CHAPTER 10:UTUSAN NG MGA DEMONYO

541 58 13
                                    

RR POV.

   "Diba doon din yung section ni Veniz? Yung ex ni Jenia? "

     
   Naglalakad na ako papuntang classroom habang buhat buhat tong mga pagkain nung mga bakulaw,pero habang naglalakad hindi parin maalis alis sa isipan ko yung narinig ko kanina.

   
   Sino kaya yung tinutukoy nilang mag ex na Jenia at Veniz?taga section daw kasi namin ehh.

   "Ineng"

   Veniz?may kaklase ba akong Veniz?

   "Ineng"

   Jenia?,may kaklase pala akong babae?

   "INEEENG!,INNEEENG!"rinig kong may sumisigaw pero hindi ko yun pinansin dahil baka iba ang tinatawag baka sabihan pa akong assuming ni ateng hindi ko alam kung sino.

       
   "Ahhhhhh,pu*ang in*ng palaka" sigaw ko nung biglang may kumalabit saakin.

       
   "Goshhh,dhay kabata bata mo pa nagmumura ka na,idagdag mong dalaga at babae ka pa,plus,mahina na rin ba yang pandinig mo?,kanina pa kita tinatawag ahh"maarteng panenermon saakin nitong baklang kasama din atang nagtitinda sa canteen dahil sa uniform niya.

   Luh?,kailan pa naging ineng ang pangalan ko?,syempre di kita lilingunin.

      
   "Ahhyyy sorry po sir?"hinging paumanhin ko dito,pagkasabi ko ng mga katagang iyon ay bigla namang kumunot ang noo nito.

       
   "Goshh dhay!!,sa ganda kong toh?!sa kapal ng make up ko?!Sir ang tawag mo?!,grabe ka dhay hah,nakakasakit ka ng heart,mas kailangan ko pa atang mag dagdag ng oras para sa beauty rest ko"exagerated nitong sabi habang patuloy ito sa kadadada sa harapan ko na hindi ko naman lahat maintindihan dahil sa mabilis nitong pananalita.Ako naman ay naka yuko na dahil sa kahihiyang sinasapit ko ngayon dahil dito sa baklang echoserang palaka.

       
   Ano ba naman toh?!Siya na nga nagtawag sakin,siya pa may ganang magalit at sumigaw sigaw bwisit.

     
   "Sorry po,ma'am pala hindi sir,pero pwede na po ba akong umalis? Nakakahiya na po kasi heheheh" sabay peace sign.

      
   Bigla naman siyang tumingin saakin ng pagkasama sama sabay turo saakin.

      
   "Alam mo dhay,kung pwede lang kitang bigwasan sa pagtawag mo saakin ng sir ehh baka kanina ko pa ginawa,pero dahil nga nasa section ka ni crush pagbibigyan nalang kita kaya pwede ka ng gomora hmp"sabay tulak niya saakin.

     
   "Ahh gurl ito nga pala nakalimutan mo,tapos next time pag friends mo na lahat ng mga papa sa section mo hwag mo kong kakalimutang ienform dahil rarapein ko silang lahat at ikaw ang sasabihin kong may pakana,sige bavush gora ka na rin at baka hinihintay kana ng mga prince charming ko ayaw ko pa naman silang magutom... Char"at saka lumakad na papalayo saakin.

   Weird

     
   Habang naglalakad ako sa hallway papunta sa pugad ng mga demonyo ay sari-saring mga bulong bulongan ang mga naririnig ko mula sa mga studyanteng walang ginawa kundi magpaganda at pagpasikat ng kanilang mga nagmamahalang mga gamit  araw-araw dahil sa mga walang kwentang bagay.

Princess And The TroublemakersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon