Mahal ko si Papa
mahal ko si papa.
kahit na lumpo siya.
kahit na bulag siya.
kahit na nagmumura siya.
kahit na madami ang galit sakanya.
sinusunod ko ang lahat ng utos at pakiwari niya.madalas sabihin ng iba na naging katulad ko na siya,
naging lumpo sa sariling gawa,
naging bulag kahit na nakakikita.
pero ang masaklap, ang mura na sinasambit niya ay mura na nagaya ko na. nagaya ko na ba talaga siya?pero bigla akong sinampal ni mama.
tinuruan niya akong tumayo at makakita,
sumigaw ngunit hindi ang mag-mura.isa lamang ang utos niya: mag-isip ka.
mas mahal ko na yata si mama.
ngunit yun ang araw na piniringan at binusalan ako ni papa.
mahala kita, ama. Pero mas mahal ko ang kalayaan na tinuro ni ina.
kaya uulit-ulitin kong tanggalin ang piring, ang busal, at lagpasan ang anumang harang.
mahal ko si papa,
pero mas mahal ko si ina.
BINABASA MO ANG
KILABOT: Mga Dagli at Tulang Nakamamatay
Mystery / ThrillerTampulan ng mga orihinal na dagli at tula. Nakakikilabot. Nakamamatay.