Chapter 3

134 11 0
                                    

*Yeonwoo's POV*

Nagising ako dahil sa katok na naririnig ko

"Yeonwoo!! Bangon na, tanghali na!"

Kinusot ko ang mata ko at humikab saka nag-inat

Good morning everyone!

Bumangon ako at tinignan ang alarm clock ko. 9 na pala ng umaga

"Yeonwoo!" sigaw at katok nanaman ni mama sa pinto

Tumayo na ako at nagsuklay saka lumabas. Iisa lang naman kasi ang banyo dito sa bahay namin

Binuksan ko ang pinto at bumungad sakin si mama na kakatok na sana ulit "Hi ma! Good morning!" bati ko at niyakap siya at hinalikan siya sa pisngi

"Buti naman at maaga kang bumangon" natawa naman ako 

"Si papa?" tanong ko at umakbay kay mama

Pero agad na nasagot ang tanong ko ng makita ko si papa na kakalabas lang galing kusina

"Hi pa! Good morning" bati ko at bumeso sakanya

"Good morning anak" sabi niya

Naupo na ako sa upuan "Wow naman! Andami nating almusal ngayon ah! Anong meron?" natatawa kong tanong 

"Wala naman anak, dinagdagan kasi ng boss ko yung sweldo ko sa talyer kagabi dahil magaling daw ako mag-trabaho" sabi ni papa habang nakangiti

"Naks naman! Galing talaga ng tatay ko" sabi ko at inapiran siya

"Syempre! Ako pa ba" sabi niya

Natawa nalang si mama samin "Oh kumain na kayo, may pasok pa ang papa mo" sabi ni mama

Dalawa ang trabaho ni papa, sa umaga construction worker sa hapon sa talyer

Dati sa isang kumpanya nagta-trabaho si papa kaso kailangan magtanggal ng empleyado yung kumpanya at isa si papa sa natanggal. Sinubukan niya mag-apply sa ibang kumpanya kaso hindi siya natatanggap

Kaya ang ending naging construction worker siya. Pero kulang ang sweldo niya paggawa ng bahay kaya naghanap pa si papa ng isa pang trabaho at yun nga sa talyer

"Oo nga pala anak, kanino galing yung cake sa ref?" tanong ni mama

"Kay trixie ma" sagot ko ng hindi tumitingin sakanya

"Kay trixie? Pero bakit?" nagkibit-balikat ako

"Pasalubong daw" sabi ko nalang at tinapos na ang pagkain ko

"Sagutin mo na kasi anak" natatawang sabi ni papa, pati si mama ay natawa rin kaya napailing nalang ako at di siya pinansin saka tumayo

"Ligo na ako" sabi ko at dire-diretsong pumunta sa cr

Alam nila mama at papa na matagal ng may gusto si trixie sakin, lagi ba naman siyang nandito. Tapos ang daldal pa, pero mabait naman si trixie

Pagtapos ko maligo ay nagtapis ako ng towel sa katawan ko at lumabas. Magkatabi lang naman ang cr at ang kwarto naming tatlo eh

Ng makalabas ako ay muntik na akong mapamura ng makita si trixie na nasa sala, sakto namang napatingin siya sakin 

"T-trixie? A-anong ginagawa mo dito?" tanong ko at hinawakan ang towel 

Ngumiti naman siya "Dinadalaw ko lang sila tita yeonwoobabes" sabi niya

"Trixie! Halika tulungan mo ako dito" rinig kong sabi ni mama mula sa kusina

Agad namang tumayo si trixie at naglakad pero bumalik ulit siya at tinignan ako mula ulo hanggang paa saka ngumiti "Ang hot yeonwoobabes ah" sabi niya at naglakad na ulit

Our Love StoryWhere stories live. Discover now