CHAPTER 2

13.9K 373 14
                                    

Blythe's Point of view



Nakasubsob ang mukha ko habang nag-aantay ng professor namin. Antok na antok ako ngayon dahil matagal akong nakatulog kagabi kaka-isip sa mga pinagsasabi ni Zywon.



"Call her malandi again and I will kill you."

"Call her malandi again and I will kill you."

"Call her malandi again and I will kill you."



Nagpaulit-ulit sa utak ko ang sinabi ni Zywon sa cafeteria kahapon. Kagabi ko pa iniisip kung totoo ba ang sinabi niya. Nakakakilabot kasi pagkasabi niya nun eh. Kaya ba niyang pumatay? Mas lalo tuloy akong nagdadalawang isip kong patuloy ba ako sa pagpapakasal sa kaniya o hindi.



Oo pinagtanggol niya ako kahapon sa mga tumatawag saking malandi pero kailangan bang sabihin na I will kill you? Kasi ako ang natatakot para sa sinabihan niya at para sa kaniya eh.



"Goodmorning, Blytheee!!"



Napatunghay ako nung may bumati sakin. "Goodmorning, Zyra!" antok na bati ko.



Lumapit siya sakin at humalik sa pisngi ko. "Oh my god! You look like hell, hahahaha napuyat kaba kagabi?" tanong niya nung napansin ang eyebugs ko.



Napanguso naman ako sa kaniya. "Ganun na nga." sagot ko.



Hindi na siya nakapagsalita pa nung dumating na ang professor kaya bumalik na siya sa upuan niya at ang professor naman ay nagsimula nang magdiscuss.



Napatingin ako sa upuan nila Zywon at wala pa sila kaya hindi ako natatakot. Pero siguro late na naman silang pumasok. Huhuhu sana hindi na siya pumasok natatakot ako. Huhuhuhu.



Natapos ang lahat ng subject namin ay wala parin sila. Absent ata pero bakit sabay-sabay silang umabsent? Hays.



Lumapit na ulit si Zyra sakin. "Blythe! Dahil wala tayong class ng dalawang subject this afternoon ay eto-tour kita sa school pagkatapos nating kumain, alright?" nakangiting sabi niya sakin.



I smiled and nodded at her. "Sige, gusto ko yan." sagot ko.



Natawa naman siya. "Hahaha God! Bakit ka ba kasi nagpuyat. Hahaha tara na nga gutom na ako eh." anyaya niya sakin at  hinila ako papalabas ng classroom.



**********



"Dito naman ang library." sabi ni Zyra nung nasa tapat kami ng library.



Ilang oras ata kaming nagtour sa school na ito dahil sa sobrang laki at itong library na ang pinakahuling pinuntahan namin. Nakakapagod din.



"Grabe! Ang laki talaga ng school na ito. Kayo diba may-ari nito?" tanong ko.



Tumango naman siya sa sinabi ko. "Yep, ang mommy ko ang principal dito." sagot niya at biglang nagring ang phone niya. "Excuse me lang ha? Sagutin ko muna to sandali." paalam niya sakin.



Ngumiti ako at tumango. "Sige lang." lumayo naman siya at sinagot ang tawag.



Alam niyo bang ang bait ni Zyra? Opposite ng kuya Zywon niya. Speaking of Zywon, saan kaya yun at bakit absent? Nakalimutan ko rin itanong kay Zyra kung bakit hindi pumasok ang kuya niya.

My Husband is a Gangster (Season 1)- COMPLETED✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon