Luna Cadiz
Para akong tinamaan ng kidlat sa nadinig ko. Iyong Brandon ko ba ang tinutukoy ng kapatid ko? Pero bakit naman ganoon?
Iniwan ko si Lily na umiiyak, hindi ko kasi maintindihan ang sarili ko. Gulong- gulo ang isip ko at hindi ko alam kung ano ang uunahin.
Pumasok na ako ng kwarto ko at tinawagan si Brandon. Kahit mabigat ang loob ko ay hindi ako umiyak, matatag ako at hindi pa naman confirm ang lahat. I need answers.
"Yes beautiful?" Gusto ko siyang sigawan pero pinipigilan ko ang sarili ko.
"U-uwi na please" then I ended the call. Nakita ko ang wedding gown ko na nasa sulok.
Nilapitan ko ito at hinaplos, ano na ang mangyayari ngayon?
"Anak are you okay?" ngitian ko si mommy, pumasok siya sa kwarto ko at tinabihan akong umupo sa kama ko.
Hinahaplos ni mommy ang buhok ko pero hindi ko magawang maging komportable sa mga haplos niya, gulong- gulo kasi talaga ang isip ko.
"Malapit na ang kasal mo, kinakabahan ka ba?" hindi ko magawang sumagot, matutuloy pa ba kung si Brandon talaga ang ama ng dinadala ni Lily?
"Mommy, noong malapit na ang kasal niyo ni dad, kinabahan ka din ba?"
"Oo naman anak, kabang- kaba ako na kung pwede lang ay hindi na ituloy pero mahal ko ang daddy niyo. I told him that I am having anxiety kaya ayon nagkita kaming dalawa the night before our wedding. Then he calms me and we got married" hinaplos ulit ni mommy ang buhok ko.
"Brandon is a good man Luna, kaya naman hindi kami nagdalawang- isip na ibigay ang blessing namin sa inyo lalo na at nakikita namin na masaya ka" niyakap ko si mommy, at doon na ako napaiyak. Bakit kasi ang sakit- sakit?
"What is the meaning of this?!" sabay kaming tumayo ni mommy at nagmamadaling pinuntahan ang sumisigaw na si daddy.
Nandoon siya sa loob ng kwarto ni Lily kaya lumukob na naman ang kaba sa puso ko.
"Lily! Ano ito? Wala kang pinakilala sa amin tapos may ganito ka?" galit na galit si Daddy.
Alam ko naman kung ano iyong hawak niya ang hindi ko maintindihan kay bakit nakita ito ni daddy.
"D-dad" pilit ko siyang pinapakalma.
"Sa iyo ba 'to?!" napalunok ako, isa talaga sa pakiusap sa amin ni daddy ay iyong wag makikipagtalik ng hindi pa kasal para hindi masira ang pangarap namin.
"H-hindi po dad" yumuko ako, nakita kong niyakap ni mommy si Lily.
Hindi ko kayang magsalita dahil hindi ko naman iyong problema.
"Sinong ama ha, Lily? Sino?"
"Si B-brandon po" mahina lang iyon pero alam kong nadinig ni daddy. Nilingon ako ni daddy, umiyak naman si mommy.
"Bakit Lily? Bakit?" galit na galit na naman siya at sakto namang dumating si Brandon.
"Hello po tito" ngiting- ngiti pa siyang bumati kay dad pero agad naman siyang sinuntok nito.
Napasigaw ako ganoon din si Lily, akmang dadaluhan ko sana si Brandon pero naunahan ako ni Lily. Naestatwa ako sa nakita ko, bakit kapatid ko pa?
"Wag dad, please wag. M-mahal ko po siya!" Para akong nabingi sa nadinig, hanggang kailan ko ba ito mararanasan? Hanggang kailan ko mararamdaman ang sakit sa puso ko?
BINABASA MO ANG
Loving Again
RomanceLuna was a woman who is contented with her life, a successful career, a complete and happy family then the best partner of all. Everything is fix, her wedding, her future with the man she loves but suddenly, things change. Her world fell apart and...