Zywon's Point of view
Pagkapark ko ng sasakyan sa labas ng bahay nila Blythe ay mabilis akong bumaba at nakita ko rin na may humintong dalawang kotse sa kotse ko at lumabas sila Jonas.
Kanina ko pa napansin na nakasunod sila sakin.
Hindi ko na sila pinansin at nagdoorbell na agad ako. "Blytheee!!" Sigaw ko.
Agad naman bumukas ang pinto at nagulat sila tita nung makita ako. "Zywon, anong ginagawa mo dito?" Tanong niya at kasunod niyang lumabas si tito.
"Tita, si Blythe po? Nandito po ba siya?" Kabado kong tanong.
Nagkatinginan naman sila ni tito at sabay na napatingin sakin at kita ko ang lungkot at awa sa mga mata nila na mas lalo kong ikinakaba.
"Zywon.." huminga ng malalim si tita. "..umalis si Blythe--"
"Saan po siya nagpunta?" Dali-daling kong tanong. Ewan ko ba pero gusto kong umiyak.
Umiling sila ni tito. "H-Hindi namin alam. A-Ang sabi lang niya samin a-ay hayaan daw m-muna namin siya at babalik d-din daw siya dito." Sagot ni tito.
"T-Tito, alam ko pong alam niyo kung nasaan si Blythe. Sabihin niyo po sakin, nagmamakaawa po ako. Mahal na mahal ko po ang anak niyo." Pabasag na boses kong sabi.
"Ibang bansa lang ang sinabi niya, Zywon. Hindi niya sinabi kong saan. Ayaw man namin ay hindi namin siya malipit." Sabi ni tito.
"Ipina-ayos niya na ang annulment niyo, nakapirma na siya at pirma mo nalang ang kulang."
Natigilan ako sa sinabi ni tita. "A-Annulment?" Parang may tumusok sa puso ko sa sobrang sakit.
Malungkot siyang tumango. "Oo, Zywon. Ayaw ko mang sabihin sayo pero, kaya niya gustong magpa-annul ay hindi ka daw niya mahal. Zywon, maniwala ka samin, pinigilan namin siya pero matigas ang ulo niya." Ramdam kong totoo ang sinasabi ni tita.
Hindi ko na mapigilan ang luha kong sunod-sunod na bumuhos. "S-She loves me, tita." But I hurt her. "S-She said she loves me."
Bigla akong niyakap ni tita. "Pasensya na, Zywon iho. Mawala kaming nagawa. Pasensya na." Ramdam kong naiiyak narin siya dahil sa boses niya.
Hindi ko mapigilang mapahagulhol na parang bata. Ang sakit, but I deserved this pain, right? I deserved this.
"T-Tita, I-I'm begging.." humiwalay ako sa yakap niya ang lumuhod sa harap niya habang hinahawakan ko ang kamay niya. "I-I'm begging, tita...t-tell me w-where she is.."
Hinila ako patayo ni tita pero hindi ako nagpadala. "Iho, tumayo ka..." umiling ako kaya umupo siya para magpantay ang mukha namin at hinaplos niya ang pisngi ko. "I'm sorry, Zywon iho. Kahit kami ay walang alam kong saang bansa siya pumunta. Nag-alala kami sa kanya dahil magulang niya kami pero..." umiling siya. "...wala kaming magawa."
Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya na nasa pisngi ko. "T-Tita, let's find her. Please tita, I love your daughter. Mahal na mahal ko siya, tita. Please..please..please..I'm begging please." Napahagulhol ulit ako.
"Wala na tayong magagawa, Zywon kundi ang hintayin ang pagbabalik niya." Aniya.
Paulit-ulit akong umiling. "I-I will find her, tita. I will."
BINABASA MO ANG
My Husband is a Gangster (Season 1)- COMPLETED✔
AksiStatus: COMPLETED Si girl is a childish one. No boyfriend since birth, and a wattpad addict. Beautiful, sexy, mestiza but one day, she's going to marry a boy who has a cold personality. Her parents want her to marry the boy and she has no choice but...