PIPAY TARAY Series Book 1 Episode 11 - PIPAY AUDITIONS

58 3 0
                                    

(Episode’s Central Theme: Self-Image)

“I’m not coming with you, Danielle!”

“Of course you do. I’ve already signed you up.”

Hila-hila ako ni Danielle papuntang Speech and Theater Arts Club room.

“You are putting me in a very outlandish predicament. I can’t be a cast of any school play. Audience will disgust the show with me around, I must tell you.”

Pagmamatigas ko.

“Don’t say that. I’ll be there for you every step of the way. For you to feel better, why not look into the cast of New Directions at Glee? And you will see what I mean.”

Si Danielle ang lead cast ng Christmas musical play namin para sa December. Matalino, maganda, articulate. She’s a walking perfection. Samantalang ako, nasa kabilang spectrum. Hindi matalino, witty lang. Hindi maganda, carry lang. Hindi articulate, keme lang.

Minsan nga naiisip ko, kaya ‘ata ako ang piniling maging kaibigan ni Danielle para mas maging obvious na maganda talaga siya. Para may comparison ang mga tao. Beauty and the Beast. Siya ang beauty. Sino ang Beast?

Nasa may pinto na kami ng Speech and Theater Arts Club room at pwersahan talaga akong pinapapasok ng kaibigan ko. And I start feeling bad for myself. Kaya di ko na nakayanan ang emotions ko.

“I feel so ugly when I’m with you. It hurts…always. I can’t be your friend anymore.” Binalibag ko ang kamay niya para bitawan niya ako.

“That’s not fair.” Shocked si Danielle sa ginawa ko.

“It doesn’t matter when it’s true.” (Author’s Note: I love this punchline of Pipay.)

“Come on Pipay! You are so out of reason here. I love you as my friend because you are the person I want to be. Brave, outspoken, funny. How could you suspect me of those horrendous things? I’m your friend and I’m not using you for my self-gain. Sorry for making you less though that is never ever been my intention.”

Umiiyak na siya. Umaalog ang baba niya habang nagsasalita. Bigla tuloy akong naawa sa kanya.

“You don’t need to be deep, darling. Just be pretty. That’s what you are good at.”(Author’s Note: This is a million-dollar worth of a remark.) Sarcastic kong banat pa sa kanya.

“I have a crush on McCoy. But to who was he attracted with? It’s with you. So stop using against me my being pretty, which I’m so guilty with, because we all know it’s irrelevant. I do not gain much with it. It’s just a face!”

Natameme ako. Hindi dahil ngayon ko lang nalaman na crush pala niya si McCoy. Kundi dahil narinig ko mula pa sa bibig ni Danielle na ang pagiging maganda niya ay irrelevant. It’s just a face. That’s a big statement.

“I envy you. Just so you know. You have this personality I completely desire for. Funny, witty, strong-willed. You are a walking perfection. How can you not appreciate yourself?”

“Sorry.” ‘Yun lang at bigla ko siyang nilapitan at niyakap.

“Bravo! Bravo! What a dialogue for a simple audition! Wow, you nailed it. Totoong-totoo ang eksena n’yo ha.” Sabi ni Sir Joe habang pumapalakpak pagkatapos naming i-deliver ang inihandang scene para sa auditon ko sa musical play.

Sobrang tinulungan ako sa preparations ni Danielle para rito. Siya ang nag-conceptualize ng buong eksena. Buti nga iniba niya ‘yung naunang plano kasi dapat duduraan ko muna siya sa mukha at hahambalusin n’ya naman ako ng Louis Vuitton bag n’ya na may malaking bakal sa handle.

“You’re in, Pipay. Officially.” Sabi sa’kin ni Sir Joe sabay nakipag-high five sa’kin.

“What will be my character at the Christmas musical?” Tanong ko agad. Sana ako ang supporting cast ni Danielle.

“You will be the Snowman.” Walang gatol na sabi ni Sir Joe sabay alis.

Wow. Pagkatapos ko ng ganung audition kanina? This is a joke, right?

Ako si Pipay. Snowman. Or Snowgirl. Brrrrrr! 

PIPAY TARAY Book 1 - Over, Above and Beyond Your Ordinary GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon