*Yeonwoo's POV*
"Yeonwoo anak! Bilhan mo nga ako ng sibuyas!" sigaw ni mama mula sa sala
Pero di ko yun inintindi at nagpatuloy lang sa ginagawa ko
"Yeonwoo!"
Deadma
"Yeonwooooo!!"
....
"Kapag hindi ka lumabas diyan sa kwarto mo-" dali-dali naman akong lumabas at lumapit kay mama
"Ilan ba ma? Akin na po yung pambili" sabi ko at nginitian siya
Tinignan niya lang ako at inirapan "Ikaw na bata ka! Kapag hawak mo talaga yung cellphone mo hindi ka mautos-utusan" sabi niya at kumuha ng pera, napakamot nalang ako ng ulo
"Oh! Dalawa bilhin mo" sabi niya at inabutan ako ng pera
Agad naman akong tumakbo palabas ng bahay para bilhin yung pinapabili ng nanay ko
Ako nga pala si Yeonwoo Lee, 16 years old. Hindi kami mayaman, pero hindi rin kami mahirap. Average lang, hindi rin malaki ang bahay namin at hindi rin maliit, sakto lang sa tatlong tao. Dalawa ang kwarto, kwarto ko at nila mama.
Nakakapag-aral ako, nakakakain kami ng tatlong beses sa isang araw at nabibili namin ang mga kailangan namin, only child lang kasi ako pero hindi ako tulad ng iba na spoiled
Pero yung mga materyal na bagay tulad ng cellphone at laptop? Nako kailangan mong magtrabaho para makuha ang mga bagay na yan
Yung cellphone ko? Ako bumuli nun. Kailangan kasi kaya lagi akong nago-overtime para mataas ang sahod. At oo, working student ako
4th year highschool palang ako na dapat ay 1st year college na, nag-stop kasi ako ng isang taon dahil nagkasakit si mama at kailangan dalhin sa hospital
"Oy brad!" napalingon ako sa tumawag sakin, napangiti naman ako at lumapit sakanya saka siya inapiran
"Saan ka galing?" tanong ko
"Diyan lang. Oo nga pala, nagyayaya si jane doon daw kila aling rosa" sabi niya
"Ngayon na ba?" tanong ko tumango siya
Napakamot ako ng ulo "Pwede bang susunod nalang ako? May inuutos pa kasi si mama" sabi ko
"Sige, basta sumunod ka ah! Baka di ka nanaman sumipot, magtatampo na kami sayo" sabi niya at naglakad palayo, natawa nalang ako
"Susunod ako!" sigaw ko at tumakbo na papunta sa tindahan
"Ate dalawang sibuyas nga po" sabi ko ng marating ko ang tindahan
Habang hinihintay ko yung binili ko ay nilibot ko ang paningin ko. Natulala naman ako ng makita ko ang isang babaeng busy sa cellphone
Ang ganda...
"Eto yeonwoo oh"
Nakakunot ang noo niya pero shit! Ang ganda parin
"Yeonwoo eto na yung sibuyas"
Mukha siyang angel...
"Yeonwoo!"
"Ay angel!" napatingin naman ako kay ate judy
"Sino ba ang tinitignan mo diyan at natutulala ka?" tanong niya at sumilip
"Nako. Type mo ba si nancy?" tanong niya
"Nancy?"
Tumango siya "Ayun ata ang pangalan niya. Bali-balita kasi na dito na siya mag-aaral" sabi niya at binigay sakin yung sibuyas