CHAPTER 31

9.2K 217 6
                                    

Blythe's Point of view




"Welcome home!" Sabi ko nung makapasok kami sa bahay. "God! I really miss this place."



Nilibot ko ang mata ko sa buong bahay. Kung ano yung iniwan ko noon ay ganito parin pagbalik ko ngayon.



Kaka-uwi lang namin sa Manila, sinundo kami ni Jonas at Zyra sa airport. Kasama ko ang parents ni Jonas, si Jude, Jade, Zarrick, lola at lolo.



"Welcome home, anak!" Sabi ni mommy at niyakap ako.



Niyakap ko rin siya ng mahigpit. "Namiss ko kayo." Sabi ko nung humiwalay ako sa yakap.



"Miss ka rin namin." Nakangiti niyang sabi. "Blake, anak." Baling niya kay Blake.



"Ma, pa." Bati ni daddy kila lola at lolo at nagmano.



"Naku! Walang pagbabago itong bahay niyo, ganito din ito nung huli akong dumalaw." Sabi ni lola.



"Kahit saang sulok, ma. Walang pagbabago." Natatawang sabi ni daddy.



Nagbatian pa ang lahat bago kami kumain sa inihanda ni mommy. Panay kamustahan nila samin habang kumakain kami. Kadalasan si Jade ang nagsasalita. May bukambibig kasi. Pfft.


Nung natapos kaming kumain ay agad na nagpa-alam si Zarrick na uuwi na siya. Ayaw pa sana siyang paalisin nila pero babalik nalang daw siya.



Si Zyra naman ay hinatid narin ni Jonas pauwi dahil bawal daw silang magsama sa gabi bago ang kasal nila dahil yan daw ang tradisyon. Sila lolo at lola ay nagpapahinga na at ganun din sila tita at tito habang si Blake naman ay nakatulog sa sofa.



"Alis na po kami, tita, tito. Babalik din kami agad." Paalam ni Jade kila mommy at daddy.



Nag-aya siyang magmall daw kami at pumayag naman ako, ganun din si Jude. Kahit napapagod na si Jude sa byahe ay gusto niya paring sumama, alam niyo na. Masyadong protective sa kakambal.



"Sige, sige. Wag kayong masyadong magpagabi ha? Mag-ingat kayo." Sabi naman ni mommy.



Pagkatapos naming magpaalam ay lumabas na kami ng bahay at sakto naman ang pagdating ni Jonas.



"Oh? Saan kayo pupunta?" Tanong niya.



"Ang bilis mo namang bumalik." Sabi ko.



Inirapan niya ako. "Baka malapit lang ang bahay nila, Blythe?" Sarkastiko niyang sabi.



"Whatever." Inirapan ko din siya.



"Kuya, samahan mo kami sa mall." Sabi ni Jade sabay yakap sa braso ni Jonas.



Ngumiti naman si Jonas sa kanya. "Alright."



Ganyan din yan si Jonas, manang-mana talaga sa kanya si Jude. Basta anong gusto ni Jade ay um-oo agad silang dalawa at hindi nila hahayaang umalis si Jade na mag-isa.



Sabay-sabay kaming pumasok sa kotse ni Jonas. Sa passenger's seat ako at sa backseat naman ang kambal habang si Jonas naman ang nagda-drive.



"Are you ready to see him, Blythe?" Biglang tanong ni Jonas habang nagmamaneho.



Napatingin naman ako sa kanya pero nasa daan ang paningin niya. "See who?" Maang-maangan ko.



Umirap naman siya. "Syempre sino aba! Edi si Zyw--"



"Yes!" Putol ko agad sa sinabi niya. Parang ayaw ko pa talagang marinig ang pangalan niya.



My Husband is a Gangster (Season 1)- COMPLETED✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon