Best 2

16 0 0
                                    

A/N: sorry sa mga typo and grammatical error. Happy reading!

===========

April 10, 2019

Naiinggit ako sa mga kaibigan ko na pinag-uusapan kung saan sila mag-aaral ng kolehiyo. Narito kami sa park at nagtipontipon pagkatapos ng graduation namin noong nakaraang araw.

Lahat sila ay nakapag-enrol na sa mga paaralan na pinapangarap nila at siyang pinapangarap ko rin. Bukod doon ay mag-aaral sila sa kursong gusto nila habang ako ay mananatili rito sa probinsiya. Hindi na nga ako makakapag-aral sa pangarap na paaralan, pati kurso hindi ko makuhakuha.

Hindi naman sa nagiging mapili ako ng paaralan. Ayos lang naman sana sa akin na sa Agus State University ang kaso wala ang gusto kong kurso roon. I want to take up Accountancy or Business Management but my father wants me to take education while my mother wants me to take IT.

Gusto kong umayaw pero wala akong magawa dahil sila ang magpapa-aral sa akin. Hindi kami mayaman para makaya nila akong pag-aralin sa UM na pribadong paaralan. Malaki ang tuition fee roon at hindi nila iyon kaya lalo pa't dalawa kami ng kuya ko.

I already tried to apply any scholarships but I didn't passed any one of it. Kahit man lang sa mga entrance exam sa pampublikong paaralan dahil libre kaso hindi rin ako pinalad na makapasa. Hindi naman kasi ako matalino hindi tulad ng kuya ko na lahat ng entrance exams at scholarships exam ay napasa kaya marami itong pagpipiliang paaralan. Gayon pa man kailangan pa rin siyang padalhan nina mama at papa.

Kung totoosin hindi naman talaga problema ang pino-problema ko. Siguro dahil lang sa taas ng expectation ko at excitement ay naging big deal at problema na sa akin kung saan ako mag-aaral.

May 15, 2019

Days passed like a blink of an eye. Nagbibihis ako para sa entrance exam sa ASU.

"Dapat maipasa mo yan Clariz dahil kung hindi, naku! Hindi na namin alam kung saan ka mag-aaral." Sabi ni mama. Tumango lang ako at umalis na.

Tamad akong naglalakad papunta sa terminal. Para makarating sa ASU ay kailangan pang sumakay sa bus o motor. Kapag bus aabotin ng kalahating oras at kapag motor naman nasa fourty five minutes ang byahe pero nakaalis na ang bus at motor ay nanatili akong nakaupo sa terminal.

Ayaw ko'ng mag-aral sa ASU dahil wala naman roon ang kurso ko. Ayaw ko'ng mag IT lalo na ang Education. Ayaw ko'ng maging teacher. Kaya nga nag-aaral ako para kapag naka-graduate ay makakaalis na ako sa paaralan. Kapag nag teacher ako eh di pabalik balik na tuloy ako. Ayaw ko na!

Naisip ko na ring huminto muna ng isang taon at magtrabaho para pang tuition next year pero hindi ako pinayagan nina mama at papa dahil sayang raw ang panahon. Tama naman sila dahil pati ako ay nasasayangan din.

Alas dies ang exam ko at alas nuwebe y medya na. Hindi ako makapag desisyon. Kapag kumuha ako ng Isa sa mga gustong kurso ng magulang ko ay hindi ko alam kung magiging maganda ang kinalabasan ng pag-aaral ko dahil sigurado akong tatamarin ako dahil hindi ko gusto ang ginagawa ko. Ganon naman kasi ako. Kapag ayaw ko ang isang bagay ay nawawalan ako ng gana. Kapag naman gusto ko ay gagawin ko ang lahat para lang makuha ang gusto pero sa pagkakataong ito kahit anong gawin ko ay hindi ko makuha kuha ang gustong kurso.

"Clar?" Tawag ng kung sino sa akin kaya napabaling ako rito. "Ikaw nga." Pamilyar ang mukha niya pero hindi ko siya matandaan. "Sa ASU ka?" Tanong nito at napatingin sa clear envelop na hawak ko na ang laman ay entrance exam permit. Hindi ako sumagot kahit tango dahil labag naman sa loob ko at medyo nahihiya.

"Exam ko rin ngayon. Sabay na tayo." Anito kasabay ang pagdating ng panibagong bus.

Hindi ako gumalaw dahil wala akong planong um-attend ng exam pero bigla nalang niya akong hinila sa pulsohan. Magrereklamo pa sana ako na bitawan niya ako dahil hindi ako a-attend pero hindi ko magawa dahil ang daming tao. Nakisiksik kasi kami sa dagat ng tao na pababa pa.

One Week Of Its Best✔ (COMPLETED)Where stories live. Discover now