PIPAY TARAY Series Book 1 Ep. 8 - Pipay LOVES McCOY (Pipay's First Heartbreak)

72 3 0
                                    

I believe in immortality for I wish to live with you ‘till eternity.

Sweet Pea, I love you! (P.S. Sapat na ba ang mahalin ka magpakailanpaman?)

~ McCoy

“Holy molly! Pea Pie, how can this be true?!”

Taranta ako nang makita kong hawak-hawak ng kaklase ko ang love letter na bigay sa’kin ni McCoy. Hindi ito maganda.

“Kitty, please! Promise me you’ll never say anything to Sir Leo about this. It does not concern me if he gets angry. I just don’t want to disappoint him.”

Pakiusap ko kay Kitty na huwag sabihin sa adviser namin ang tungkol sa amin ni McCoy. You heard it right, McCoy and I are MU (em-yu) as in ‘more understanding’. ‘Yung tipong kahit hindi kami mag-usap, alam namin kung ano ang iniisip ng bawat isa. Mas malakas pa kesa sa ESP (extra-sensory perception). Ramdam niya kung ano nararamdaman ko. Alam niya kung kelan ako nagkaka-goosebumps kapag naji-jerbaks na ako. Kaya pati na rin pag nauutot na ako, nakikita ko na siya ang unang magtatakip ng ilong sabay tingin at kindat sa’kin. Sweet ‘di ba. Huwag inggitera!

"Pie, don’t worry about me. Worry about the fact that no secret is hidden forever. If it goes out in the open, Sir will prosecute you in the way you’ll never like it. He’s deadly serious about his rule of criminalizing girlfriend-boyfriend thingy."

Nangilabot ako sa paalala ni Kitty. Oo, ganyan nga ang batas na ipinatutupad sa’min ng class adviser namin simula pa noong June. Siya ang Herodes at Hitler ng mga lovers! Anong alam daw namin sa love eh grade six pa lang kami. May yema pa daw kami sa labi.

"What do I do? I’m just so happy McCoy and I have this understanding. This is the best thing that has ever happened to me. So don’t tell me I’ve got it wrong."

Drama ko.

"I can easily get you wrong because you have not convinced me you know anything about love."

Pambabara sa'kin ni Kitty.

Poor you, Kitty. You know absolutely nothing, as in zero to the maximum highest level, about love. So let me enlighten you today and I will do the explaining in scientific way I can.

Naku, di ko alam kung kaya ko nga.

“Love happens when, between a pure covalent bond (boy) and a strongly ionic bond (girl), there is a gradual shift from one bond type to the other that is related to the differences in electron attraction between the bonded atoms. The ability of an atom to attract electrons in a bond is called its electronegativity (love) —the stronger an atom pulls electrons, the higher its electronegativity.”

Kaya nyo yun!

Oh yeah. I completely got you. But the problem starts when the strongly electronegative atoms (boy) tend to pull electrons away from less electronegative atoms (girl). That is why, bonds between atoms of more similar electronegativity take on a more covalent character (stupid action) and eventually become completely covalent (dumb).

Aba at nagmarunong ang kuting na’to. Eh kung gawin ko siyang siopao at ipakain kay Sir Leo.

Whatever! It seems like your brain is confined in a narrow test tube anyway!

Sabay kong pagtalikod sa kanya at lumakad palayo. Mali ang hadlangan akong magmahal. Kung ganun din lang, sana buksan na lang nila rib cage ko, hugutin ang puso ko, i-marinate sa oyster sauce, i-sautee sa kaunting olive oil, garlic at ginger, mag-sprinkle ng tinadtad na rosemary at parsley, sahugan ng celery at budburan ng Aji-ginisa. Ayan, may instant French chop suey na sila. Serve while hot. Wala na akong pakialam!

Pagkatapos kong kumain ng hapunan, agad akong pumasok sa kwarto. Magre-reply ako sa love letter ni McCoy sa’kin kanina. At nang biglang mag-ring cellphone ko. Message from McCoy.

Sa sobrang kilig ko, nagpa-tumbling tumbling ako sa kama hanggang sa nauntog ang ulo ko sa pader. Malakas! Nag-crack ‘yung semento sa pader. At para ma-ignore ko ang sakit, sabay kanta at sayaw ko na lang ng ‘Sumusunod sa galaw ko, sumusunod…’ habang ginagalaw ko ang hair ko.

At nang mahimasmasan ako, doon ko lang naalala na may text message pala sa’kin si McCoy.

“I’m afraid of what I’m gonna tell you tonight.”

Reply ko: “Oh please, you’re not gay, right?”

“Of course not. What I mean is…I’m not coming to school tomorrow.”

Naku ha. Tensed na ako. Reply ko: “You have dengue?! Is your fever on and off for two days now? That must be dengue.”

“I’m not sick.”

Eh ‘yun naman pala. Bakit hindi siya papasok bukas. Nagpapa-miss effect ata ang kolokoy na ito. Kaya reply ko: “I’m gonna miss you.”

“Same here. And I can’t bear it. Sweet Pea, I’m leaving!”

Eto na ang di ko maintindihan sa usapan namin. Textback ko: “What do you mean? Tell me straight as an arrow.”

“We are migrating to Canada. Goodbye Sweet Pea, Honey Pie, my one and only Pipay.”

Para akong binagsakan ng Jupiter at hinagupit ng asteroid belt! Ang sakit! Mas masakit pa kesa sa sakit tuwing magbubunot ako ng buhok sa kilikili at ilong.

I shed my tears like it rained cats and dogs! Tumayo ako at umiyak sa harapan ng salamin kasi mas masarap kaya na nakikita mo ang sarili sa salamin na umiiyak. Emote na emote. Feel na feel. Try nyo! Mas panalo ang pag-cry pag ganun ang set-up.

Naghalo ang mga luha ko sa dugo mula sa noo ko. Di ko napansin na nagka-facial mask na ako ng dugo.

Wala na akong pakiramdam sa sobrang sakit. Ngayon ko lang naaalala si Sir Leo kung bakit ayaw muna niya kaming mag-commit sa isang romantic relationship sa ganitong edad. ‘Di pa namin kaya in all aspects – emotionally, psychologically, dermatologically!

Ako si Pipay. Heartbroken. #

PIPAY TARAY Book 1 - Over, Above and Beyond Your Ordinary GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon