Nandito ako ngayon sa tabi ni Van nalulungkot parin ako sa maaaring mangyari sakanya gusto kong magalit sa doctor na nakausap ko sapagkat hanggang ngayon ay hindi parin nagigising si Van dalawang oras na ang nakalipas ng ilipat siya dito pero hindi parin siya nagigising..Napagpasyahan kong tawagan muna ang mommy ni Van para malaman nito ang totoo
Ng malaman ni tita ang nangyari kay Van ay agad agad itong pumunta sa hospital
"anak gising na dyan nak"sambit ni tita habang umiiyak..Niyakap ko si tita dahil alam ko na nahihirapan na rin siya na nakikita si Van na nahihirapan..
Sabay kaming napalingon ni tita sa pintuan ng iniluwa nito si kuya Jerome na galit na galit
"Van!!anong ginawa mo sa kapatid ko?!"sigaw ni kuya Jerome saakin at kinwelyuhan ako hindi ako umimik dahil di ko alam ang sasabihin ko sakanya
Ng bitawan ako ni kuya Jerome ay minabuti kong ikwento sakanya ang nangyari kahit na itoy ikagagalit nila..
"e g*g* ka pala e bakit mo naman hinayaan na saktan ng Loraine na yun ang kapatid ko!!"sigaw ni kuya Jerome
"ano ba Jerome walang kasalanan si Kurt dito intindihin mo muna kasi siya!!"pagtatangol naman ni tita saakin
Ikinwento ko na din sakanila ang sinabi ng doctor at ang maaring mangyari dito kapag inatake siya ulit dahil sa kwento ko lalong umiyak si tita at lalo ding nagalit si kuya Jerome na sinuntok ang pader dahil sa inis
YOU ARE READING
Hell Love
Cerita PendekA love story na hindi mo akalaing magiging totoo isang love story na nagparamdam ng sakit at galit pero patuloy paring mo paring ilalaban dahil alam nyong mahal nyo yung isat isa Isang story na magugulo dahil sa isang tao,story na mawawalan kana ng...
