Mom, I’m home!
‘Naaay! At walang sumasagot.
Hello, anybody home?
Siguro di nila alam ako ‘to, kasi pa-English-English pa ako. Eh kasi naman mga Englisera na ang kaklase ko ngayon. Ang saya nga eh, andami ko ng friends kahit first day ko pa lang sa Peladelpiya Hayskul. Pero miss ko na agad BFFs ko na naiwan ko sa Mababang Paaralan ng Brgy. Maudo. Well ok lang, astig naman mga bago kong classmates dito sa Maynila. At heto pa, sobrang gagaling ng mga teachers ko dito. Di tulad ng mga dati kong teachers doon, magagaling lang bumato ng chalk at eraser at tsaka magbenta ng ice candy at yema sa amin. Minsan nga ako pa ang pinagtitinda eh. Dito? My teachers are teaching outside the … circle…box…circle…box circle.
Biglang galing ko nga sa English. Pero di naman major major nang magaling. Ngayon ngang maghapon, andami kong natutunan. Lessons are in HOTS, as in higher order thinking skills.
Una kong subject, Civics. Noseblood agad ako. Ibang klase. Argumentation and debate ang drama ng mga kaklase ko. Meron isa dun, bratatat talaga, parang si Miriam Santiago ang bibig. Katakot. Tameme ako. Maya-maya pa, biglang tanong ng teacher ko, “What’s the big idea?”
Shocks! Ako lang ang hindi nagtaas ng kamay. Kaya nagtaas na rin ako sabay wish na huwag akong matawag. Aba, at ako pa ang tinawag. Anak ng shawarma naman, oh, oh. Da big idea is… I don’t have any idea. Eh wala eh. Pure English kasi sila kanina sa debate. Kaya punas ng punas lang ako ng dugo sa ilong ko.
Di ko nga maintindihan kung bakit Capteyn ang tawag nila sa Civics teacher namin. Hindi pala, Captain. Kasi naman ang alam ko lang, major. Major, major.
Sumunod na pumasok, Langguweyj teacher namin. Hindi pala, Language. Biglang galing ko talaga noh.
Pinagbasa kami isa-isa. I eat all the fettusini pasta from the big bawl.
Biglang sigaw ng teacher ko “What? Read again.” Basa ulit ako, I eat all the fettusayni from the big bawl.
“Again!” Sabi nya. Di ko talaga ma-pronounce ng tama yung fettusini, fettusayni. Buti naman nag-volunteer yung kaklase kong tinatawag nilang Annoying Orange.
I eat all the fettucini from the big bowl. Fine. Kayo na ang magaling. Fettucini pala yun. Pinaarte ko na nga yung pagbasa ng bowl, bawl, namali pa ako. Pero tingnan nyo naman, I’m learning… big time.
I eat all the fettucini from the big bawl. Mas gusto ko bawl. Spokening dollars na talaga ako.
Kanina nga narinig ako sa canteen ng directress namin na nagsasalita ng Tagalog. Sabi nya sakin “Speak English.” Sabi ko, “Yes, mam.” Tanong nya sakin, “What did you have for lunch?” Nanginig ako. Di ko alam yung English ng sitaw at tinapang galunggong. Kaya sabi ko, I eat all the fettucini from the big bawl. “And the dessert?”, pahabol niya. Anak ng pagong na pakitong-kitong, ano ba ang English ng yema? Alam nyo ba? Kaya sabi ko na lang, “Oh, it’s fettucini, very yummy.”
Science time. Ang gara ng textbook namin. Glossy kung glossy. At Singaporean ang standard kaya Singaporean dollars naman ang tag price. Biglang pasok ng teacher namin, “Our laboratory works today are dissecting bacteria and slicing atoms.” Hala, saan ako huhuli ng bacteria at pupulot ng atoms? Buti na lang binulungan ako ng seatmate ko, “It’s just a microscopic joke.”
Dumating ang CL class. “Recite Psalm 23.” The Lord is my shepherd, I shall not be in want. Wow, ni-recite ng mga kaklase ko ang pagkahaba-habang yun. Love, love, love, love! Di ko kaya yun in million years.
Pero alam mo ba napagalitan ako sa isang subject. Sa Filipino. Bakit? Aba, alam na alam ko yung sagot sa tanong ng teacher ko. Ano ang simuno? Biglang taas agad ako ng kamay. Sagot ko, “Ang simuno is the one being talked about.” Di ba ang galing ko na nga mag-English pero nagamit ko naman sa Filipino subject namin. But the point is I’m learning.
First day ko kanina na magkaroon ng Chinese class. Lao shr, tsao fan, bati ko sa teacher ko. Sobrang tutok talaga ako sa klase namin. Aba, this is my chance to learn a foreign language. Tinanong ako ng seatmate ko kung anong Chinese words ang alam ko. Hmmm, minamaliit ako nito ha. Kaya sabi ko, di lang Chinese words, buong kanta pa. Sinampolan ko nga. A-butchikik, ik-ik-ik. Bubuchichang, chiririkungkwayla, a-butchikik, ik-ik-ik. Tameme sila.
Last subject namin yung peyborit ko. Math. Mental computation. Gary spent P2 million from the fund of P5 million. How much is left in the fund? Patay! Di ko kaya ‘to sa mental tapos ako tinawag. I was taken aback. I thought I am good, I am splendid, I am supercallifragilisticexpialidocius! Chadrikabandaranaikekumaratunga! I wanna eat fetuccini right now. From a big bawl.
“Sir, I can’t do it. In millions na kasi eh tapos mental computation pa.”
Five million minus two million. Sige nga, ikaw nga. Mental lang ha.
Hay naku, matawag nga ulit ang mga tao dito sa bahay.
Mom? Where’s the john?
“Anooo?” At andito lang pala ang mom.
Where’s the john?
“Hay naku, andyan lang yan! Bukas hindi ka na papasok ha?”
Why, oh why, Mother?
“Andami mo nang nalalaman.”
Mother, you can never can tell … over my dead fingernails. #
BINABASA MO ANG
PIPAY TARAY Book 1 - Over, Above and Beyond Your Ordinary Girl
Teen FictionMay isang bagong alamat. Ang pangalan niya ay Pipay.