"Pasado"

26 3 0
                                    

"Sosorpresahin kita kung pumasa ka sa exam mo, anak" Sabi ng aking Ina. Sinundan naman ito ng matamis na ngiti ng aking ama.

Agaran na akong umalis dala-dala ang aking mga gamit. Hindi ko na halos alam kung kumpleto ang mga ito, ang importante, papunta na ako. Putek. Naiwanan ko yung libro.

Nang dumating ako sa eskwelahan ay agaran kong tinungo ang aking silid-aralan. Heto na. Magsisimula na ang huling pagsusulit ko. Kailangan ko ng maipasa 'to. Paubos na kasi ang pera ng aking mga magulang. 'Di rin naman kasi talaga biro ang mag-paaral ng isang med student. Nasaakin na ang "pressure." Pero kinakabahan talaga ako. Hindi ako panatag dahil 'di ko dala yung libro.

Agad kong tinungo ang aking dorm pagkatapos ng exam. Haaay. Gabi na pala. Hindi ko na napansin ang pag-lubog ng araw dahil sa hirap ng aming pagsusulit. Akin namang binuksan ang telebisyon at namataan ang balita tungkol sa talamak nanamang kidnapan. Naku po. Heto nanaman sila. Nakapangangamba. Mga kabataan pa naman ang kanilang pangunahing puntirya. Ayoko pang mamatay.

Lumipas pa ang ilang linggo at lumabas na ang resulta ng aking pagsusulit. Uuwi muna ako saamin.  Patuloy parin pala ang mga balita ng kidnapan at pagtitilad-tilad nila ng mga katawan, kaya naman nanatili akong vigilante sa aking pag-uwi.

Pagkarating ko sa aming tahanan ay kumatok ako saaming pintuan. Walang imik. Kumatok ulit ako ngunit wala paring imik. Ano kayang meron dito? May sorpresa kaya ako? Ano kayang inihanda nila? Sino-sino kaya ang nasa likod ng pintuan? Marami kaya kaming handa? Anong regalo saakin ni Ina?

Ngunit bago pa ako dalhin ng aking isipan sa sukdulan, ako ay tinawag ni Ka Berting, ang aming kapitbahay.

"Ato, halika dito sa bahay ko. Panoorin mo ang nasa telebisyon. Dali!" Agad akong pumunta sakaniyang bahay sapagkat nabagabag ako sa kaniyang tono.

Dumating ako ron at nagulat.
Ito ang mga nakita ko sa telebisyon:
Ang aking ina, ama, at libro. Sama-sama sila.

Headline: Mga suspects sa talamak na kidnapan at pagkatay sa mga kabataan, nahuli na.

Napangisi ako,
hindi naman ako pasado, pero may sorpresa parin kayo.

-e.n.d-

KILABOT: Mga Dagli at Tulang NakamamatayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon