Paalis na sa tulay si Marya nang dalhin ng hangin ang alampay na gawa sa pinong hibla ng pinya at may ma-detalyeng burda ng mga bulaklak. Sa kasulok-sulukan ng kanyang isip, madalas nyang magunita: bakit ba ang mga dalaga ay kailangang mabalot sa saya at alampay na may bulaklak na burda? Bakit natatantsa ang aming halaga sa kahinhinan at hindi sa lakas? Bakit sa ating lipunan, ang mga babae ay ginagawang kasambahay at palamuti nalang? Bakit ginagawa lamang kaming parausan ng mga lalaking wala namang ginawa kundi dumihan ang mga unipormeng aming pinag-hirapang labhan at plantsahin gamit ang almirol? Bakit ba ang babae ay inihahalintulad sa pagbuburda, pagluluto at paglalaba? Bakit bulaklak ang simbolo ng kababaihan, kung sa totoo lang ay braso ang pinaka-mainam? Bakit kami ang rosas kung pupwedeng kami ang mga hardinera na nag-aalaga at kumukupkop sa aming mga asawa at anak? Napabalik sa realidad si Marya. Bigla kasi siyang sinipulan ng sundalong Pilipino mula sa kabila. Kita na pala ang dede niya. "Pambihira", isip ni Marya.
BINABASA MO ANG
KILABOT: Mga Dagli at Tulang Nakamamatay
Mystery / ThrillerTampulan ng mga orihinal na dagli at tula. Nakakikilabot. Nakamamatay.