Ethan Matutum“Anything you want to say?” tanong ko kay Luna ng makita ko siyang hindi mapakali. Inilapag na niya ang kape sa lamesa ko at kapag ganoon ay bumabalik na siya sa lamesa niya.
“Sir gusto ko lang pong magpaalam” Tinaasan ko siya ng kilay at itinigil na muna ang trabaho ko. Gusto niyang magpaalam? Saan naman siya pupunta gayong may kontrata naman kaming dalawa na hanggang seven years ang trabaho niya sa akin.
Pero sa totoo lang hindi ko naman iyon e- end. Gusto ko kasing manatili siya sa buhay ko habang buhay.
Napapikit ako ng maalala ko ang sinabi sa akin ni Evry noong nakaraan.
“Akala ko ba she changed you life, bakit wala ka pa ding ginagawa?” isang taon na kaming magkasama ni Luna sa bahay pero hindi ko pa din pinaparamdam dito ang nararamdaman ko.
Ayaw ko lang naman kasi siyang mailang, Luna is so precious to me and I was so wrong on kissing her. Nabigla kasi ako, ikaw ba naman sabihan ng take me tapos nakahubad pa siya.
Nag- init ang katawan ko no’n kaya hinalikan ko agad.
“Ano na Kuya? Ni wala ka pang ibang babaeng dini-date, bading ka ba?” nanlaki ang mata ko. Tinawanan naman ako ni Tristan- iyong boyfriend niya. Ang sarap ngang sabihan na ‘sige tawa ka lang dahil may yayanig sa relasyon niyo’.
“I am taking her slow”
“Slow? Ano ka pagong? Sige ka kuya pag ‘yan may jowa na ng hindi mo alam. Nga- nga ka na naman”
“Who told you I don’t have love life? Andyan ka naman, ikaw ang ka love life ko” ngisihan ko siya, bakit naman ako maghahanap? Kasama ko nga lang siya para na akong nasa alapaap.
“Po?” Hinila ko si Luna, ang slow naman ng babaeng ito pero okay lang, mahal ko naman and I like it slow, para slowly but surely.
Kinulong ko siya sa mga bisig ko at nilapit ang mukha ko sa kanya. I really want to taste her lips again, those sweet lips that makes me crazy everytime I close my eyes.
“I’ve been stoping my self Luna pero parang lumalayo ka, maybe this is the time na iparamdam ko sa ‘yo ang pagmamahal ko” I started moving my lips as I hold her waist gentle. Ingat na ingat ako sa kanya dahil ganoon naman dapat iyon.
“I am inlove with you Luna and I will do everything just to make you stay in my house” I continue kissing her, luckily she kissed me back. Napuno na naman ng kasiyahan ang puso ko dahil sa ginawa niya.
“Ay climax na sila!” naitulak ako ni Luna dahil sa sigaw na iyon. Nakita ko si Evry at si Ross na kakadating lang.
“See you later Luna” I winked at her and kissed her forehead. Naiilang pa siya dahil tumikhim si Evry pero hindi ko na iyon pinansin.
Pinaalis din ni Evry ang secretary niya at ng sumara ang pinto ay agad siyang tumili. Naitakip ko pa ang mga kamay ko sa tenga ko dahil sa tili niyang iyon.
“Tumigil ka nga, para kang baboy na kinakatay” buti nalang at tumigil din siya. Umupo na ako sa upuan ko at binalikan ang trabaho. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa kapatid ko pero tingin ko naman ay ayos lang siya.
“We closed the deal again Ethan. Ang saya ko lang and I deserved a vacation for that” napataas ang kilay ko.
“Hoyy mahiya ka naman sa amin ni Luna, kami nga ang mas maraming na e close ang deal. Kami iyong deserve ng vacation” and speaking of that vacation. I wanted to take her somewhere, isang taon na siya sa California pero hindi pa siya nakagala dahil lagi ko iyong binabantayan.
“Oh no Ethan, I already set my appointments for vacation. I miss Tristan at pupuntahan ko siya” nagbuntong hininga na lamang ako, ano pa nga ba? The princess always win.
“Oo na, next time nalang ako” tumawa si Evry at agad na nagpasalamat. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin para mapaibig si Luna, o maipadama sa kanya ang pagmamahal ko.
“Ano? Hindi parin kayo ni Luna? Ang hina mo talaga”
“How can I make her feel that I love her Evry?” well gusto ko kasi siyang ligawan pero in what way ko naman siya liligawan? Nakita kong ngumisi si Evry at agad na sinabi niya sa akin ang ideya niya.
“Not bad, thank you” I kissed her forehead at agad na nag search. I’ll make her fall for me.
Luna Cadiz
Hindi parin ako makapaniwala sa sinabi ni Sir Ethan, para akong nanaginip. Totoo kaya iyon?
“Hoy ikaw ha. Swerte mo nabingwit mo si Boss” kinunot ko ang noo ko sa sinabi ni Ross, ano ang ibig niyang sabihin?
“Ako nga hindi ko magawang akitin si Miss Evry tapos ikaw. Iba ka talaga” mas lalo akong naguluhan.
“Anong ibig mong sabihin?” ngumisi siya sa akin. Kinilabutan ako sa paraan ng pag- ngisi niya. Is he crazy?
“Pareho lang tayo ng gusto Luna, we want to have an easy access and being their partner is the answer. Malas lang at taken na si Miss Evry pero bahala na” May kinuha siyang maliit na bote sa kanyang bulsa.
“Ipapainom ko ito ni Miss Evry para ganahan siya sa akin then bubuntisin ko na para naman maging isa na ako sa may- ari” napanganga ako. Baliw ba itong gagong ‘to?
“Gusto mo din nito Luna? Pero tingin ko naman nagtagumpay ka na, may nangyari na sa inyo ni Sir Ethan no? Total naman ay nakatira kayo sa iisang bubong--” sinampal ko siya. Ang kapal!
“Wag mo akong itulad sa’yo gago” ngumisi siya sa akin.
“Bakit hindi ba totoo? Alam ko ang mga taong kagaya mo Luna dahil pareho tayong mahirap. Sawa na ako sa pagiging mahirap kaya desperado na ako” napapailing na tumayo ako at akmang pupuntahan si Sir Ethan kaya lang ay hinablot niya ako.
“Wag kang ganid Luna, dapat pareho tayong makinabang” napaigik ako dahil dinilaan niya ang pisngi ko. Diring- diri ako sa gago, sa ilang buwan kong pagtratrabaho dito ay never akong naging malapit sa kanya.
“T-tigilan mo ako” tinakpan niya ang bibig ko at ngumisi na naman siya.
“Wag kang selfish uyy” gusto kong sumigaw, nagpupumiglas ako sa ginagawa niya kaso dinilaan na naman niya ang leeg ko. Kadiri talaga ang gago.
“Ethan!!” pagkarinig namin ng sigaw na iyon ay agad akong nakawala sa gagong iyon.
“Ethan ano ba!” walang tigil na sinuntok ni Sir Ethan si Ross hanggang sa may dumating na security guard.
“Okay ka lang ba?” Tumango ako, okay lang naman siguro ako. Matatag ako, ililigo ko lang ito. Tama, ililigo ko ito. Bigla akong napaiyak, gago iyon.
“Fuck!” narinig kong mura ni Sir Ethan. Niyakap ko ang sarili ko, hindi ko naman ginusto na mangyari ito sa akin.
"Luna, hey it's okay" naramdaman ko ang mga yakap ni Sir Ethan at nakaramdam ako ng kaginhawaan. Hindi ko alam kung bakit pero pinulupot ko ang mga braso ko kay Sir Ethan.
"Your safe with me" I felt him kissed my temple. Humigpit ang yakap ko kay Sir Ethan at parang batang nag- iiyak. Kinabahan kasi ako talaga sa nangyari.
"Luna look at me" nangingig ang buong katawan ko. Lumayo si Sir Ethan sa akin tapos ay hinawakan ang magkabilang pisngi ko, tinitigan ako nito.
Andyan na naman si Sir Ethan, iba siya kung makatitig sa akin at natatakot ako dahil nararamdaman ko na naman iyong naramdaman ko kay Brandon noon.
"Luna, this won't happen again okay?" tumango ako. Ngitian ako ni Sir Ethan tapos ay kinarga niya ako. Hindi ko alam kung saan kami pupunta at nakatulog na din ako dahil sa kakaiyak ko kanina.
"I am so much in love with you Luna, but slowly..." hindi ko alam kung totoo ba iyong narinig ko pero masaya ako.
BINABASA MO ANG
Loving Again
RomanceLuna was a woman who is contented with her life, a successful career, a complete and happy family then the best partner of all. Everything is fix, her wedding, her future with the man she loves but suddenly, things change. Her world fell apart and...