Chapter 1

2.2K 31 6
                                    

Maaga nagising si Asher para pumasok sa kanyang trabaho. Pagkagising, nakita nya ang kanyang ina na may kausap sa telepono. Humalik ito sa mommy nya at bumati ng good morning. Napansin nyang seryoso ang mukha ng mommy nya, mukhang seryoso ang usapan nila ng kausap sa telepono. 

Umupo muna ang dalaga sa kanilang dining table at nagsimulang hainan ang sarili pero nakikining pa rin ito sa sinasabi ng kanyang ina.

"Tsk.. tsk.. Ano bang nangyare?" sabi ng ina ng may halong pag-aalala. "Hayaan mo na at magpapadala ako kaagad... Sana naman dyos ko po...", sabi ng ina, halata dito ang lungkot at sobrang pag-aalala. Nagsimulang kumain si Asher at maya-maya pa ay umupo ng ang ina upang saluhan sya.

"Bakit daw My? Ano daw ang problema?" tanong nito sa mommy nya. "Anak, si lola mo kasi eh sinugod sa ospital kahapon... Inatake sa puso, kelangan daw ng pera para maoperahan", malungkot na tugon ng mommy nya. Halatang-halata sa ina ang kalungkutan at pag-aalala.

"Magkano daw po ba ang kelangan?" tanong ni Asher.

"Hindi pa sigurado eh,  pero magpapadala ako mamaya kung anong kakayanin.." sagot ng ina.

"Eh sila Tito Greg (tinutukoy ang mga kamag-anak sa Amerika), alam na ba nila?" tanong ni Asher.

"Hindi ko lang alam... Naku naman, kelan kaya matatapos ang mga problema?" bulong ng ina. Tinutukoy nito ang pagkaka-ospital ng kanyang daddy nung isang buwan. Malaki na rin ang nagastos nila para maipagamot ang ama, sa kabutihang palad maayos na ang kondisyon nito pero alam nilang anytime maaaring mangyari ulit iyon sa daddy nya.

"Ayos lang yan My, kaya natin yan.." sabi ni Asher habang tinatapik nito ang ina sa likod.

"Haaay anak, sana nga... sa isang buwan enrollment na naman ni Kathryn (nakababatang kapatid ni Asher), hindi ko na alam ang gagawin..." saad ng Mommy nya.

"Hayaan mo My, ta-try ko makapag loan sa opisina o sa SSS ko, kahit papaano makakatulong din yon" tugon ni Asher.

Malungkot na pumasok si Asher sa opisina, parang wala sya sa sarili dahil sa kakaisip ng mga problema sa bahay nila. Hindi naman sila mahirap pero hindi rin naman mayaman. Sapat lang ang kinikita niya at ang kinikita ng magulang nila para panggastos sa bahay pero dumarating talaga ang mga pagkakataon na hindi inaasahan katulad nito...

Malalim ang iniisp ni Asher habang naglalakad kaya ng tatawid na ang dalaga ay hindi nito gaano namalayan ang padating na sasakyan. Nagulat ang dalaga ng mabangga sya ng isang itim na kotse.

Bang!

Nagulat ang mga tao sa paligid, nagulat din si Asher at sa isang sandali ay parang umikot ang mundo nito. Napaatras si Asher at napahiga sa kalsada ng hindi inaasahan. 

Dali-dali namang bumaba ang isang lalaking naka-suit at maayos ang porma. 

"Shit. Shit" pagmumura nito habang pababa sya.

Tiningnan nito ang lagay ni Asher.. "Miss are you ok?... Miss?" tanong nito habang nakahiga ang dalaga sa kanyang mga braso. Hindi nagreresponse si Asher sa tanong ng binata kaya dali-daling isinakay ng binata si Asher sa kanyang kotse at dinala sa pinakamalapit na ospital.

______________________________________________

Nagising si Asher na nasa Emergency Room sya at pilit na inalala ang mga nangyari... "Shocks! BAkit ako nandito?" tanong nito sa sarili. Maya-maya ay may nag-approach sa kanyang isang nurse at tinanong kung ok ba sya... "Ok naman ako, pero bakit ako nandito?" Inexplain ng nurse ang nangyari at tsaka nya na-realize kung bakit nga sya nasa ospital. Sinabi sa kanya na panandalian syang nawalan ng malay pero sa kagandahang palad eh, natumba lamang sya at galos lang ang natamo nya.

Maya-maya ay isang lalaki ang um-approach sa kanya. "Miss, my name is Atty. Marquez, i am the legal advisor ng nakabangga sa inyo. Mabuti naman at nagkamalay na kayo, kamusta po ang pakiramdam nyo?" tanong ng may edad ng lalaki habang nakikipagkamay.

"Ok naman po ako, sino ho bang nakabangga sa akin?" tanong nito.

"Ah ok, mamaya po makikilala nyo rin sya pero tsaka ko na po i-eexplain sa inyo ang lahat. By the way po, gusto ho naming humingi ng dispensa sa nangyari, isang aksidente ang naganap kaya humihingi kami ng paumanhin in behalf of my client." pag-eexplain nito.

Hindi nagustuhan ang tinuran ng attorney, para sa kanya, ang dapat humingi ng dispensa ay yung mismong gumawa ng mali...

Maya-maya ay inilipat na sya sa isang private room. Ayaw na sana nya magpa-admit pa pero nagpumilit ang attorney na kausap nya. Gasgas lang naman sa braso ang natamo ng dalaga kaya alam nyang sa sarili na kaya nya ng pumasok kahit half day lang. Nanghihinayang din ito sa araw na hindi nya ipapasok lalo na ngayon na kailangan nila ng pera. Hindi na rin nya naisipang tawagan ang ina dahil ayaw nyang mag-alala pa ito sa kanya. Maya-maya, pumasok ang doktor at sinabi sa kanya na wala namang nabaling kahit anong buto sa katawan nya o kahit anong brain injury sa ulo nya... Pagkatapos mag-explain ng doktor ay pumasok na ang attoryney na kausap nya kanina.

"Miss Geronimo, how do you feel right now?" tanong ng attorney.

"Ayos lang naman po ako, pero alam nyo po kahit hindi na po ako magpa-admit eh, kaya ko na po eh" sagot ni Asher.

"sssh... dont worry Miss Geronimo, kami ng bahala dito" tugon ng attorney. Hindi na nakasagot si Asher at tumahimik na.

"By the way po, sino ho ba ang nakabangga sa akin at kayo po ang humaharap dito?" tanong nya.

"Uhmmm,,, kanina nandito sya pero kailangan nya kasing pumasok sa opisina eh, marami pa syang dapat gawin kaya ako ang pinadala nya dito" sabi ng kausap.

Hindi nagustuhan ni Asher ang narinig. Nakabangga na nga ang mokong na yon eh tapos parang may balak pang tumakas? Kumunot ang noo ng dalagat at sinabing "Aba, ang lakas naman ata ng loob nyang pumasok pa sa opisina nya gayong may nabangga na nga sya? Hindi nyo ba alam na kailangan ko rin pumasok sa trabaho at nawala ang isang araw ko dahil sa katangahan nya!" bulalas ni Asher.

"Pasensya na po kayo Miss, marami po kasi talagang umaasa sa kliyente ko. Hindi ho talaga pwede basta iwan ang opisina nya kaya hindi na sya nakapag stay dito hanggang magising kayo. By the way, pinabibigay nya po itong calling card nya kung kailangan nyo daw po ng tulong, (inabot ng attorney ang calling card kay Asher) huwag kayong mahihiyang tumawag. Regarding dun sa mga nagastos sa ospital, kami na po ang bahala even yung compensation po sa damages and even yung dapat nyo po sasahurin sa mga araw na hindi kayo makakapasok sa opisina nyo." tugon ng attorney.

"Ganon? Ganon lang yon?" pagtataray ni Asher. Ang mga mayayaman nga talaga oh, kahit kailan walang pinagkaiba!

Tiningnan ni Asher ang calling card na binigay ng attorney.

Mr. Richard A. Gutierrez

Vice President, Anderson Group of Companies

Aba, mukhang bigatin 'to ah. VP pala sya ng isa sa pinakamalaking group of campanies sa bansa, sabi ni Asher sa sarili.

"Uhmmm. Miss?..." istorbo ng attorney.

Tumingin si Asher.

"Since po pumayag na kayo dun sa settlement ng damages ng aksidente, eh kelangan ko pong papirmahan ito sa inyo..." sabi ng attorney habang inabot ang isang papel.

"Ano ho 'to?" pagatatanong ni Asher.

Binasa ni Asher ang nakasulat. Isa itong waiver na nagsasabing hindi na nya maaaring idemanda yung nakabangga sa kanya.

Nag-init ang dugo ng dalaga sa nabasa.

_____________________________________

Yan po, Chapter 1 is done. I hope you'll like it. Kala nyo si Gege na noh? Hmmmm... basta, antabayanan nyo na lang po yung next Chapter. Please leave your comments po! 

Sorry po kung maikli ah... ayoko rin naman po yung masyadong maraming palaman, basta i'll try to come up with good plots and twists po..

About po dun sa mga nagtatanong about For Reel or for Real 2, pasensya na po kayo.. feeling ko nagka writer's block ako (writers bock? lol), hehehe... basta po may plot na rin yon pero super busy eh, i'll try my best po to update that as soon as possible

Salamuch!

emEL

Can't Buy Me Love (AshRald Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon