*Yeonwoo's POV*
Lumabas agad ako ng bahay ng mag-text sakin si nancy na tapos an siya mag-ayos
Halos sabay lang din kami lumabas pero aga akng lumapit sakanya
"Tara na? Naghihintay na sila hyebin kila aling rosa" sabi ko at hinawakan ang kamay niya
"Let's go" sabi niya at hinila na ako
Hilig niya akong hilain noh?
Ng makarating kami kila aling rosa ay naabutan namin sila hyebin jane at trixie na nag-uusap
"Tara na" sabi ko na ikinalingon sila samin
Bumaba ang tingin nilang tatlo kaya sinundan ko yun ng tingin. Nakatingin pala sila sa kamay namin ni nancy
Hinila ko ang kamay ko at inakbayan si nancy "Nililigawan ko na siya" sabi ko
Walang nagsalita ni isa sakanila at nakatingin lang saming dalawa
"Oh? Ba't di kayo nagsasalita?" tanong ko
Umiling naman sila jane at hyebin at sinuntok ako ng pabiro sa braso
"Bilis naman tol, flash lang ang peg?" natatawang tanong niya
"Baliw!" sabi ko at tumawa
"Tara na nga! Baka dumami na yung tao" sabi ko at nauna ng maglakad
Ng makarating kami sa labasan ay agad kaming nagpunta sa sakayan ng jeep
Bumaling ako saglit kay nancy at tinanggal ang pagkaka-akbay sakanya, hinawakan ko ang kamay niya. Pumasok na kami sa loob at naupo
Nasa dulo si trixie at ako ang katabi niya, katabi ko naman si nancy sa kabila at nasa harap namin yung dalawa
"KKB ah" sabi ko bago pa magpalibre yung dalawang tukmol
Natawa naman sila at kumuha ng pera sa mga bulsa nila. Kumuha din ako ng bente
"Bayad po, makikisuyo" sabi ko at inabot ang bayad ko
"Here" tumingin ako kay nancy ng mag-abot ito ng pera
Umiling lang ako at nginitian siya"Libre na kita" sabi ko
"Ilan yung bente?" tanong nung driver
"Dalawa ho yan" sagot ko
"Pag si nancy libre tss" rinig kong bulong ni hyebin
Sinamaan ko nalang siya ng tingin at hindi pinansin
"Bayad po" kinuha ko yung pera ni trixie at inabot
Pansin ko ang lalaking katabi ni nancy na panay ang tingin sa hita niya
Amporkchop naman kasing babaeng to naka-short pa. Ang puti pa naman ng hita nito
Pansin ko na hindi kumportable si nancy kaya inakbayan ko siya na ikinatingin niya sakin. Bigla namang pinagsakop ng lalaki ang kamay niya kaya yung siko niya ay napunta sa hita ni nancy
"Brad yung siko mo" sita ko, tumingin naman siya sakin at inalis ang siko niya
"Sorry" sabi niya
Pero parang nang-aasar yata ang lalaking to dahil may kinuha siya sa bulsa niya at dumaplis ang kamay niya sa hita ni nancy
"Brad yung kamay mo, kanina ka pa eh!" sabi ko at medyo tinaasan ko na ang boses ko
Kapikon kasi!
Tumitingin na samin yung ibang pasahero pero wala akong pake
"Tol" tawag ni jane kaya tinignan ko siya