Chapter 25

15 2 0
                                    

Sa aming group ay si Kris ang magsisilbing leader..Ang topic namin ay tungkol sa love sabi ni sir at itong aming irereport at kamalas malasan pa ay nung nagbunutan kami kung ano ang aming magiging papel dito sa aming reporting ang aking nabunot ay maging reporter ang ibig sabihin lang nun ay kaming dalawa ni Kris ang tatayo sa harap at magshare about sa topic namin

Dumating ang araw na kailangan na naming magreport..Ang daming pakiramdam ang naghahalo sa aking katawan may kaba,lungkot at inis..Kinakabahan ako sa mga maari kong masabi,nalulungkot ako sa maaring kahihinatnan ng aking sasabihin at naiinis dahil ako pa ang inatasang magsalita sa harap ng aking mga kamag aral

"magandang umaga po Sir Lucas at sa aking mga kamag aral kami ang inatasan upang ireport ang tungkol sa aming topic na love"paguumpisa ni Kris sa aming report

"partner ano nga ba ang love"sambit ni Kris na ikinagulat ko parang lalo akong kinabahan..Huminga ako ng malalalim bago nagsalita

"ang love sa tagalog pagmamahal ito ay ang pag bibigay ng respeto,paggalang at karaniwan ay ang nararamdaman nating nga tao sa ating kasalungat na kasarian o minsan naman ay sa ating katulad na kasarian"sabi ko sabay ngiti upang medyo mawala ang aking kaba

"para saatin ano nga ba ang definition ng love o ano nga ba ang love?"sambit muli ni Kris sa napakaseryosong mukha

"sge ako muna ang mauuna...Para saakin love is..sacrifice"muling sambit nito dahil mukhang walang gustong sumagot

"alam niyo ba kung bakit..Kasi sa pagmamahal kailangan ng pagsasakripisyo..Kailangan mong isakripisyo ang pagmamahal mo sa isang tao para hindi nalang ito masaktan at mahirapan...Tama ba ako partner?"tanong saakin ni Kris na ikinagulat ko bakit ba niya ako tinatanong para ba saakin yung sinabi niya..Para nga talaga saakin kasi tagos na tagos sa puso ko

"para sayo partner ano ang love"tanong nya sabay ngiti..naiilang ako kapag ngumingiti siya saakin ng ganon

"para saakin love is respect..Kasi kung talagang mahal mo ang isang tao rerespetuhin mo kung ano man ang kaniyang pasya makasasama man ito o makakabuti"sambit ko..

At sa wakas ay natapos na din ang aming reporting ngunit parang hindi parin maalis ang kaba sa aking puso dahil ba ito sa mga sinabi ni Kris??

Hell LoveWhere stories live. Discover now