CHAPTER 11:CRY

555 50 8
                                    

RR POV.

      
   Ngayon ko ramdam yung sinasabi nilang kahihiyan although lagi naman akong napapahiya dati pero iba kasi ang sitwasyon ko ngayon,marami silang nakakita at ang mas malala pa nito ay lahat sila puro lalaki.

      
   Mabuti nalang at naawa saakin si Koike dahil pinahiram niya ulet yung polo niyang di ko tinanggap kanina at ako namang si dakilang maarte ay yung jacket niya ang hiniram ko na ibinigay niya din naman,pati yung kay Arjay hiniram ko rin,yan tuloy naglalakad akong parang tanga ngayon papalabas ng paaralan.

       
   Pinagtitinginan ako nung ibang mga studyante saka magbubulungan.

   Mga papansin naman ohhh, agaw pansin tuloy tong itsura ko ngayon.

         
   Papalabas na ako ng school gate at kasunod ko tong mga hinayupak na may kagagawan nitong kahihiyan ko ngayon habang walang tigil nila akong pinagtritripan ngayon.

     
   "Ang sexy niya diba?"sabi nung kaklase kong hanggay ngayon ay hindi ko pa alam ang pangalan.

     
   "oo nga ehh,kahit naka short kitang kita parin yung kasexyhan niya"sagot naman dito ni Koike na ikinatawa ng lahat.

       
   Bigala akong tumigil sa paglalakad at tinignan silang lahat ng masama.

      
   "Don't get mad,it's an complement" sabi nangg nakangising si Sammy.

      
   "Bakit kaya hindi niyo nalang Kainin  yang nakakadiri at nakakainis ninyong complement"inis kong baling sakanila.

      
   "Rr,hwag namang ganyan" sita naman saakin ni Arjay.

      
   "Isa ka pa ehh"saka ako nagpatuloy  sa paglalakad,napahinto nalang ulet  ako nung makita ko si Alex and friend na nasa harapan ngayon namin at ang masama pa nito ay nakatitig na ito ng masama saakin partikular na kay Arjay na bigla ring nanigas sa kinatatayuan nito.

   Well?,alam ko na ang kahihinatnan nito mamaya.

        
   "Hi Rr,and by the way what is that for?"bati ni Jacob sabay turo nito sa dalawang jacket na naka pulupot ngayon sa aking bewang.

        
   "Ahhh---"pinutol ni Koike yung sasabihin ko dahil bigla itong sumigaw.

       
   "Tinagosan kasi siya!"saka sila nagtawanang lahat.

        
   Agad akong lumingon sa direksyon nila at sinamaan silang lahat ng tingin dahil sa sinigaw ni Koike.

       
  Putangina kung ano-anong mga pinagsasasabi ng mga toh!

        
   "Tell  me Rr,binubully ka ba ng mga kumag sa likod mo?"inis na tanong saakin ni Jacob at tinapunan ng masasamang tingin tong mga kumag sa likoran ko.

       
   Naramdaman kong biglang sumeryoso tong nasa mga likuran ko at tinitigan din ng masama sila Jacob...in short may away na magaganap kapag di pa tumigil tong mga kumag sa likod ko.Para ngang biglang nakakita ako ng kidlat sa pagitan ng dalawang grupo.

      
   "ahh oo,hehehe tama yung sinabi ni Koike,woman thing lang ito...tinulungan lang naman nila ako,yun ngalang medyo may pagkaisip bata sila kaya yan pinagtatawanan ako"saka akward akong ngumiti,para tuloy natatae ako sa itsura ko ngayon.

         
   Hay nako,kailangan kong isakripisyo ang kahihiyan ko para lang sa ikabubuti ng mundo.

Princess And The TroublemakersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon