Chapter 24

15 2 0
                                    

Nakauwi na din ako sa bahay pagkalipas ng isang linggo...Sabi din sakin ni Kurt dito na daw siya ulit mag aaral aalagaan niya daw ako..Totoo nga pala ang nabasa ko dun sa horoscope mo noon nakapagkinalimutan ko na siya at hindi ko na siya iniisip kusa siyang babalik..Noong una ayaw kong maniwala pero ngayong nangyari na nagulat ako..Pero bakit ngayon lang siya bumalik..Bakit ngayon lang Kurt bakit ngayon lang na mahal ko na si Kris..

Kinabukasan sinamahan ko nalang si Kurt na mag enroll at sabi din ni kuya na wag na akong lalayo kay Kurt ayaw ko nang suwayin si kuya dahil kapag sinusuway ko siya lagi nalang akong napapahamak

Lagi ko na ding nakikitang magkasama sina Kris at Loraine pero kahit na nasasaktan ako ayoko pading makita yun ng mga kaibigan ko lalong lalo na ni Kurt..Alam ko na kapag nakakasalubong namin sina Kris ay nililibang ako ni Kurt at kung minsan naman ay inililihis niya ang aming dadaanan..Sa araw araw ganon lang ang routine namin ni Kurt ang umiwas sa mga taong gusto ko ng kalimutan at iwasan

Tinakot na talaga siguro ni Loraine si Kris kaya ganon nalang sya kung umiwas saakin...Pero satwing nagkakasalubong kami ay nakikita kong malungkot siya

Classroom

Bakit ba kailangan kaklase ko sila dito kung iniiwasan na nila ako dapat ay nagpalipat nalang sila ng section ayy kaso bawal na naman pala

Nagulat ako ng tawagin ako ni sir Lucas..Naggrouping pala sila at akoy wala saaking sarili kaya hindi ko alam kung saan ako pupwesto

"Vanessa ang iyong groupmates ay sina Mr.Gonzales"ano daw!!bakit naman ganon kainis!!

"sir pwede po bang kagroup nalang po namin si Vanessa?"tanong ni Kurt sana naman ay pumayag si sir please universe sumangayon ka naman

"bawal..Magtrabaho na kayo"kahit kailan talaga napakasungit nitong si Sir Lucas nakakagigil

Hell LoveWhere stories live. Discover now