Chapter 14: Boarding to L.A...

1.7K 10 0
                                    

(Magkatabi ang Julie at Elmo; Si Julie malapit sa bintana habang si Elmo nasa tabi nito, Si Direk Mark at si Pia nasa likod nila)

Julie: (nakatingin sa bintana at nakakita ng ilang buildings kaya naalala ang papa niya at nalungkot)

Elmo: (nakitang malungkot si Julie) Bakit ganyan itsura mo? Di ba dapat matuwa ka na kasi pupunta tayo na L. A?

Julie: Naalala ko lang kasi ung nangyari kanina.. Lahat ng pinagsasabi ko sayo tungkol kay papa.. Di ko alam kung tama bang sabihan ko siya ng ganun.. S-siguro nagpadala lang ako sa emosyon ng galit at inis na nasa puso ko...

Elmo: Di naman mali na sabihin mo ang nararamdaman mo di ba? Kailangan mo rin namang ilabas lahat ng sama ng loob ng puso para gumaan ang loob mo.. Saka dapat di mo kinikimkim yan sa puso mo... Lagi mong tatandaan nandito lang ako para pagsabihan ng problema at para mailabas mo lahat ng tinatago mo dyan.. (tinuro ang puso ni Julie)

Julie: Thank you talaga ha... Ako rin kapag may problema ka, tawagan mo lang ako... Saka naiinis din ako sa kanya kasi nagawan kitang tangihan para makasama ko lang siya tapos sinayang niya lang ang lahat ng sakripisyong ginawa ko...Sa totoo lang, di ako humingi ng tulong sayo dahil nahiya ako kasi natangihan na kita...

Elmo: (natawa) Alam mo di bagay sayo na lagi kang galit... Tingnan mo itsura mo.. Nakakunot ang mga kilay mo tapos kung anong nangyari sa mga mata mo.. Papanget ka niyan kay tama na negative vibes, okay... I-enjoy na lang natin ang pagpunta natin dun... (hinilig ang ulo niya sa shoulder ni Julie)

Julie: Pagod ka na? Ang bilis naman yata...

Elmo: Maaga kasi ako nagising kanina para ayusin things ko....Ok lang ba?

Julie: Ok lang.. Para namang makakatangi ako e nakahiga ka na dyan..(tinitigan lang si Elmo)

Julie's POV: Ang gwapo matalaga niya kahit natutulog...Hay! Napakacaring at gentleman pa, swerte talaga ng mamahalin niya...

(Di namalayan ni Julie na nakatulog na siya kaya nakahilig na din ang ulo niya kay Elmo)

(Sa likod nila nakita sila na ganito ang posisyon ng Mama ni Elmo)

Elmo's Mom: Tingnan mo sila oh... Pati ba naman dito nagagawa nilang magganyan...

Direk Mark: Kahit off-cam di magpapatalo! haha! Siguro may something na yang dalawang yan..

Elmo's Mom: Sinabi mo pa, e kahit tanungin mo sila di pa rin sila aamin eh...Pero malapit na yan..haha!

Direk Mark: Sana! Kasi malaki ang matutulong nun sa loveteam nila... Baka lalong dumami fans nila at mawala ang possibility na paghiwalayin sila at ipartner sa ibang artista...

Elmo's Mom: Siguro nga...Tama ka...

(Mga 6: 30 na at pa-landing na ang eroplano nila pero tulog pa rin ang dalawa)

Elmo's Mom: Elmo! Gising na! Malapit na tayo...

Elmo: (nagising pero natutulog pa rin si Julie sa shoulder niya) Ma, nasaan na ba tayo?

Elmo's Mom: Pa-landing na ang eroplano kaya gisingin mo na rin si Julie...

Elmo: (hinawakan ang mukha ni Julie) (POV: Napakaganda niya pa rin kahit tulog...)

Julie: (nagising sa ginawa ni Elmo) E-elmo, nasaan na ba tayo?

Elmo: Pa-landing na tayo kaya umayos ka na dyan..

Julie's POV: Nakakahiya naman sa kanya.. Mukhang nakatulog na ako sa balikat niya..

(Naka-landing na ang eroplano nila at sabay-sabay na silang lumabas at pumunta na ng airport na binabaan nila)

Julie: Yes! Sa wakas! Nandito na ako sa L.A! Los Angeles, U.S.A, here I come!

Elmo: (natawa) Kanina nagdadrama ka dyan tapos ngayon tuwang-tuwa ka.. haha! Ang kulit mo rin talaga ha!

Julie: (kinurot sa ilong) Ikaw! Sinisira mo moment ko eh...Sino kayang mas makulit sa atin? haha!

Elmo: Aray! Masakit un, ah, Sorry na! Natutuwa lang ako sa mga reaksyon mo.. Tara na nga! Sayang oras oh, magagabi na , pupunta pa tayo ng hotel...

Elmo's Mom: Tara na.. Let's Go! 

How Love Suddenly Began to Grow..(A JuliElmo FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon