Special Chapter

18.7K 500 54
                                    

Quote Of The Day

We love life, Not because
we are used to living
but because
we are used of loving.

"Hail Si Kuya Cloud nanjan na." Bulong ni Sky kay Hail na anak ni Helena at Railey Roberts.

'Shut up ate Sky.' Sulat niya sa Sketch pad niya.

Kinupkop namin si Hail nang May babaeng nagdala sakanya sa bahay 5 years ago kakatapos lang nang kasal namin ni Skyler Noon.

Nagulat kami nang may babaeng magpakilalang Yaya niya at ibinigay samin ang bata She was 3 years old back then.

Sabi ng babae yun daw ang bilin nang magasawa sakanya nang mapansin nilang parang nawawala na sa pagiisip Si krisha ang ex fiancee ni Skyler.

Pero kamuntikan din palang napatay ni krisha ang bata kung hindi lang ito naitakas nang yaya niya Pinatay sa harap ni Hail ang mga magulang niya sa murang taong gulang palang.

Naging dahilan yun kaya hindi siya normal kagaya ng ibang bata at mailap siya sa iba at hindi makapagsalita.

Naawa kami sakanya kaya nang ibigay saamin ni Skyler ay agad namin itong tinanggap.

Mas ahead ang kambal sakanya ng dalawang taon. Sinubukan namin siyang ipakunsulta sa doctor base sa findings wala namang problema sakanya.

Wala siyang disabilities the only thing is that she's traumatized about what happened in the past kaya apektado ang pagsasalita niya.

"Mommy?" Tanong nang bunso ko anak na Si Star.

"Yes baby?" Tanong ko humawak naman siya sa tiyan niya.

"Hungry." Sagot nang limang taong gulang kong bunso.

"Chill ka lang bunso, patapos na kami nila mommy mag cook." Sabi ni Sky kala mo talaga tumutulong eh puro cellphone lang naman inaatupag.

Nakita ko ang pagbuntong hininga ni Hail saka naiiling na ngumiti mukhang pareho kami ng iniisip.

We are preparing dinner parating na kasi yung mag ama ko. Bata pa si Cloud but Skyler insisted to train Cloud to handle the business.

Hindi na ako nagulat nang pumayag si Cloud sa gusto nang tatay niya Magkaugali yung dalawang yun eh.

Tumatalon na nagtatakbo si Star nang marinig niya ang Busina ng sasakyan. Speaking of mag ama nandito na ang dalawang tukmol.

"Daddy!daddy!daddy!" Rinig kong sigaw ni Star.

Lumabas din naman si Sky para batiin ang dalawa.

"Hindi ka ba babati sakanila hail?" Nalambing na Tanong ko sa Pitong taong gulang na si Hail.

Umiling siya habang namumula. Nakita ko siyang nagsulat sa Sketch pad niya.

'Tutulungan nalang po kita Tita mom.'

Hinaplos ko ang mahabang buhok niya saka ngumiti nang matamis sakanya.

She's still young but she knows everything about herself. Naaawa ako sakanya dapat ineenjoy ang kabataan niya pero never ko siyang nakitang nakihalubilo sa iba maliban nalang kay Sky at Star.

"Hi labs." Hindi na ako nagulat nang may pumulupot na dalawang kamay sa bewang ko.

"Che! Wag mo kong ma labs-labs jan Skyler! You and Cloud are late." Naiiritang sabi ko.

Paano ba naman kasi ang usapan 5 dapat nandito na sila But it's already 6 pm.

"Sorry na Labs kakagaling lang namin sa Spain." Sabi niya saka ako hinalikan sa noo.

BTD Series 1 : Abducting My Abductor (Completed)✔ (Under Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon