo at makapaghanda. Nanghihinyang ang binata ng hindi sya makapunta sa birthday party ng kaibigan kagabi. Pinilit kasi sya ni Chard na wag ng pumunta dahil kilala sya nito at paniguradong tatanghaliin ito ng gising kung saka sakali.
Tumayo ang binata at nagbihis ng pang-itaas. Dumiretso ang binata sa kanyang desktop PC at nag-check ng emails. As usual, karamihan sa mga emails na natanggap nya ay mula sa opisina at sa mga staffs ng hinahawakang departamento pero may isang email ang nakakuha ng kanyang atensyon. Galing ito kay Kim, ang isa sa mga pinakamatalik nyang kaibigan noon. Hindi nya akalain na makikipag communicate sa kanya ang dalaga after all these years,
Naninirahan na si Kim sa Amerika at nagulat sya sa nabasa sa email na natanggap. Nangangamusta ang kaibigan at iniimbitahan sya sa nalalapit na kasal nito sa nobyong si Xian. Nakaramdam ng kirot si Randy sa kanyang dibdib, si Kim ang tinuturing nyang first love. Sinubukan nyang ligawan ang bestfriend ilang taon na ang nakakalipas pero mukhang wala talagang gusto sa kanya ang dalaga. Bago ito umalis papuntang Amerika ay pinagtapat nito sa kanya na may nobyo na pala ito sa Amerika at humingi ng tawad dahil hindi daw nito kayang suklian ang nararamdaman ng binata sa kanya.
Simula noon ay nag-iba na ang persepsyon ni Randy pagdating sa pag-ibig at sa mga babae. Ayaw nyang i-commit ang sarili sa kahit na sino man dahil sa paniniwalang iiwanan din naman sya ng mga ito pagdating ng panahon. Ano mang pilit ng pinsang si Chard at mga magulang nito na magseryoso sa relasyon at iwasang pumunta sa mga clubs at bars ay hindi bila ito mapilit. Sinanay nya ang sarili na makipag laro sa kung kani-kaninong babae dahil alam nya rin sa sarili nya na katawan at yaman rin naman ang habol ng mga ito sa kanya.
Hindi lingid sa mga kaibigan nya ang kanyang mga kalokohan pagdating sa mga babae. Kaya binabansagan sya ng mga 'to na 'playboy' ng kanyang mga kabarkada.
Pagkatapos basahin ang email ni Kim ay tumayo ito at dumiretso para mag-shower. Gusto nyang lumamig ang ulo at kalimutan panandalian ang nararamdamang kirot sa kanyang dibdib na idinulot ng email ni Kim sa kanya. Gusto nyang maging masaya para sa kaibigan pero hindi nya pa rin mapigilang manghinayang sa kanila ng dalaga.
Pinilit nyang kalimutan ang nabasa at sinabi sa sarili na kelangan nyang mag focus ngayong araw para matapos na ang isang problemang kakaharapin nya.
Bago magbihis ay naka-recieve ang binata ng text mula sa pinsang si Chard upang ipaalala dito ang lakad. Sinabi nitong magkita na lamang sila sa Greenbelt 10 am sharp. Knowing Chard, alam nyang 15 minutes early ito dumadating sa mga appointments nito. Gusto nya ring maging maaga sa pupuntahan at nahihiya na sya sa mga pabor na hinihingi nya sa pinsan.
Nagsuot ang binata ng blue Lacoste polo shirt at denim jeans to pair it up. He wants to make a good impression sa babaeng nadisgrasya nya upang pumayag na itong makipag settle once and for all ng mabawasan naman ang mga problemang kinakaharao nya.
A/N: Matatapos na nga kaya ang problema ni Randy kay Ash o panibago na namang problema ang kakaharapin ng binata kapag nag-meet na sila ng dalaga?! Waaahhh.
Comments and votes po! and longer Chapter po granted! :)
