CHAPTER 13:PAG-AMIN

538 51 8
                                    

THIRD PERSON POV.

            
   Oras palang ng klase ay nasa canteen na sina Arjay at Rr para bumili sana ng kanila pagkain dahil dibale naman daw ay free time nila dahil half day din daw naman mamaya.

              
   "Bakit po walang foods?"Tanong ni Arjay sa baklang nandoon at busy kakaselfie.

         
   "Hey you,hansome creature,huwag mo nga akong mapo po diyan dahil dalagang Maganda pa ako as in M.A.G.A.N.D.A at saka walong taon lang atah agwat natin noh and wala kaming tinda ngayon dahil halfday naman mamaya tapos,tapos na kasi ang recess kaya chupe" bulyaw sakaniya ng baklang tindera.

              
   Nainis si Joemarie(yung bakla na tumulong noon kay Rr na magbuhat ng sandamakmak na pagkain ng Section E)sa binata dahil feeling nito ay masyado ng matanda ang tingin niya kay Joemarie kahit na sa tingin nito sa sarili ay bata pa ito.

              
   "Uyy wala silang bentang foods half day daw kasi------"paglingon ni Arjay wala na doon si Rr.

                
   "Rr?"

***** ***** ***** ***** ***** *****
SA PARK

         
   "BE FREE MY FRIENDSS!!"Kanina pa sigaw ng sigaw si Rr sa park ng takasan niya si Arjay kanina dahil sa kaboryungan.

   Habang naglalakad si Rr ay nakita nitong walang tao sa Park malapit sa kanilang paaralan kaya napag isip-isip muna ng dalaga na maglabas muna ng sama ng loob.

            
   Sa isang puno naman nagtatago si Diane dahil nakita nito kanina ang dalaga sa labas ng gate na naglalakad mag isa kaya naman ay naisipan nitong sundan ito.

           
   Hindi alam ni Diane na alam pala ni Rr na sinusundan siya nito at nakikita siya nito mula sa puno.

            
   "Friend?,hahahaha meron ba siya non?"Sa isip isip ng dalagang si Diane

              
   Lumapit si Rr sa kinatatayuan ni Diane na busy sa kakakalikot ng kaniyang Cellphone dahil may tumawag.

   Agad-agad namang nagsuot ng headset si Diane para hindi siya marinig ng dalaga na busy sa kakasigaw kanina pa.

             
   "Ahem...hi stalker"nagulat nalang  ito ng biglang may nagsalita.

             
   Agad na tinago ni Diane ang cellphone saka umayos ng tayo habang nakasalpak parin sa kaniyang tenga ang headset.

           
   "Excuse me?,are you saying something?"Pagmamaang-maangan dito ni Diane kahit na sa totoo naman ay narinig niya ito.

           
   "Bakit?,hindi mo ba ako narinig?"taas kilang na tanong ni Rr dahil sa pagmamaang-maangan pa nung isa.

            
   Wala na sanang mairarason pa si Diane ngunit nakita nito ang headset na nakakabit parin sa kanyang tenga.Ang hindi alam ng dalaga ay natanggal na pala ito sa kaniyang Cellphone.

            
   "Can't you see?naka headset ako" tumawa naman ng pagkalakas-lakas ang kausap dahil sa kaniyang sinabi.

               
   "Hahahaha nakaheadset ka na sa lagay na yan?"Tanong parin ng dalaga habang pinipigilang hindi matawa pero talagang ang lakas ng topak ng kausap kaya hindi kinaya.

                
   Ngayon lang na Realize ni Diane na ang kanyang headset ay hindi naka salpak sa kanyang cellphone dahil tinago niya iti kanina sa kaniyang bag na siyang dahilan ng pagkakalaylay nito.Namula naman si Diane dahil sa kahihiyan.

Princess And The TroublemakersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon