*Yeonwoo's POV*
Huminga ako ng malalim. Hindi ko alam kung pang-ilang beses ko na yun ginawa, kinakabahan kasi ako
"Hey" napatingin ako kay nancy na nasa tabi ko
Hinawakan niya ang kamay ko "Relax, hindi nangangain si daddy" natatawang sabi niya
Napakamot naman ako ng ulo at hindi nagsalita
"Yeonwoo?" tumingin ako kay nancy
"Yung spoken poetry...kailan mo sinulat yun?" tanong niya
"Kagabi" sagot ko
"Weh?" natawa naman ako sakanya
"Oo nga" sabi ko at pinisil ng marahan yung ilong niya na ikinatawa din niya
May tumikhim naman sa likuran namin kaya napalingon kaming dalawa. Napaayos ako ng upo ng makita ang daddy niya
Naupo siya sa single couch nila, pinagsakop ang kamay saka tumingin sakin
"Yeonwoo right?" agad naman akong tumango
"O-opo sir" sabi ko
"I heard a lot about you and your family" sabi niya
"And i can tell you're a good person" dagdag niya
"S-salamat po sir" sabi ko
"So...what's bring you here?" tanong niya
Tumikhim muna ako bago magsalita "May gusto ho ako sa anak niyo sir, pumunta ho ako dito para ipaalam na nililigawan ko ho siya" magalang kong sabi
Napatango naman siya "Alam kong yan ang dahilan kung bakit ka nandito, gusto ko lang marinig mula sayo. And i'm glad nagsabi ka ng totoo" ngumiti lang ako
"Pero..." tumingin muna siya saglit kay nancy bago sakin
"Hindi ba't masyado pa kayong bata para sa ligaw ligaw na yan?" dagdag niya
Nagkatinginan naman kami ni nancy "Sir, kung dahil po to sa pareho kaming babae-"
"No, no hindi yan ang ibig kong sabihin yeonwoo" putol niya habang kinakaway ang dalawang kamay niya
"Hindi ako tutol sa kung ano mang ugnayan ang meron kayo ng anak ko, i don't care kung parehas kayong babae. Love has no gender ika nga"
"Then why are you-" naputol ang pagsasalita ni nancy ng magsalita ulit ang daddy
"What i mean is...masyado pa kayong bata. Nancy you're just 15 years old" nanahimik na si nancy at di nagsalita
Bumaling naman sakin ang daddy niya "How old are you yeonwoo?" tanong niya
"16 po" sagot ko
"See what i mean?" tulad ni nancy, nanahimik nalang din ako
"Matagal na ba kayong magkakilala?" tanong nanaman ng daddy niya
"Ahm...nung nakaraan lang po kami nagkita" sagot ko
"What?! Hindi pa kayo ganung magkakilala tapos nagliligawan na kayo?" napatayo na ang daddy niya kaya yumuko ako
"Look yeonwoo..." tumingin ako sa daddy niya ng banggitin niya ang pangalan ko
"Bata pa kayong dalawa ng anak ko, hindi ako papayag sa gusto niyo okay? Kung gusto mo...maghintay ka"
"Po?"
"Wait for her until she is 18" parehas naman kaming nagulat ni nancy sa sinabi ng daddy
"What? But daddy-"