A/N: sorry sa mga typo and grammatical error. Happy reading!
==========
October 04, 2019
The day: Unscared Fiesta
Maaga akong nagising hindi dahil sa maaga ang pasok ko kundi dahil sa maagang paghahanda dahil fiesta. May handa kasi kami ngayon kompara noong nakaraang taon na nakihalo lang kami kina Uncle Juanito.
Kaninang madaling araw pa gising sina Mama at Papa dahil nagluluto kasama ang iilan nilang kaibigan na tumutulong.
Alas nuwebe pa ang pasok ko ngayon kaya nakatulong pa ako sandali. Naitext at natawagan ko na rin ang iilan sa mga kaibigan ko para imbitahin.
Masaya akong naghanda para pumasok. Nai-chat ko na rin ang mga kaklase kong huwag mag uniporme o 'di kaya'y magdala nalang ng extra para doon nalang magbihis sa school total half day lang naman kami ngayon.
Nagsuot lang ako simpleng black fitted jeans at white fitted shirt na may print na 'be free and you're mind will be at peace'.
Tulad ng nasa print ay iyon ang ginawa ko. I let myself be free; be free at problems, be free at worry, be free at negative thoughts so my mind are at peace.
I let myself be my normal self.
Paglabas pa lang ng bahay ay may nakita na akong kasamahan ni Ian na nakasakay sa motor na blue. Nakasuot siya ng itim at nakasumbrero.
I should be afraid and scared by now but I don't feel anything. In fact I walked towards him ang give him some food I bring for my classmates.
"Hi! Cassava cake?" Alok ko pa sa kaniya na ikinataka at gulat niya.
Hindi siya gumalaw at tinignan lang ang supot na inilahad ko kaya ako na mismo ang kumuha sa kamay niya at inilagay roon ang Cassava.
"Ako nagluto niyan kaninang alas singko. Masarap 'yan." Magiliw kong sabi at nakangiti. "Sige ah, una na ako. Baka ma-late pa kasi ako."
Nakakailang hakbang pa lang ako nang may pumasok sa isip ko kaya humakbang ulit ako pero paatras para maharap ang lalaki kanina.
"By the way, sa ASU rin naman ang punta mo diba?" Tanong ko at tumango siya. "Baka pwedeng isabay mo ako?" Mas tumingkad ang mukha at ngiti ko. Sinilip ko pa ang pwesto ng motor sa likod niya.
Ilang minuto akong naghintay sa sagot niya dahil nakatingin lang siya sa akin na nagtataka.
"Siraulo ka ba? Gusto mo ba talagang mapahamak?" Sikmat niya.
"Sinabi ko bang ipahamak mo ako? Sa ASU lang naman ang punta natin ah! Doon ka nag-aaral at doon din ako. Tsaka isa pa, kapag sumakay ako susundan mo rin naman ako kaya masmabuting sumabay nalang ako sa'yo. Bukod sa makakalibre ako ng pamasahe eh hindi ka pa mahihirapan sa pinapagawang pagbabantay sa'yo sa'kin."
"Baliw ka ba?"
"Baliw kay Teddy. First love ko 'yon eh!" Tumawa pa ako.
Umiling iling siya. "Tss... sakay!"
"Yes! Thank you." Ako at umangkas na.
Isinukbit niya ang bag niya paharap at bahagya akong yumakap sa kaniya. Humagikhik pa ako dahil sa biglaan niyang pagtayo.
"Huwag mo 'kong yakapin!"
"Arte mo! Ikaw pa lugi? Huwag kang mag-alala walang malisya 'to. Hindi kita type. Unless..." he frowned. "Type mo ako."
![](https://img.wattpad.com/cover/214698752-288-k845271.jpg)
YOU ARE READING
One Week Of Its Best✔ (COMPLETED)
RomanceLove is so powerful that can make people crazy and do something crazier and out of league. But love can also make you feel happy, contented, safe and at peace. No word actually can describe what the person can feel when they inlove. When Clariz Fay...