Ang Unang Pagkikita

5 0 0
                                    

May mga bagong trainee sa kompanya nila Ashely. At siya yung naatasan ng kanyang Boss para itrain sila. Apat na trainee yun na puro lalaki. Sila ay sina Kyle, Marco, Jeff at JC. Inaasar noon si Ashley ng kanyang mga katrabaho.

"Ash, it's your chance na, pili ka na diyan sa mga bago mong trainee ng bagong jojowain?

"Baliw, ang babata niyan, I'm not interested, saka di ko sila type, they're not my level, you know"

"Mukang pogi yung si Jeff or si Jc?" wikang pabiro ni Jen.

"Sus, hindi ko nga sila gusto, trabaho lang, pare-pareho lang mga lalaki, mapabata man or mapamatanda, Ok?" sagot ni Ashley na medyo naiinis na.

At nagsimula na ngang itrain ni Ash ang mga bagong trainee. Mga bata pa sila at para kay Ash para lang niya itong mga kapatid. Si Marco ay 23, si Kyle ay 20, si Jeff ay 23 at si Jc ay 25, muka nga lang matured sa kanila si Jc kasi matangkad, moreno mukang gangster, palibhasa member ng fraternity pero mala Aljur ang muka, semi-kalbo nga lang, tapos may maliit ng hikaw. Wala naman bawal sa kompanya nila Ash, kaya ok lang yun.

Mabilis na naging close ni Ashley ang apat na trainee. Mabilis naman kasi ang mga itong matuto. Hanggang sa lagi na nilang kasamang lumabas ang mga ito. Naging tropa tropa na sila.

Hanggang sa nagkaroon ng team building sa Zambales, overnight yun. Lahat ay lasing na noon, si Ashley lang at Jc ang matibay na gising, lahat ay nakatulog na sa sobrang kalasingan.

Nagsimulang magkwentuhan ang dalawa, iknuwento ni Ashley na nagkaboyfriend siya 5 yrs pero hiwalay na. Third party dahilan. Nakikipagbalikan pero ayaw na muna ni Ash makipagrelasyon, gusto daw niya fling fling na lang muna..No commitments....

"So Jc, ikaw naman magkwento " wika ni Ash

"Naku Mam, anu bang gusto mo malaman?"

"Ikaw, bahala ka, kahit walang tulugan "

"Matagal na hiwalay parents ko, mahirap ang buhay Mam, nagworking student ako kaya ako nakapag tapos ng college. "

"Ah, wow, nakaka amazed naman, kahanga-hanga yung ganyan " nakangiting wika ni Ash. (na noon ay medyo humahanga na kay Jc)" kwento ka naman, how about girlfriend?"

"Ah, Gf? haha, walang seryoso, as in, boring, di ako mahilig sa babae mam, gastos lang kasi"

"Never kang ngka Gf?"

"Hmmm, meron fling lang, hehe, but never been kiss, haha, " natawang wika ni Jc

"what?? seriously? but why, you're 25 and don't tell me, you're still virgin?" natatawang wika ni Ash.

"Yes Mam, tama po kayo, nakakahiya man pero totoo po yun" nakangiti wika ni Jc

Noong moment na yun, Hindi maintindihan ni Ash ang kanyang nararamdaman. Parang bigla siyang naattract kay Jc na di niya alam kung bakit. Siguro kasi lasing na din siya.

"How if i kissed you Jc?" seryoso niyang tanung na noon ay lumapit na siya kay Jc. (attracted naman talaga si Jc, lalo na't may Abs pa to, maganda ang kanyang katawan, kaya marami din nababading sa kanya sa office nila)

"Seryoso po?" tanung ni Jc na nagulat sa sinabi ni Ash.

Bigla natahimik si Ash, parang nagulat din siya, kung bakit niya yun natanung kay Jc.

"Ah, hindi joke lang, Sorry " sagot ni Ash, na noon, ay nagulat siya kasi bigla siyang hinalikan ni Jc, well, it's a passionate kiss, since di marunong humalik si Jc.

Nagkatitigan ang dalawa, hanggang sa hinalikan ulit ni Ash si Jc. Dumiretso ang dalawa sa room ni Ash at dun na nga nila itinuloy ang pangyayari.
























MarupokTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon