CHAPTER 14:WHO ARE YOU?

480 51 9
                                    

RR POV.

       
   Lunch break na kaya heto ako ngayon at hila-hila si Koike papuntang Canteen pero tong taong toh ayaw atang pumuntang Canteen ehh,akalain mo?,kanina pa kasi niya pinapalo yung kamay ko para bitawan ko siya habang nagtatampong parang bata at paulit-ulit na sinasabing------

   "BITAWAN MO SABE AKO EHHH!HUHUHU RR NAMAN,ALAM KONG GWAPO AKO PERO HUWAG MO NAMANG GAWIN TOH SAAKIN DAHIL NAGBIBIRO LANG AKO KANINA NG SINABI KONG ITATANAN KITA,HINDI KO NAMAN ALAM NA TOTOTOHANIN MO PALA!!"pano ba kasi,ayaw nitong maglakad tapos tumatalon-talon pa habang paulit-ulit na sumisigaw,kala mo naman kakainin siya nung canteen.

       
   Matapos kaming palabasin ni Ma'am dimakapigilgalit kanina ay tumambay lang kami sa labas ng Classroom habang inaasar-asar parin ako nitong batang tukmol hanggang sa magring na yung bell,hudyat na para sa recess.Nang lumabas nga kanina si Ma'am Highblood ay inirapan pa ako nito bago niya kami tuluyang iwan.

   Problema nun?,di ko naman siya inaano.

   Nang tuluyan nang nawala sa paningin namin si ma'am Dimakapigilgalit ay wala na akong choice kundi hilain na tong batang toh para kasabay kumain,wala rin naman kasi si Arjay absent kaya pansamantalang si Koike muna ang kasabay kong kumain.Kung anong nangyari don hindi ko na alam.

      
   "Ihh!ayaw ko sa Canteen ikaw nalang pumunta,hihintayin nalang kita sa Graden----Enchanted nga lang" sinamaan ko siya ng tingin dahil kung ano-ano na namang kalokohan ang lumalabas sa bibig nito.

      
   Tinaas niya naman yung dalawa nuyang kamay na parang sumusuko dahil sa tinitigan ko ito ng masama.

      
   "Chill,ikaw nalang bumili hihintayin nalang kita sa Graden,okay?ayos na yan,gora ka na Chupi"nag huhum pa siyang naglakad sa isang bench sa Garden at doon umupo.

   ayaw niya atah talagang pumuntang Canteen.Problema ba kasi nila?bat ayaw nilang pumuntang Canteen?.

          
   Lumapit naman ako kung saan siya umupo at saka ko siya binatukan.

           
   "Aray!"reklamo nito habang sapo- sapo nito ang ulong nakatikim ng batok.

          
   "anong sayo?"tanong ko nalang dito, suko na ako alam ko namang hindi rin ito sasama kahit anong pilit ko dito.

           
   "Hmm----fried chicken tapos dinuguan at rice,extra rice yung akin ahh tapos soft drink na rin"tinaasan ko naman ito ng kilay at inilahad ko yung kamay ko sa harap niya.

   "Gagawin ko diyan sa kamay mo?"nagtataka nitong tanong.

            
   "Baliw,pera mo?,madami kang gusto ehh" taas kilay paring sabi ko dito.

            
   Tinignan niya lang ako tapos ngumiti ng pagkalawak-lawak na dahilan ng pagkalabas ng tinatago niyang dimple na gustong-gusto ko sakaniya.

          
   Nilakihan ko naman siya ng mata dahil parang alam ko na kung ano ang gusto nitong sabihin.

       
   "Ayaw ko yang iniisip mo"pagtataray ko sakaniya pero ang loko pinalaki lang yung mata tapos mas pinalawak pa ang kaniyang ngiti,tumatango pa ito ng dahan-dahan pagkatapos nun ay tumawa na ito ng pagkalakas-lakas na parang animoy nasaniban ng kung anong Demonyo.
           

   "Gusto mo tong naiisip ko"sabi niya pa saka muling tumawa.

   Wahhh!!,yan na nga ba ang sinasabi ko ehh.

Princess And The TroublemakersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon