Chapter 33

15 3 0
                                    

Lumipas ang ilang linggo pero hanggang ngayon ay hindi parin nagigising si Van pinipilit akong umuwi ni tita para makapagpahinga pero ayaw ko minsan umuuwi ako para maligo at bumili ng mga bagay na kailangan ni Van pero gusto ko padin manatili sa tabi niya hanggat hindi pa siya nagigising

Minabuti ko munang lumabas ng kwarto ni Van dahil naiiyak ako satwing nakikita ko si tita na umiiyak dahil sa sitwasyon ni Van ng akoy makalabas ay may nahagip ang aking paningin na isang lalaki na biglang tumakbo ng makitang mabuksan ko ang pinto

Hinabol ko ito ngunit hindi ko na ito naabutan dahil pinatakbo nito ng mabilis ang kaniyang sasakyan

Sino naman kaya yun?Sa tingin ko si Van ang tinitignan niya sapagkat ang katabi ng kwarto ni Van ay nurse station kilala kaya yun ni Van..nagulat nalamang ako ng tapikin ni kuya Jerome ang aking balikat

"Huy Kurt anong ginagawa mo dyan?"takang tanong ni kuya Jerome saakin

"a-ah w-wala k-kuya"minabuti kong wag sabihin dito ang nakita ko kasi baka mag alala pa ito kay Van

"ayos kalang ba talaga?"tanong nitong muli

"oo kuya"sabi ko

"sge pasok muna ako..di ka sasabay?"

"ayy  hindi na muna kuya may bibilhin lang ako"

"o sge magingat ka"kunot noong sambit ni kuya Jerome

Naglibot libot ako sa tabi tabi dahil gusto ko munang mag isip isip hindi ko na dinala ang kotse ko dahil mas maiinip lang ako sa aking paglalakad ay may nakita ako flower shop sa hindi ko maintindihang dahilan ay bigla nalang ako napangiti dahil naalala ko si Van mahilig kasi yun sa mga rose

Habang tinitignan ko ang mga bulaklak ay naalala ko si Van

Flashback

"Kurt may ibibigay ako sayo pumikit ka?"dahil sa sinabi niya ay agad akong pumikit

Inabot nito ang isang kwintas ng bulaklak na kulay pula di ko alam ang tawag dun pero ang ganda ng ginawa niya

"s-salamat ahh para san naman to?"hiyang sabi ko sakanya

"best friends na tayo ahh sorry ahh wala kasi akong pera nakita ko kasi yan sa garden ni lola ang cute kasi e"sambit nito habang nakangiti

"sge ba m-may i-ibibigay din ako sayo"nahihiyang ngiti ko dito

Iniabot ko sakanya ang isang red rose na kinuha ko naman sa bakuran ng mommy ko

"thank you best friend!!wow sobrang ganda naman nito.. Paborito ko kasi ang mga rose e hehehe"pasigaw na sambit nito na ikinatawa ko

Hindi alam ni Van na bata palang kami ay crush ko na siya hehehe

End of flashback

napangiti ako habang tinitiganan ang mga bulaklak

"sir gusto niyo po ba yan?"tanong ng isang babae na tindera

"ahh oo sge bibilhin ko"binili ko ang bulaklak at bumalik sa hospital na nakangiti

Hell LoveWhere stories live. Discover now