Chapter 26

15 2 0
                                    

Lumipas ang ilang araw na wala naman kaming masyadong school works..Ngunit ang sabi ng aming guro sa MAPEH ay magkakaroon daw kami ng sayaw na gaya nalamang ng cha cha,tango,rumba at iba pa hindi ko alam kung sino ang aking makakapareha sapagkat ang sabi ng aming guro ay magkakaroon ng bunutan at hindi pilaan ng kapareha

Dumating ang araw ng bunutan ng aming makakapareha..Akoy kinakabahan sapagkat baka malasin nanaman ako at makapareha nanaman si Kris...

"Vanessa Mendoza..Anak ikaw na bunot kana"sambit ng aming guro sapagkat akoy nakatulala

"ayy sorry po maam"ngiti ko kay maam habang bumubunot ng pangalan..ng makabunot na ako ay ang lakas ng kabog ng puso ko di ko alam kung sino ang makakapareha ko...Ng buksan ko ang papel na aking nabunot ay nakita ko ang pangalan ni Kurt..Kaya itoy aking ikinatuwa

"Kurt Flores..Ikaw ang makakapareha ni Vanessa"nakangiting sambit nito kay Kurt

Ng akoy mapalingon kay Kurt ay nag okay sign ito na tila ba ipinahihitig na ang galing kong bumunot at nabunot ko ang pangalan niya

"Loraine Sandoval bunot kana iha"

Ng buksan ni Loraine ang kaniyang nabunot ang laki ng ngiti nito..

"Mr.Kristian Gonzales ikaw ang kapareha ni Loraine"

"Yess!!kapartner kita boyfie"rinig kong sambit ni Loraine kay Kris habang niyakap nito ang braso ng binata..Naku kung makalingkis naman ito...pero wala ka nang pakealam dun Van walang kayo ni Kris kaya wag kang mag selos

Quadrangle

Dumating ang araw ng aming pag eensayo napili ng aming presidente ang sayaw na rumba upang medyo machallenge daw kami sapagkat ang sayaw na iyon ay mayroong pagkamabilis

Ng mag umpisa na ang practice ay unang tinuruan ng aming pres. ang unang batch na kinabibilangan nina Loraine..Kami naman ay second batch kaya mapapanood namin kung paano sila sasayaw..ng mag umpisa na silang mag ensayo nahagip ng aking mga mata sina Kris at Loraine na napakasayang nagsasayaw..Biglang sumakit ang puso ko at bigla nalang akong nakaramdam ng lungkot

"okay kalang?"tanong ni Kurt saakin..Sadyang pagtango lang ang aking naisagot sakanya

"Cr lang ako"sambit nito at saka tinapik ang aking balikat..Uli ay tinanguan ko nalamang ito..Habang aking pinapanood ang dalawa ay naramdaman ko nalang na biglang may bumuhos na luha saaking mga mata..kaya mas pinili ko nalang na tumakbo papunta sa aming room upang mag pahinga..Nagpaalam na din ako nun sa aming guro na masakit ang aking pakiramdam

Hell LoveWhere stories live. Discover now