Chapter 7: Secret Plans..

1.9K 14 0
                                    

Elmo's Mom: Ummmm.... Let's just say may sinabi siya sa akin at may alam ako....

Flashback

(Eto ung araw na nahalikan nila ang isa't-isa)

(nakita si Elmo sa sala na nakatulala at malalim ang iniisip)

Elmo's Mom:  Elmo? May nangyari ba?  Elmo! (tinapik sa braso)

Elmo: (bumalik sa kamalayan) A, Ma, may sinasabi po ba kayo?

Elmo's Mom: May nangyari ba? Kanina ka pa kasi tulala dyan at parang ang daming iniisip..

Elmo: Ma,ano kasi.... Pls. don't tell anyone kung anong sasabihin ko sa inyo...

Elmo's Mom: Ok sige, ano ba yun?

Elmo: (kinakabahan)Ma, na-na-halikan ko po kasi si Julie kanina pero di ko sinadya yun...Di ko nga po alam kung bakit ko po nagawa yun... Bigla na lang ako nakaramdam na nanggaling sa puso na di ko mapaliwanag.... Di ko na po kaya na itago ang nararamdaman ko para sa kanya... Hudyat na po ba yun na kailangan ko ng sabihin sa kanya na mahal ko siya? Kailangan ko na ba siya ligawan? Tama po ba gagawin ko?

Elmo's Mom: (nagulat pero naintindihan pa rin ang kalagayan ng anak) Anak kung gusto mo siyang ligawan, nasa iyo ang desisyon kung gagawin mo yun. Alam kong matagal mo na siyang gusto kaya lang pinapangunahan ka ng takot mo na umiwas siya kapag nalaman niya ang totoo..  Ngayon, siguro di na kinaya ng puso mo na itago ang totoo. Kailangan mo na rin siguro na sabihin sa kanya ang nararamdaman mo para gumaan naman ang loob mo. At dapat wag kang matakot na masaktan dahil di mo rin alam kung anong mangyayari... Malay mo gusto ka rin niya o kaya kung hindi, kailangan mo pa rin tanggapin ang desisyon niya at maging masaya para sa kanya...

Elmo: Pero... Ayokong iwasan niya ako... Matatangap ko naman kung kaibigan lang ang maituturing niya sa akin pero kung lalayuan niya ko,lalo lang ako masasaktan pag nangyari yun... 

Elmo's Mom: Alam mo sa panliligaw, you have to think postive.. Kapag puro negative vibes ka, di mo magagawa ang dapat mong gawin... Kapag nabigo ka at least you've tried at di ka nagsisi sa ginawa mo dahil ginawa mo ang tama... You will have no regrets 

Elmo: Thanks Mom! (niyakap ang Mom niya) Ang galing niyo talaga mag-advice!

End of Flashback

Frank: Ma, pls. Wala naman si Elmo,oh..

(Sa di kalayuan nakikinig din pala si Elmo)

Elmo: Ma, wag mong sabihin pls. (nagsign-language)

(Nakita siya ng mama niya kaya di nito sinabi ang totoo)

Elmo's Mom: Di pa pwede....Basta malalaman niyo rin... 

Elmo's POV: (nakahinga ng malalim) Hay! Buti na lang kanina pa ako nandito at least alam ko nangyayari at di nasabi ni mama sa kanila kundi pagkakakuguluhan ako ng mga nyan... 

Magalona Siblings: Ma!

Elmo's Mom: O, sige na,mag-aayos pa kami dito.. Buti pa umakyat na muna kayo sa kwarto mga niyo

Elmo: Patay! Baka magtaka sila pag wala ako doon (binilisan ang takbo papunta sa room) Hay! Sa wakas! Teka (kinuha ang cellphone) 5 new text messages... From Julie... Ang dami na pala niyang text sa akin......Hala! baka magtampo yun dahil kanina ko pa siya di nirereplyan... Itetext ko na nga... 

How Love Suddenly Began to Grow..(A JuliElmo FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon