CHAPTER 35

10.6K 226 27
                                    

Blythe's Point of view



Hindi sa lahat ng oras ay kaya kong maging matapang sa harap niya pero ngayon, nanginginig sa takot ang buo kong sistema dahil sa sobrang galit ng mukha niya. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko sa kaba at takot.



Buong lakas niyang binuksan ng malaki ang pintuan ko dahilan para mapaatras ako. Sinirado niya ang pinto at ini-lock yun na may lalong nakakapagpakaba sakin.



"Really, Blythe? Uminom ka talaga sa kwarto mo at may kasamang lalaki ha?!" Galit niyang sabi sakin.



Halos hindi ako makahinga sa sinabi niya. Ano naman ngayon kung may kasama akong lalaki? Inisip niya bang may ginawa kami? Pano niya nalaman na nag-inuman ako na may kasamang lalaki? Is he jealous? No! Wag kang mag-isip ng kung ano-ano, Blythe! Hindi siya nagseselos. Hindi!



"Kayo naba ni Zafir ha?! Kayo naba?!" Mas lalong lumakas ang boses na tanong niya.



Ilang beses pa akong napalunok sa takot. Bakit naman niya natanong yan? Ano naman ngayon sa kanya kung kami ni Zarrick? Ni hindi ko nga pinaki-alaman ang relasyon nila nung Chansha na yun eh.



"Answer me, Blythe!"



Napatalon ako ng bahagya sa sigaw niya at galit ko din siyang tinignan. "Eh ano naman sayo kung kami? Ha?!" Sigaw ko rin.



"Fuck!" Sinuntok niya ang semento sa likod niya at halos mag-apoy ang mata sa galit na humarap sakin. "So kayo na? Ha?! Kayo na? Bakit hindi mo nalang ako sagutin ng oo o hindi ha?!"



Agad kong pinunasan ang luha kong kanina pa pala tumulo. "W-Wala na yun sayo kung kami man o hindi." Nanginginig kong sabi.



Nagulat ako nung mahigpit niyang hinawakan ang braso ko. "Oo o hindi lang, Blythe! Oo o hindi!" Galit niyang sigaw.



Napangiwi ako sa sakit ng pagkakahawak niya sakin. "A-Aray! Z-Zywon, masakit." Daing ko.



Mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakahawak niya sakin. "Masakit? Talaga? Marunong ka palang masaktan? Pwes! Kulang pa dyan ang naramdaman kong sakit nung iniwan mo ako, Blythe!" Sigaw niya at kita ko ang pamumula ng galit niyang mga mata at pangingilid ng luha niya.



Naiiyak na ako. Nasaktan na naman ako. "P-Pagod na ako, Zywon. B-Bitawan mo ako." Pagod at halos magmakaawa kong sabi.



"Anong ginagawa niyo ni Zafir dito sa kwarto mo ha? Nag-iinuman? Pagkatapos niyong mag-inuman? Maghahalikan kayo hanggang sa pareho na kayong nakahuba--"



*PAAAK*



Buong lakas ko siyang sinampal dahilan para matigil siya sa pagsasalita. Fuck! Ano bang akala niya sakin? Na basta-basta ko nalang ibibigay ang katawan ko?! Oo, hinalikan ko si Zarrick pero wala akong intensyong ibigay sa kanya ang katawan ko! Hinalikan ko siya dahil alam kong iba siya sa mga lalaki. Dahil alam kong malaki ang respeto niya sakin!



Puno ng insulto at galit ang bumalot sa puso ko habang tinitignan si Zywon na nanatiling nakatagilid ang mukha niya dahil sa sampal ko.



"Really, Zywon? Ganyan ba talaga ang akala mo sakin ha?! At kung meron mang nangyari samin, labas kana don! Imbes na pinuntahan mo ako dito, bakit hindi mo nalang sinamahan ang girlfriend mo sa kwarto niyo ha?! Bakit ka nandito?! Para ipamukha sakin na madali lang akong maikama? Ha? Ganun ba, Zywon?!" Nanggagalaiti kong sigaw sa kanya at mabilis ang paghinga.



Dahan-dahan siyang lumingon sakin. "Bakit mo ako iniwan ng tatlong taon?" Napagkuwan ay sabi niya sakin.



Lumapit siya sakin kaya napaatras ako.



My Husband is a Gangster (Season 1)- COMPLETED✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon