Chapter 5

148 9 1
                                    

*Nancy's POV*

"Mom! I already said that i don't want to go back to the philippines!" inis na sabi ko

Kasi naman! Pinipilit nila akong dalawa ni mommy na umuwi kami ng pilipinas, eh ayaw ko nga!

"Whether you like it or not, you will go with your dad" huling sinabi ni mommy at lumabas na ng kwarto ko

"Argh!" nahampas ko nalang ang unan ko sa sobrang inis

Kinuha ko nalang ang cellphone ko at nahiga. Wala naman akong magagawa kasi kahit anong ayaw ko, uuwi at uuwi parin kami ni dad

Pinapauwi nila ako ng pilipinas para daw magtino ako, ang pasaway ko daw kasi tss

I just want to enjoy my life duh

***

Nasa pilipinas na kami ngayon ni dad, kausap niya yung may-ari ng bahay habang ako ay nakaupo lang sa gilid at nagce-cellphone

Bigla namang nag-text si mommy kaya kumunot ang noo ko

Oo inis talaga ako kay mommy, lahat nalang kasi ng galaw ko tinitignan niya. Lahat nalang pinapakealaman niya. Kung ano yung gusto niya, ayun dapat ang masusunod 

From: Mommy

Your dad texted me na nakarating na kayo, magpaka-bait ka diyan jewel or else....hindi ka na makakabalik dito. Just one year jewel

Tss

Hindi na ako nagreply dahil....ano namang sasabihin ko? psh

"Let's go anak" sabi ni dad at nauna ng naglakad

Napabuntong-hininga nalang ako at naglakad na bitbit ang luggage, travel bag at backpack ko

Oo na ako na ang maraming gamit tss

Habang naglalakad ako ay naisip ko ang mga kaibigan ko sa mexico

Oo inaamin ko, pasaway talaga ako. Lahat ng bawal nagagawa ko, tulad ng pag-inom (kahit na 15 palang ako) pag-cutting classes at pag-race car (kahit wala pa akong lisensya at under age pa) yung mga kaibigan ko kasi niyayaya ako ng niyayaya, hindi naman ako makatanggi kasi gusto ko rin naman

"Ouch!" ayan kakaisip ko may nakabungguan ako

Parehas kaming napaupo sa sahig pero agad siyang tumayo at tinulungan ako tumayo

"Nako sorry miss, hindi kita napansin" sabi niya, sinamaan ko naman siya ng tingin

"Malamang, kaya nga tayo nagkabungguan diba?" sarcastic na tanong ko

Kahit ayokong sungitan siya ay ginawa ko parin. Naiinis parin kasi ako kay mommy

Napakamot naman siya ng ulo, and i find it cute

Matangkad siya, maikli ang brown na buhok, foxy eyes, matangos ang ilong at....

Fine! Maganda

Attractive ako sa magagandang babae, lalo na sa mabango. I don't know, basta naa-attract ako

"Pasensiya na talaga miss" sabi niya at tinignan ang gamit ko

"Uhm...tulungan na kita" alok niya

"No need. I can do it on my own" sabi ko nalang at nilagpasan siya

Kasabay ng paglapas ko sakanya ay ang paghangin, kaya ayun naamoy ko siya

Argh! Ang bango!

Tuloy-tuloy lang ang paglalakad ko at hindi na siya nilingon

Pagdating ko sa bahay na binili ni dad ay agad akong pumasok sa kwarto, walang taas yung bahay pero malawak. Pumasok ako sa kwarto ko, medyo maliit siya compared sa kwarto ko sa mexico

Our Love StoryWhere stories live. Discover now