PIPAY TARAY Series Book 1 Episode 4 - PIPAY, THE VIPER-HATER

105 5 0
                                    

Aaaaayyyyyyyyyyyyyy! Aaaaayyyyyyyyyyyyyy! Aaaaayyyyyyyyyyyyyy!

Sobrang tili ko nang hagisan ako ng maliit na ahas ni Danielle! Sa pagsisigaw ko, para akong baliw na hindi napainom ng gamot sa tamang oras. Kakahiya. Akala mo, nag-u-audition ako para sa isang play na ang role ay si Sisa Ang Baliw! Oh my gulay na amoy gaas! Di ko alam kung pano ako napautot nang di sinasadya na may kasamang, alam mo na…peanut butter!

Vous êtes comme une grenouille avec des yeux de l'autruche!

Kayo na lang ang mag-research sa translation. Ganyan ako pag nabibigla. Nagpi-French language! Di ko alam kung bakit.

How could you…

Hindi ko madugtungan ang sasabihin ko dahil nanginginig pa ako sa takot. Nilapitan ko ang humagis sa’kin ng ahas. Namutla rin siya dahil ‘di niya ini-expect na ganun katindi ang reactions ko. Hindi nga siya tumawa kahit pa nakita niya akong parang sumayaw ng tinikling habang nagma-macarena nang matapakan ko ang ahas!

“Sorry. I didn’t know you have irrational fear of snakes.” Apologetic sya.

Irrational? You call it irrational? Well, the last time I checked Encarta Dictionaries from my laptop, irrational means illogical, unreasonable, crazy, ridiculous, silly, absurd, groundless! Do you think it’s unreasonable for me to be afraid of vipers?

Heto na naman ako pag galit – spokening dollars!

Naku! Nanggigil pa ako sa kanya in major major way nang gamitin niya ang word na irrational. Akala niya di ko alam yung word na ‘yun. Hmmm…di lang pocket dictionary ang inuunan ko ngayon. Inuunan ko na pati na rin ‘yung laptop ko para ma-absorb ko ‘yung words from Encarta Dictionaries na installed dito.

“Well, snakes are just like big worms.” Dagdag pa niya.

Snakes are big worms. Are you nuts? Sabi ko, sabay naaalala ko na may peanut butter pala sa…oh my!

“I’m sorry again.”

Nairita pa ako sa pag-sorry niya. What is sorry if the harm has been done? Tinalikuran ko siya para pumunta ng CR.

Where’s the john? (International meaning: Where is the comfort room?) Tanong ko sa janitor na nasalubong ko.

“Turn to the right, second door.” Sosyal na instruction sakin ng janitor. Lupet! Naintindihan niya tanong ko at sumagot siya in English. At heto pa, British accent ang lolo mo. Parang laking London pero ang alam ko Tondo lang siya. London. Tondo. Magkatunog. Kaya pala.

Lahat ata talaga ng tao dito sa new school ko ay English-speaking. Ang chika nga, may multa daw mga janitors pag nahuli silang nagsasalita na hindi English. Considered one-day absent ‘yun.

“Dispose of your tissue napkins and toiletress properly, will you?” Paalala sa’kin ng janitress sa loob ng CR.

Opo. Di naman ako dugyot eh. Pairita kong sagot sa kanya. Anong akala niya sa’kin!

“Pardon? ‘Can’t understand you. Are you speaking German, Russian or something?”

Buwelta sa’kin ng ingleserang janitress.

Oh. I mean, I’m not filthy either. I know how to discard my junks. Anak ng patong panot ang ulo.

‘Di ako makapaniwala na ka-sparring ko sa English ang isang janitress. Siguro dahil takot na makaltasan sa sweldo kaya major major ang pag-English. Sa sobrang galing niya, pwede siyang i-make over at isali sa Miss Universe. Sigurado, masasagot niya ang anumang major major question.

“Good to hear that. So, how will you discard your junks?” Usisa pa niya.

You mean this tissue paper? Sabay pakita ko sa kanya ng tissue paper na ginamit ko sa pagpunas ng peanut butter sa ano ko.

“Yeah. Nothing less.”

Well, I can chew this here in front of you. Patutsada ko sa kanya. Kakairita na eh.

“Disgusting! Soothe yourself.” Sabay labas ng CR. Ang arte!

Haay naku! Makalabas na nga.

Paglabas ko ng CR, nakita kong hinihintay pala ako ni Danielle. Nginitian niya ako.

“Friends?” Tanong niya sakin pagkahawak ng kamay ko. Gulat pa rin ako. She wants me as her friend. Tango lang ang isinagot ko.

What a day! Di ko akalaing magkakaroon ako ng kaibigan dahil naipakita ko ang isang kahinaan ko. At para sa’kin, it’s true friendship kapag tanggap ng kaibigan mo lahat ng tungkol sa’yo.

Ako si Pipay. Irrational.

PIPAY TARAY Book 1 - Over, Above and Beyond Your Ordinary GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon