Chapter 12

1.9K 45 11
                                    

Dali-daling pinark ni Randy ang sasakyan sa parking lot ng Greenbelt. Kanina pa kasi tumatawag ang pinsan pero ayaw nya naman itong sagutin dahil  malapit na rin naman sya. Hindi pa rin maalis sa isip nya ang babaeng muntik na nyang nabangga kanina. Pilit nyang inaalala kung saan nya ito nakita pero hirap pa rin sya. Hindi nya rin makakalimutan ang inasal ng babae kanina, first time na may nagalit sa kanyang babae at pinagsisigawan pa sya sa harap ng maraming tao. Kadalasan kasi, tuwing makikita na sya ng mga babae ay napapaamo nya ang mga ito at minsan pa nga ay natutulala pa, alam nya kung paano gamitin ang gandang-lalaki na taglay nya sa mga sitwasyong katulad non.

Bumaba na sya ng sasakyan at nagmadaling tumungo sa Coffee shop na pinagkasunduan nila. Huminga muna sya ng malalim at dinala ang mga papeles na kailangan nya papirmahan sa babaeng nabangga nya ilang araw na ang nakakalipas. For some reason, hindi nya matandaan ang mukha ng babaeng nabangga nya dahil na rin siguro sa ayaw nya itong tingnan dahil sa takot na patay na ito o kung anong nangyari. First time nya kasing makabundol ng tao kaya sobrang natakot sya nung mga panahong 'yon. Dineretso nya sa ospital ang babae habang ang mga staff ng ospital ang nagbaba nito mula sa kotse nya papuntang emergency room. Tsaka nya tinawagan si Atty. Marquez upang tulungan sya kung paano ba susulusyunan ang problema. Tinatanong sya ng mga staff kung kilala nya ang babae pero wala naman syang masagot dahil nga hindi nya ito kilala.. Maya-maya pa ay dumating na si Atty. Marquez at kinwento ang nangyari. Sinabihan rin sila ng doktor na umasikaso sa dalaga na ayos naman ang lagay nito. Nilatag naman ng binata ang plano nito kay Atty. Marquez pero hindi pumayag ang abogado, nakumbinsi naman nito ang abogado ng sabihang willing syang magbigay ng 100k sa naaksidente nya. Pumayag naman ang abogado sa pag-aakalang madali nyang mapapapayag ang dalaga. Na-frustate si Randy ng maalala ang tagpong iyon, gusto na nya talagang matapos ang problemang 'to ng mabawasan naman ang pinapasan nito nagtuloy na ito sa pupuntahang coffee shop.

Pagkababa sa ground floor ng mall ay nakita na nyang nakaupo ang pinsang si Richard kasama ang isang babae habang busy ang mga to sa pagkain. Tinapik nya ang kanyang pinsan sa likod para kunin ang atensyon nito. 

"Bro" bati nito sa pinsang si Richard.

"Oh Bro, finally you are here", bati naman ng pinsan sa kanya.

"Kanina pa kayo?" tanong nito kay Chard.

"Kinda" sagot naman ni Chard.

Napatingin naman sya sa babae na nakaupo sa harap ng pinsan at napansing may isang bag pa at isang baso ng iced tea ang nakapatong sa lamesa, marahil ay may kasama pa ang  babaeng nasa harap nya. 

"Better get yourself something to drink Rands while waiting for Ash" sabi ng pinsan.

"Ok... wait for me..." sagot ni Randy habang papasok sa coffee shop para umorder.

Pagkabukas nya ng pintuan ay hindi nya napansin ang babaeng sasalubong sa kanya.

Blag.

Nabangga ng pintuan ang babae.

Nagkatinginan silang dalawa at saka nya nakilala ang babae. Ito rin ang babaeng muntik na nyang masagasaan kanina.

"Ikaw?" sabay nilang sigaw sa isa't isa.

Naaawa sya sa babae dahil hinihimas nya ang sarling noo. Mukhang nasaktan nga talaga ang dalaga.

Can't Buy Me Love (AshRald Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon