LA : 5

178 8 0
                                    


Ethan Matutum

“What the hell Ethan?” Halos mailayo ko ang cellphone ko dahil sa sigaw ng kapatid ko. Hindi ko alam kung ano ang problema niya sa akin at sinisigawan niya ako gayong kakarating ko lang sa byahe.

“You are so low Ethan, bahay- bahayan pa ang gusto mong laro?” napapailing nalang ako. Luna is already in her room, resting. Wala naman talaga iyon sa plano, we have apartments for them pero ewan ko ba at iyon ang ginawa ko.

“Is she the girl that change your life?” kinuha ko ang isang picture frame na nasa lamesa ko. Stolen iyon tapos nakatagilid ang babae, naalala ko pa na hindi ko iyon sinasadyang makuha. I was taking a picture of a certian friend- si Lily, ng mahagip siya ng mata ko.

Parang umikot ang mundo ko ng makita ko siyang ngumiti. I was about to approach her but Lily got mad at me, well she’s a stranger friend at wala naman sana akong pakialam sa kanya but I shouldn’t hurt a woman since I have a sister.

Iyon nga, I happen to know her name because of Lily but because of my sister’s issue ay hindi ko siya nakausap. Ngayon at nandito na siya malapit sa akin, I won’t waste my time and my chance.

“Ethan!” binabaan ko ang kapatid ko. Nakakainis naman siya, may love life na siya tapos ako itong gustong magkalove life ay iinisin niya ako?

Hihiga na din sana ako at matutulog dahil marami pa kaming trabaho bukas pero tumunog na naman ang cellphone ko. Kinuha ko iyon at tinignan kung sino ang tumatawag. It’s a call from the Philippines, si Liam.

“Ethan?” tumayo ako at naglakad papunta sa terrace ko.

“Yes Liam, may problema ba?” natawa ang kabilang linya.

“Kapag tumawag ba ay kailangan may problema?” tumawa ulit ito ngunit maya- maya pa ay nagseryoso ang boses nito.

“Ang daming fucked up dito Ethan, my dad arranged me to a certain woman I don’t know, then Max who is so heads over heels with this woman na marami namang ka date tapos si Christian!” Naikuyom ko ang palad ko ng marinig ko ang pangalang iyon.

“His taking revenge Ethan. Ang yaman ng gago at ginigipit si Tito!”

“Why are you telling me this things?” wala naman akong paki sa mga nangyayari doon. Bahala na sila kung ano ang problema nila sa buhay, I have my own problem too.

“Pero joke lang iyon Ethan, ang totoo kasi yumaman ang gago at hindi na tayo kinikilala. Iyon pala hindi natin pinsan…” para akong nanghina sa narinig ko. Wala naman talaga akong paki sa gagong iyon dahil galit ako sa ginawa niya sa kapatid ko but hearing this. Hindi ko alam, nasaktan ko din kasi iyong tao.

“I’ll forward you my video of him. Check your email” binaba na niya ang tawag, napabuntong hininga naman ako. Wala na akong pakialam kay Christian, bahala na siya sa buhay niya.

Luna Cadiz

“Sir, you have an afternoon schedule for today. A meeting with Mr. Alvarez” ni- check ko pa ang ibang schedule ni Sir Ethan sa araw na iyon at sinabi sa kanya. I’ve been working with him for months now at ang masasabi ko lang ay ang bait niya.

Nakatira kami sa iisang bahay pero hindi niya ako trinato na isang empleyado lang kung ano ang pakikitungo niya sa mga kasama namin sa companya ay ganoon din ang ginagawa niya sa akin sa bahay.

Minsan bumibili ako ng grocery namin o di kaya ay ako ang nagluluto at naglilinis ng bahay dahil nahihiya ako sa kanya.

“Then tell my sister that we will split the meetings for today. She will handle Mr. Alvarez then I’ll handle the others” nagkatinginan kami ni Ross.

“Sir excuse me but Ms. Evry have a full schedule today. I cannot insert Mr. Alvarez appointment Sir” tinaasan kami ng kilay ni Sir Ethan, nagyuko kami ng ulo. Hindi ko alam kung bakit ganito siya ngayon.

“Bakit ba hindi ako tinitigilan ng Alvarez na iyon?” kulang nalang ata ay batuhin niya kami ng kung ano ang mahawakan niya. Oo nga at mabait si Sir Ethan pero kapag wala ito sa mood ay talagang galit siya.

“Luna, you will come with me during Alvarez’s appointment. I want to end his fantasies, gago siya” at iyon nga ay umalis kami ni Sir thirty minutes before the time schedule pero ng makarating kami doon ay hindi naman kami pumasok ni Sir.

“Sir, we will be late kapag hindi po pumasok ngayon” kaso ngisihan lang ako ni Sir. Tinignan ko naman ang loob, alam kong nandoon na si Mr. Alvarez. May mga bodyguard doon at may lalaking naka corporate suit na nakaupo doon.

“Hayaan mo, malalate tayo kung malalate” gusto ko siyang hampasin, cliyente niya tapos ginaganito niya? At gaya ng sabi niya, pumasok na kami pero late na kami ng fifteen minutes.

“Hello my dear cousin” nabigla ako sa tinawag ni Sir Ethan. Pinsan niya pala iyong Mr. Alvarez?

“Shut the fuck up Ethan, were not related” humalakhak si Sir Ethan at umupo na ganoon din ang ginawa ko. Nakamasid lang ako sa kanilang dalawa habang nag- aasaran.

Mr. Alvarez o Christian- iyon kasi ang pangalan niya- ay mahal niya si Miss Evry. He wants to talk to Sir Ethan para hingin ang blessing nito na magkabalikan silang dalawa and I find him attractive, may ganoon palang pagmamahal no?

Iyong kung ano man ang mangyari hahamakin ang lahat makasama ka lamang. Bigla akong napahawak sa kwintas ko. Hindi ko alam kung bakit suot ko pa din ito, hindi pa ata ako tuluyang nakamove on.

Brandon is doing what this Christian is doing, iyong hinahabol ang babaeng mahal mo pero kasi hindi naman iyon ganoon. Christian is single habang si Brandon naman ay may pamilya na.

“Don’t tell this to Evry, papahirapan ko muna ang gago. Nalusutan niya ako noon kaya ngayon hindi ako papayag” tumango na lamang ako. Umalis na kami doon at dumiritso na kami sa bahay ni Sir Ethan.

“I’ll cook dinner for us” tumango ako. Pumasok na ako sa loob ng kwarto ko at agad na naghubad upang maligo. Bigla ay natignan ko ang sarili ko sa salamin, nandoon iyong kwintas na bigay ni Brandon. Gusto ko na siyang hubarin pero iyong mga ala- ala naming dalawa ang nagpapatigil sa amin.

Bakit kasi ang tanga ko? Bakit kasi hinayaan kong mangyari iyon? And why Lily do that to me?

Hinawakan ko ang engagement ring namin. What if hindi ako bumitaw? What if hindi ko siya pinamigay. Masaya kaya kaming dalawa ngayon?

Napaupo ako sa sahig hindi alintana ang hubad kong katawan tsaka ako napaiyak. Ngayon nalang ulit ako napaiyak pero ang sakit kasi, hindi ako makahinga.

“Bakit?!” ang dami kong tanong, pero wala naman iyong kasagutan.

“Bakit mo nagawa sa akin ito?” I was shouting already, ang sakit ng puso ko. Gusto kong magwala, gusto kong kunin ang puso ko at itapon para hindi na muling makaramdan ng sakit na gawa ni Brandon.

“Luna, anong nangyari?” biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at tumambad sa akin ang gulat at maypag-alalang mukha ni Sir Ethan.

“Sir please… take me…” hindi ko matapos- tapos ang sasabihin ko dahil sa iyak ko. Nilapitan ako ni Sir Ethan at bigla niya akong hinalikan.

What the f? 

🌙🌙🌙
Loving Again
May 12, 2020

Vote. Comment. Share.

Loving AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon