CHAPTER 16:MALL

404 38 2
                                    

THIRD PERSON POV.

   Hating gabi na pero hindi parin dinadalaw ng antok si Rr,nakatitig lang ito sa bintana at pinapanood ang mga magpares na mga ibong dumadapo sa punong nasa harap ng kaniyang bintana

   Ano kayang lasa ng mga ibong naglalandian sa puno?,makahuli minsan para malasahan ren?

   Patuloy parin sa pagiisip ng mga putahe si Rr kung paano niya lulutuin ang mga ibong huhuliin niya hanggang sa napagod na ang kaniyang utak sa kakaisip at bigla nalang itong nakaramdam ng uhaw kaya  naman ay napagdesisyunan nitong pumunta munang kusina para uminon.

   "Ahhh sarap talaga ng tubig na malamig...so refreshing"saka nito hinugasan ang baso.

   Naglalakad na si Rr papunta sa kaniyang silid ng marinig niya na may nag-uusap galing sa silid ng kaniyang Kuya Emanon kaya naman ay napatigil ito at sumilip sa bahagyang nakabukas na pinto ng kaniyang kuya.

   "----hwag na natin tong ituloy kawawa naman yung bata"

   "Wala tayong magagawa...Pati ako wala ng magawa---- gustuhin ko man pero ang tito niyo na ang may plano nito at talagang gustong gusto niyang  makuha ang pamana nung pamangkin mo"sumilip si Rr sa siwang ng nakabukas na pinto pero hindi niya makita kung sino yung kausap ng kuya Emanon niya dahil masyadong madilim sa loob.

   Ano kaya yung pinag uusapan nila?

   Hindi naman ugaling makinig ni Rr sa usapan ng may usapan pero parang feeling niya na may mali sa usapan nila at kinukutuban siya dito.

   "Pero pwede naman natin syang kumbinsihin...wala naman kasing kasalanan yung bata.hayaan nalang natin syang maging masaya"

Sino kaya yung tinutukoy nila?

"Kapag nakagawa na siya ng desisyon--- hindi niya na yun binabawi, alam mo naman yun diba?, mas lalo na't pera na ang pinag-uusapan dito,buti sana kung kaya natin siyang kumbinsihin diba?"sagot nung kausap ni Kuya Emanon.

   Sinusubukan talagang sumilip ni Rr kung sino yung kausap ng kuya Emanon niya pero talagang wala siyang makita at tanging dalawang anino lang na nakatayo ang kaniyang nakikita.

   Napaigtad ito ng bumukas ang pinto ng kwarto ni Alex na malapit lang din sa kwarto ng kuya Emanon nila.Lumayo si Rr sa pintuan ng lamabas ng kaniyang silid si Alex.

   Naka kunot noong lumingon si Alex sa direksyon ng dalaga dahil feeling nito ay may nakatingin sakaniya.

   Napaatras si Rr kasi ang sama ng tingin sakaniya ng kaniyang cousin.

   Oo nga naman,mga bagong gising nga naman.

   "Anong oras na,matulog ka na"sabi nito at bumaba papuntang kusina.Napakurap-kurap lang si Rr at saglit na natigilan dahil sa pagkabigla

   Whoo,muntik na yun ahh---akala ko papatayin na niya ako sa titig hehehe.

   Parehas na nagulat ang kaniyang kuya Emanon at ang kanyang Auntie dahil hindi nila inaasahang nakatayo ngayon si Rr sa tapat ng pinto habang tuod nakatitig sa hagdan kung saan bumaba si Alex.Biglang kinabahan ang magina dahil sa takot na baka narinig ni Rr ang kanilang kakatapos lang na usapan.

   "Ohhh ba-bat gising ka p-a?" Kinakabang tanong ng kanyang auntie sa nakatulalang si Rr.

Ngumiti si Rr sakanila"hindi po kasi ako makatulog"kumamot pa siya sa kanyang ulo saka nito tinignan ang kuko kung may kuto bang naisiksik dito.

   "Ehh b--bat nandito ka?" Hindi paring matanggal ang kaba sa dibdib ng kaniyang auntie hanggang nakaramdam ito na may tumapik sa kaniyang balikat at alinlangan itong ngumiti kay Emanon na siyang tumapik sa kaniyang balikat.

Princess And The TroublemakersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon