Chapter 1

44.7K 622 27
                                    

Quote For the day

Happiness is not out there
It's Inside you.


"I'll be straight to the point now Mr and Mrs Montemayor. Your daughter still needs to undergo a surgery dahil may naiwan pang tumor sa utak niya." Mahabang paliwanag ng doctor sa mga magulang ko.

Hindi nila ako nakikita na nakatago dito sa malapit sa pader Ng bahay habang naguusap sila sa Garden.

"May dapat ba kaming ikabahala sa surgery doc?" Nag-aalalang tanong ni mom.

"Kung maagapan agad wala, but if mapabayaan ang natira sa utak niya it will spread and can be dangerous for her. also, I need to warn you Mr And Mrs Montemayor, I directly suggest that You should be prepared on the result after her treatment." The doctor replied.

"What do you mean doc?" Tanong ni mom.

"There's a big possibility that she'll have a Temporary amnesia, or anterograde amnesia after the surgery, but the worst part is, there's also a possibility na maging retrogade amnesia ito, at Hindi na maibalik ang ala-ala niya."

"But she just woke up from coma a year ago doc, kaka-recover lang niya." Narinig ko naman ang baritonong boses ni dad.

"Yes, But pwede na siyang mag undergo ng treatment yun ay kung gusto niya na at ready na siya." Sabi ng doctor.

"We will try to convince her, thank you doc." Sabi ng mom ko.

Hindi ko na hinintay ang sasabihin ng doctor at agad na akong umakyat sa ikalawang palapag ng bahay, Kung nasaan ang kwarto ko.

Ayoko nang bumalik sa hospital, halos buong taon wala akong ginawa kung hindi ang magpabalik-balik sa hospital para makasiguradong makakarecover ako.

Tapos ngayon may surgery nanaman?

Paano na ako?

Paano na ang pagaaral ko?

Graduating na dapat ako ng college pero huminto ako dahil lang diyan sa tumor na yan tapos ngayon meron nanaman? Ano ba naman tong sakit na to, bakit hindi ako nilulubayan?

Agad kong pinunasan ang luha ko na hindi ko namalayan na tumatakas na pala sa mga mata ko nang marinig na may kumatok.

"Come in." Sabi ko nang maayos ang sarili ko.

"Angela?" Rinig kong tawag ni Snow Matapos niyang pumasok sa loob ng kwarto ko.

"Yes?" Tanong ko sakanya.

"You okay? Nakita kitang tumatakbo papasok dito." May paga-alalang sabi niya saka lumapit sakin at umupo sa tabi ko sa kama.

"I'll undergo a surgery again." Malungkot na sabi ko kay Snow.

Si Snow ay Anak ng Bestfriend ni Mommy, kaya lang nasa business trip ang mga ito, at laging iniiwan si snow sa amin since we're kids, it's in favor with me kasi may kausap ako dito sa bahay na kaedaran ko.

Mabilis ko lang din siyang nakapalagayan ng loob dahil mabait siya, ako medyo Brat naman ako pero naiintindihan niya ang ugali ko, pareho din kami ng ayaw at gusto, Well, aside to my ate, si Snow lagi ang kalaro ko noon, lalo na nang makilala ni Ate si kuya Sean.

"E. di Go lang." Sabi niya sakin saka inopen ang T.V sa kwarto ko gamit ang remote.

"Ayoko na sa hospital Snow, and you know that." Nakasimangot na sabi ko.

"Breaking news the most pupular band in the world, "Band Of the Dragons Leader, Skyler Montreal. Willget married 3 days from now." Sabi ng babaeng News Caster.

BTD Series 1 : Abducting My Abductor (Completed)✔ (Under Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon