*Yeonwoo's POV*
"Oo nga pala, bakit ka makikipagkita?" tanong ko kay nancy, tumingin naman siya sakin
"Hmm?"
"Sabi ko bakit ka pala makikipagkita?" ulit ko
"Well...i just want to say sorry...and thank you" sabi niya at ngumiti
Napakunot naman ang noo ko "Para saan?"
"For saving me yesterday" napatango ako
"You're welcome" sabi ko at ngumiti din
"Eh para saan naman yung sorry?" tanong ko
Napakamot naman siya ng kilay na ikinatawa ko "Eh kasi nasungitan kita nung isang araw" sabi niya
"Huh?"
"Nasungitan kita nung isang araw, yung tumatakbo ka"
"Ahh, oo nga eh. Ang sungit mo" natatawa kong sabi
"Naiinis kasi ako nun kasi lumipat kami" sabi niya
"Bakit ayaw mo ba dito?" tanong ko
"Nung una" sagot niya
Dumating naman na yung order namin kaya tumigil muna kami sa pagkwe-kwentuhan
"Ayan, eto ang sayo. Hotsilog" sabi ko at nilapag sa harapan niya ang pagkain niya
"Hotsilog?" tanong niya, tumango naman ako
"But this is just a hotdog, egg and fried rice" natawa naman kaming tatlo, pati na rin si aling rosa
"Hotsilog ang tawag diyan" sabi ko
"And what is that?" tanong ni nancy at tinuro ang pagkain ko at ni jane
"Eto naman...tapsilog. Tapa to" sabi ko at tinuro yung tapa. Tinignan ko siya pero nakakunot lang ang noo niya sakin na ikinatawa ko
"Karne ng baka to" dagdag ni jane, napatango naman siya
"RK ka talaga nancy noh?" tanong ni jane
"Huh? RK?"
"Rich kid" sabi ni hyebin
"What are you eating?" tanong niya kay hyebin
Napatigil si hyebin sa pagkain at uminom "Porksilog" sagot niya
"Is that a pork? But it's almost black"
"Pinatusta ko, sarap kaya! Try mo" sabi ni hyebin, umiling naman si nancy na ikinatawa namin
"Aling rosa, pwede po ba makahingi ng sabaw?" tanong ko, tumango naman siya at binigyan kami ng apat na mangkok na may sabaw
"And what is this?" tanong nanaman niya
"Di ba obvious? Sabaw!" sabi ko
"Yeah i know, i mean...what kind of sabaw?"
"Wag ka ng maraming tanong, kumain ka nalang" sabi ko para magtigil na siya kakatanong
Ignorante lang
***
"Why are you so quiet?" tanong ni nancy na nasa tabi ko
Kasalukuyan kaming naglalakad ngayon, kakatapos lang kasi namin kumain. Sila hyebin at jane kasi ay dumiretso sa computer shop
"May iniisip lang ako" sabi ko ng hindi bumabaling sakanya
"Are you okay?" tanong nanaman niya, tumango nalang ako
Ng makarating kami sa mga bahay namin ay nagpaalam na ako sakanya