CHAPTER 7

12.5K 274 21
                                    

Blythe's Point of view



"Kyaaaah~namiss kita!" agad akong niyakap ni Zyra pagkadating namin sa bahay.



Nandito kami sa bahay namin ngayon, as in yung bahay na tutuluyan namin ni Zywon. Nandito rin ang parents ko pati parents ni Zywon at mga kapatid namin.



Ni-hug ko naman pabalik si Zyra. "Namiss rin kita, Zyra." wika ko at bumaling kila mommy. "Waaaa mommy! Daddy! Namiss ko kayo!" niyakap ko sila ng mahigpit.



"We miss you too, Blythe." wika nila.



"Ate! I miss you!"



Lumuhod ako para yakapin ang nakababata kong kapatid na lalaki. "Namiss din kita, Blake. Kailan kapa naka-uwi dito sa Manila?" tanong ko.



Doon kasi siya tumuloy sa Davao kasama ang grandparents ko na parents ni daddy para daw may kasama sila dun. Eh yung mga pinsan ko naman ay taga Davao rin.



"Katong isang adlaw ra." sagot niya.



Kumunot naman ang noo ko kasi wala akong maintindihan. "Ha? Wag ka ngang mag-alien language, di kita maintindihan."



Nagkamot naman siya ng ulo. "I mean, nung isang araw pa po ako bumalik dito kasama si kuya Jonas. Dito na rin siya mag-aaral." sagot niya.



Si Jonas na tinutukoy niya ay yung pinsan naming lalaki. "Talaga?"



"Oo. Wala siya ngayon dito kasi nasa school siya." sagot niya.



"Kain na tayo. May nakahanda ng pagkain dyan." pag-aaya ni tita.



**********



Nagsimula na kaming kumain. Panay tanong nila kung kamusta daw sa London o nag-enjoy daw ba kami kaya sinagot naman namin. Kahit papano nag-enjoy din naman ako.



"Mommy." tawag ko nung may maalala ako.



"Yes, anak?"



Tinignan ko sila lahat na nasa akin ang paningin. "Kagabi kasi, may magnanakaw dun na lalaking naka-itim tas pagkakita ko nun ay biglang sumakit ang ulo ko tapos may lumabas na lalaking itim sa memory ko at sinabi niyang p-papatayin daw niya ako." wika ko.



Nagkatinginan naman sila ni daddy bago tumingin ulit sakin. "Siguro dahil lang yan sa mga napanood at nababasa mo, Blythe." sagot ni daddy at umiwas ng tingin.



"May magnanakaw, anak? May ginawa ba siya sainyo?" nag-alalang tanong ni mommy.



Umiling naman ako sa kanya. "Wala naman po." sagot ko.



"Paanong may magnanakaw? Sa hotel ba?" tanong ni tita.



"Yes, mom. Pero nahuli naman agad ang magnanakaw." sagot ni Zywon.



"Pano nangyari yun? Eh secure na secure ang hotel." takang wika ni tito.

My Husband is a Gangster (Season 1)- COMPLETED✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon