PIPAY TARAY Series Book 1 Episode 7 - PIPAY, THE STUDENT TEACHER

65 3 0
                                    

Can you just stick your butt to your chair?!

Singhal ko kay Stephen. Ilang beses ko na siyang pinapaupo pero para naman siyang buntis na masakit ang balakang na palakad-lakad at naghihintay ng paghilab ng tiyan.

Bakit pa kasi ako pumayag na maging student-teacher dito sa grade two. Ni wala nga akong pasensiya sa mga maliliit kong kapatid tapos nandito ako.

You there, Angelyne! Swallow and finish what you are eating. Recess is an hour ago.

Nabigla siya na tinawag ko at na-conscious na pinagtinginan siya ng mga kaklase. Kaya walang nagawa ang pobre kundi lunukin ang kinakain. Twenty minutes na ako sa loob ng classroom pero wala pa akong nasisimulang lesson. Nauubos na oras ko kakasaway lang sa kanila. Para lang akong traffic enforcer sa EDSA, nagpu-pulis-patola sa mga batang ito.

Maya-maya pa, biglang nagkagulo sa may kanang bahagi ng classroom.

“Teacher Pie! Teacher Pie! Help! Angelyne cannot breathe.”

Nakita ko na sakal-sakal ni Angelyne ang sariling leeg habang tumitirik na ang kanyang mga mata at puti na lang nakikita sa kanyang eyeballs.

Aba at ang spoiled brat na ‘to, gumagawa pa ng eksena sa klase. Magsu-suicide, sa harapan ko pa! Napagalitan lang at hayun na ang self-hostage drama. Epek-epek niya.

Yeah, that’s right! You tighten it more! As if you will be successful taking your own life that way! You just tire up yourself because I have never seen anyone passing out with that method. Save your energy, I am not buying it!

Pangisay-ngisay na siya ngayon. Nag-level-up ng drama! Hindi na tama ’to. Ayoko ng pinapakitaan ng tantrums ha. Nagsisigawan na ang lahat, paniwalang-paniwala kay Angelyne sa pagsasakal sa sarili. Bentang-benta ang akting ng batang ito.

“Teacher Pie! Teacher Pie! Help her.”

Nahulog na sa upuan si Angelyn at mas lalo pang bumilis ang pagngisay nito. Halos hindi na makita ang puti ng kanyang mga mata. Namumutla na ang lips nito.

Teka nga at malapitan. Kung ‘di siya makuha sa santong paspasan, try ko sa santong batukan! Kaya pinaupo ko siya sa kanyang pagkakahandusay at, sa gigil ko nga, napalakas ang batok ko sa kanya!

Pak!

At biglang may tumalsik galing sa bibig niya – BUBBLE GUM!

Inaykupo! Wala akong hint na nabubulunan na pala siya!

Palakpakan ang lahat. Kita ko sa mga mata ng bata ang matinding paghanga sa ginawa ko! Bayani ang tingin nila sa akin. Pero ako, parang estatwa lang na nakaluhod. Gulat pa rin ako sa realization na tunay palang agaw-buhay na si Angelyne kanina. She could have died!

“Teacher Pie! Teacher Pie! Teacher Pie!” Nag-chant pa ang buong klase.

Siyang pagpasok ng tunay nilang Science teacher. Inaykupo! Kita niya na nakapalibot pa rin sa’kin ang lahat ng mga bata habang inaaalalayan ko si Angelyne sa kanyang paghinga.

“Wow, that’s a very engaging activity for your lesson! I cannot think of a better activity than that in presenting our lesson today about respiratory system. Kids, let’s give Little Teacher Pipay a big round of applause! Brilliant presentation of the lesson.” Puri sa akin ng kanilang Science teacher. Kung alam niya lang.

Palakpakan ulit ang lahat maliban kay Angelyne na putlang-putla pa rin.

“Before we let Teacher Pie leave us today, will you tell me what have you learned from your class with her?” Anak ng tepok na lamok! Patay kang Pipay ka!

Sumagot si Stephen na hindi na hinintay na tawagin pa ng teacher.

“First, I learned how to behave now, and that is to stick my butt to my chair at all times. Second, we have proven that when something blocks our throat, it will make us faint and can hardly breathe.”

Ako si Pipay. Isinusumpa ko na hindi ako magiging teacher paglaki ko. That’s too much of a job. Teachers, saludo ako sa inyong lahat. #

PIPAY TARAY Book 1 - Over, Above and Beyond Your Ordinary GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon