Chapter 31

11 2 0
                                    

Kurt Pov

Ng mapansin ko si Vanessa na bumagsak sa sahig ay agad kong itinulak si kris upang mapuntahan si Van

Agad ko itong binuhat at itinakbo sa hospital wala akong pakealam nung pinigilan ako ng guard dahil ang nais ko lang ay madala si Van sa malapit na hospital

Ng makalabas kami ng school agad kong isinakay si Vanessa sa kotse at dinala sa hospital

Pagdating namin sa hospital ay agad agad kong binuhat si Vanessa at itinakbo sa E.R.

"help us please"pagmamakaawa ko sa mga nurse at pinasok na nga siya sa E.R.

Sasama pa sana ako sa loob upang makasama si Van ngunit pinigilan ako ng nurse

"Sir hanggang dito nalang po kayo kami na pong bahala sa pasyente"sabi ng nurse

Pabagsak akong umupo sa upuan sa harap ng E.R. nagdadasal ako na sana ligtas si Van

Naisip kong tawagan si tita upang malaman ang nangyari ng makita ko si Kris na papalapit sa akin at pagod na pagod sa pagtakbo

Paglapit na paglapit nito ay sinunggaban ko siya ng isang malakas na suntok na nagpapahiwatig na galit na galit ako

Bigla namang dumating si Loraine at sinigawan ako

"ano bang ginagawa mo kay Kris!!"sigaw nito ngunit hindi ko siya pinansin

"kapag may nangyaring masama kay Van papatayin kita"sambit ko habang nagpipigil ng galit dahil baka mapatay ko siya ng wala sa oras

Sabay sabay kaming napatingin ng lumabas ang doctor

"family of the patient?"tanong ng doctor..agad ko itong nilapitan at sumabay naman ang dalawa

"Ano napong nangyari kay Van?"alalalang tanong ko

"ang pasyente ay wala pang malay sa ngayon pero stable na ang kaniyang kalagayan sana alagaan niyo na po siya sapagkat shes fatal at sa susunod na atakihin siya ay pwedeng magbunga ng kaniyang pagkamatay..Pero sa ngayon ayos na po ang pasyente ipapalipat nalang po namin siya sa isang private room..Maiwan ko na po kayo"sabay ng pag alis ng doctor ay ang paglambot ng aking katawan nagpaulit ulit sa utak ko ang sinabi niya na

Magbunga ng kaniyang pagkamatay...

Magbunga ng kaniyang pagkamatay...

Magbunga ng kaniyang pagkamatay...

Hell LoveWhere stories live. Discover now