Chapter 2: Mom knows best...

2.2K 18 0
                                    

( Nakakita siya ng flower shop habang naglalakad sa may kalye at naisipang bilhin ng orange na bulaklak si Julie)

Girl Vendor: Good Morning, po, Sir! Ano pong kailangan niyo?(napansin ang familiar na mukha at dali-daling kinuha ang picture ni Elmo at Julie sa wallet nito) OMG!!! Nananaginip ba ako? Kayo po si Elmo Magalona di ba? Ang tagal ko ng gustong makita kayo ni Julie!! Teka, kasama niyo po ba si Julie? (lumingon sa bintana) Alam niyo po ba idol na idol ko po kayong dalawa!!

Elmo: Hi! Sorry, di ko kasama si Julie ngayon actually papunta nga ako sa kanila... Pumunta ako dito para bumili ng orange flower para sa kanya, meron ba kayo?

Girl Vendor: Opo!, Syempre po, meron.. Fan niyo po ako and alam kong orange ang fave color ni idol japs.... Kaya meron po kami... Ito po, oh! (pinakita ang madaming orange flowers na nasa iba’t-ibang vase)

Elmo: (nagulat) Wow! Di halatang idol mo si Japs.. O, sige ganito ipapareserve ko ung mga orange flowers para dito na lang ako bibili lagi sa isang kondisyon... Pakisabi na lang sa boss mo.

Girl Vendor: Ano po yun? Kahit ano po para sa inyong dalawa...

Elmo: Wag mong sasabihin sa iba na nakita mo ako dito ha baka abangan ako ng mga fans dito saka wag mo rin sasabihin na bibigyan ko ng bulaklak si Julie kasi baka magkaroon pa ng issue...

Girl Vendor: Ok po! Promise po di ko po sasabihin kahit kanino (tinaas ang kamay) I swear saka mapagkakatiwalaan naman po ako...

Elmo: (nakahinga ng maluwag) Buti naman... Tandaan mo kapag nagkaroon ng issue babalikan kita dito at di na ako bibili ng bulaklak dito... (Sinuot uli ang hood) O, Eto ung bayad sa flower na kukunin ko ngayon... (Inabot ang bayad) Keep the change na rin kasi malaki matutulong ng bulaklak niyo.... Sige mauna na ako...

Girl Vendor: Salamat po talaga! Makita ko lang po kayo , Ok na!  Sige rin po!!

(Umalis na si Elmo sa flower shop upang puntahan si Julie)

Elmo’s POV: Sana nga magustuhan niya ito..Pinili ko talaga ung pinakamaganda para lang sayo.... Nakatutuwa rin ung fan din na iyon... Sana nga wala nang lumabas mula sa bibig niya..

 Julie’s Side:

( Habang kumakain, nakatulala siya at parang malalim ang iniisip)

Julie’s Mom: Uy!, Julie, Anong nangyayari sayo? May problema ba?

Julie: (bumalik sa kamalayan) A,e,wala.. may iniisip lang po ako.

Julie’s Mom: Tungkol saan?

Julie: Tungkol po sa trip ko sa U.S para sa show po ng Manny Many Prizes....

Julie’s Mom: Eh, ano namang problema dun?

Julie: Gusto ko lang pong magpaalam sa inyo at kay papa.. Saka 2 weeks po ako dun.... Di ko po alam kong gaano ko kayo mamimiss....Busy na nga po ako sa career ko kaya nawawalan na tayo mag- family bonding tapos aalis pa po ako...

Julie’s Mom: (niyakap si Julie) Awww... Ok lang naman sa amin un ng papa mo. Lagi ka naman naming sinusuportahan. Saka naiintindihan ka naman namin dahil ganyan talaga ang mga artista.....

Julie: (Niyakap ang mom niya) Thanks, mom! Mamimiss ko kayo! Love you po!(Yakap pa rin mom niya)

Julie’s Mom: Aww thanks sweetie! I love you too! Basta always remember na we’re always here for you at kung saan ka masaya dun ako ha pero sa pagboboyfriend wag kakalimutang ipakilala sa akin yung guy.....

Julie: (natouch at di napigilang umiyak)Ma, naman eh ,  pinapaiyak mo ako ... Para namang mawawala ako ng ilang taon...

Julie’s Mom: Hay naku, tama na nga ang drama baka makita ka ni Elmo na umiiyak ka sabihin nun may nagpaiyak sayo.....

(Nagulat sila ng may biglang nag-doorbell sa labas)

Julie’s Mom: Speaking... Nandyan na yata ang Elmo mo....(inaasar si Julie)

Julie: (tiningnan ang cp) Di naman siya nagtext sa akin kung pupunta siya ah....

Julie’s Mom: Sige, tingnan mo na lang... punta muna ako sa itaas..

Julie: Sige, ma...

Julie’s POV: Si Elmo kaya un? Bakit naman siya pupunta ng di nag-tetext eh lagi naman ganun yun..

How Love Suddenly Began to Grow..(A JuliElmo FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon