Ethan Matutum"Just what the hell Ethan?" tinatawanan ko lang si Blaise sa mga sinasabi niya. Umalis kasi si Luna at mukhang nainis sa mga sinasabi ko. Well, wala naman siyang magagawa dahil siya ang napili kong secretary ko.
"I am hiring her Blaise, sabi mo nga sa akin wala siyang trabaho then she's the one" napapailing nalang ako sa sarili ko. Gusto ko kasi talaga siyang makilala pa ng lubusan, I slip the chance before and I'm not doing the same thing now.
Naalala ko pa noon, five years ago I told my twin sister- Evry that our Philippines vacation is life changing.
Nakilala ko kasi si Luna dahil sa kapatid nitong si Lily malas lang at may boyfriend siya ng panahong iyon. Sa ngayon hindi ko alam pero sana wala.
"Give her some break Ethan. Spare her, malalim ang pinagdaanan niya kaya please lang wag iyon"
"Bakit ba? May sakit ba siya? She seems fine" well she is, kahit na may halong lungkot ang nasa mata niya but she'll lived. Kapatid ko nga na laging tumatawa ay kitang- kita ko ang kalungkutan sa mata niya pero kinakaya niya.
"She's heart broken" hindi ko napigilang ngumisi.
"Then I will fix her broken heart" umiling lang siya at agad ng pinagtuunan ng pansin ang cellphone. Kinuha ko din ang cellphone ko upang tignan kung may mensahe ba si Evry.
Alam niyang nandito ako sa Pinas pero hindi naman kasi siya pwedeng pumunta dito dahil binawalan siya ni mommy.
Magtatayo kami ni Evry ng negosyo, pero gusto ko iyong pinoy naman ang secretary ko para maiba naman. Besides I can help them have a good life in California.
"Oh my gosh Ethan!" napaiwas ako dahil hinampas ako ni Blaise at ganoon din ang ginawa ni Alisha. Ano bang nangyayari sa mga babaeng ito?
"Ano? Ang sakit ha" Reklamo ko pa.
"In California daw" hindi ko alam kung ano ang sinasabi nila kaya naman ay hindi ko sila pinansin kaso nga lang hinampas na naman nila ako.
"Where do broken hearts go nga?!"
"In California" sagot pa ni Alisha. Tinignan ko sila ng may pagtatanong.
"Okay, she confirmed and she accepts your deal my dear cousin. She's going to California!" para akong nanalo sa luto dahil sa nalaman ko. I guess this is the other life changing Philippines vacation.
Luna Cadiz
"Do you really have to do this anak?" Mom's crying already, hindi pa naman ako nakakaalis ay umiyak na siya.
"Bakit naman ngayon mo ito sinabi sa akin anak?" tinigil ko ang ginagawa ko.
After ko kasing mag chat kay Blaise na pupunta akong California ay nag chat agad iyong pinsan niya para makipag meeting sa akin. We talked, he checked my papers then he do the magic at madali lang ang process ng lahat.
Wala akong sinabihan sa mga magulang ko dahil ayaw kong pigilan nila ako. Baka malaman pa ito ni Brandon at gumawa siya ng kagaguhan sa akin.
"My, it's the best thing I could do for myself. I want to start a new life my, at hindi ako makakapagsimula kapag nandito ako" wala na siyang nagawa kundi ang hayaan ako.
Minutes later ay sinundo na ako ni Ethan o mas dapat ko na siyang tawaging Sir Ethan.
"Good morning Sir Ethan" tinanguan niya ako at agad ng pumasok sa sasakyan ng mapasok na ang lahat ng gamit ko. Nilingon ko na muna ang mga magulang ko na ngayon ay umiiyak.
"My, I don't know kung kailan ako babalik but I have a five to seven years contract" hindi ko alam kung pwede ang ganoon katagal pero kahit naman mag end ang contract ko ay talagang mag e-extend ako.
"Where are you going?" nabigla ako dahil dumating si Lily, kasama ang pamilya niya. Kakadating lang nila pero kinabahan ako ng makita ko si Brandon na galit na galit ang tingin sa akin.
"Hi Lily, please take care of your family" niyakap ko muli ang mga magulang ko tsaka ako pumasok sa loob ng sasakyan.
"Aren't you in good terms with your family?" iyon agad ang tanong ni Sir Ethan pagpasok ko pero hindi ko siya sinagot. I don't want to share it to others, dahil tapos naman na iyon.
Buti nalang at hindi na niya ako inusisa pa. Our trip to California is so quite pero hindi naman awkward busy din kasi si Sir Ethan, kausap niya ang kanyang kapatid kaya ang ginawa ko lang ay magbasa ng mga papeles tungkol sa itatayo nilang building.
"Well you please calm down? Pabalik na ako dyan, kakalabas lang namin ng Airport" it was tiring pero tingin ko ay trabaho agad ang aatupagin namin.
Agad kaming sumakay ng sasakyan na nakalaan na para sa amin at dumiritso na kami sa kung saan man kami pupunta.
I was just looking outside the window, tinitignan ang lugar. Hindi pamilyar pero hindi naman ako natatakot. This will be a new journey for me and I am excited.
"By the way Luna, we will visit the place where you will work then I will give you time to rest. Next week pa naman tayo magsisimula" may binigay siya sa aking folder tsaka ipad.
"Next week will be the busy week since we will meet a lot of client and investors. Don't worry dalawa naman kayong magtutulungan so hindi masyadong mabigat ang trabaho mo" hindi naman iyon ang gusto ko, I want to work para makalimutan ko ang Pinas.
Agad naming narating ang sinasabi ni Sir. Namangha naman ako dahil sa tayog nito. It's a hotel at maganda ang pagkakadesinyo.
"You will be meeting my sister Evry and her boyfriend Tristan" hindi na ako nagsalita, nakikinig lang ako at nagmamasid.
Maya- maya pa ay may lumapit sa aming magandang babae. Mahaba ang buhok niya, maputi, makinis pero iyong mata niya ay malungkot. Bakit kaya? Kahit na ngumingiti siya ay malungkot talaga ang mata niya.
"This is my secretary Luna Cadiz" nakipagkamay ako sa kapatid ni Sir Ethan.
"I am Evry Matutum, this is Tristan my boyfriend and --" luminga- linga na muna si Miss Evry na para pang may hinahanap.
"Ross where are you?!" may lumapit naman sa aming lalaki, nerd pero halata namang gwapo.
"This is Ross Crisanto my secretary" tumango siya sa akin at nakipagkamay kay Sir Ethan.
"You will be working together dahil ganoon ang gagawin namin ni Ethan. We have our office in the tenth floor" nilibot kami ni Miss Evry sa lugar. Iyong first floor hanggang ninth ay para sa mga kliyente habang ang tenth at eleventh ay para sa mga nagtratrabaho sa office.
"Do you have a place to stay?" ani ni Miss Evry ng nasa office na kami. Tenth floor is full of rooms too pero iba- ibang department naman ang bawat kwarto.
"Since Luna is from the Philippines she will be staying in my pad. I have vacant room and I guess that's okay?" Well, hindi iyon ang inaasahan ko.
"Really Ethan?" nakataas na ang kilay ni Miss Evry sa kapatid niya.
"Yes, she doesn't have place to stay and if we will buy a unit for her that's waste of time so why not let her stay in my place right?" pero pinangako niyang kasama iyon sa benefits na matatanggap.
"And I hope that's fine with you Luna?" si Miss Evry. Wala naman siguro akong choice kaya ang ginawa ko nalang ay tumango.
"Okay, it's settled then. Ross I will contact you tomorrow for the work that you will do. I'll send you emails. You will be working from home as of now" marami pang sinabi si Miss Evry ng kung ano ang gagawin namin.
"Okay, let's dismissed. Luna let's go" hindi parin ako makapaniwala na sa bahay ako ni Sir Ethan titira pero wala naman akong choice.
"Sir, kapag po nakapag- ipon ako ay aalis din po ako sa pad niyo" tinaasan ako nito ng kilay pero hindi naman na siya nagsalita.
🌙🌙🌙
Loving Again
May 11, 2020VOTE. SHARE. COMMENT.
BINABASA MO ANG
Loving Again
RomanceLuna was a woman who is contented with her life, a successful career, a complete and happy family then the best partner of all. Everything is fix, her wedding, her future with the man she loves but suddenly, things change. Her world fell apart and...