Chapter 35: The Reason

996 15 5
                                    

Ilang araw na ang nakalilipas, at ganun pa rin ang trato nila sa isa't-isa. At sa pagdating ng December, malamig ang pagsalubong nila rito. Lalo naman napapadalas ang pag punta ni Elmo sa bar, at nababalita na rin yun, minsan kasama niya ang mga kaibigan at si Lauren. Dahil sa balita, ang network ay naging malamig na rin sa loveteam nila. Lesser prods, at kahit mahal na mahal sila ng kanilang mga fans at patuloy ang pag request ng mga ito, kadalasan di  na rin nangyayari yon. Para ba'y bigla na lang sila naghiwalay. 

Julie's Side:

Kasama ngayon ni Julie si Maqui dahil nagyaya ito na mamasyal at naghang-out muna sa paborito nilang tambayang coffeeshop. 

Enough, no more, it's time for you to be on your way...... (ringtone playback) 

Maqui: Julie, kanina pa nagriring 'yang phone mo, mula sa simula tayong mamasyal, ayaw mo ba talagang sagutin yan?

Julie: Ahh, wala 'to. Hindi importante. (baba niya sa cellphone sa lamesang kinakainan nila.) 

Maqui: Hindi importante? Oh, come on! Tatawag ba yan ng paulit-ulit? 

Julie: Maq, Hayaan mo na lang. 

Maqui: Julie, may iniiwasan ka ba? Mali pala ung tanong ko, bakit mo ba siya iniiwasan? 

Julie: Sino? (pagmamaang-maangan nito) 

Maqui: Tama nga yang pagdedeny mo. 

Julie: Ano bang sinasabi mo? 

Maqui: Okay, kung ayaw mong aminin, just give me your phone. 

Julie: What?! Wag na makulit, Maqui. 

Maqui: Give me your phone. (warning tone) I'll just check. Kundi, di na kita papansin katulad ng ginagawa mo sa kanya. 

Julie: Fine. (She smirked and handed the phone to Maqui) 

Maqui: 49 missed calls. 108 unread messages. ?! Isama pa natin ung 24 days na di mo pagpansin, tapos ung 3x a week every sunday na paglayo pag nandyan siya, at ung 25x na sa tuwing nag-uusap tayo, iniiba mo ung topic pag nagtatanong ako o ung iba tungkol sa kanya. Tapos.--

Julie: Maqui!! Stop with the numbers, wag mo ng ipaalala. 

Maqui: I am just saying, Juls, na kawawa naman ung tao, he is making effort para makausap ka niya tapos di mo lang papansinin. Ni hi, ni ho, wala. Kahit ngitian mo lang, di ba?

Julie: Kawawa?! Alam mo kung ganoo kasakit. Ung lalaking mahal mo na sinasabing mahal ka, may girlfriend na pala. Tapos sasabihin mo sa akin na kakausapin ko pa? 

Maqui: Bakit? Pinag-explain mo ba? 

(Natigilan si Julie sa tanong na ito.) 

Di mo alam kung gaano umiyak si Elmo sa harap ko, nung pinagalitan ko siya kase sinaktan ka niya. Di mo rin alam kung ilang beses tumawag siya tuwing may pupuntahan ka para lang may kasama ka. Alam niyo, kaibigan ko kayong dalawa, lalo ka na, kaso parang may mali kasi eh. Sa tingin mo ba titigilan ka niya kung di mo siya papansinin?  Akala ko ba bestfriend pa rin kayong dalawa, nasaan na? You just have to clear things up. Kase kung ipagpapatuloy niyo yan, kawawa ang fans niyo, support sila ng support tapos wala na pala silang sinusuportahan.

(Julie was left speechless. Alam niyang may punto ang kaibigan. Ilang minuto rin ang nagtagal bago nagsalita si Julie.)

Julie: Maq.... (Maiiyak na ito) Di ko alam ang gagawin. Maq, mahal ko siya. At dahil dun, madali ko siyang mapatawad. At natatakot ako, natatakot na mangyari ung, pag nagkita kami, yayakapin niya lang ako at sasabihin niya lang sa akin na mahal niya ako, bibigay na ako, patatawarin ko sya at aasa na naman ako ulit tapos masasaktan uli. Mahirap, masakit. Minsan na akong nagpakatanga, ayoko na ulit mangyari yon.. (pinunasan na lang nito ang luha niya)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 28, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

How Love Suddenly Began to Grow..(A JuliElmo FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon