LA : 10

364 13 0
                                    

Luna Cadiz

Hindi ko alam kung saan ako dinala ni Brandon, pero hindi naman kami lumayo sa cabin namin ni Ethan. Shit si Ethan, kailangan ko siyang balikan pero kailangan ko muna itong tapusin.

“Thank you for coming back to me Luna” umiling ako, kinapa ko ang damdamin ko para sa kanya pero wala na akong mahanap. Wala na akong nararamdaman para sa kanya.

“Hindi ko sumama sayo para bumalik Brandon. I want to finally end whatever we have Brandon. Nasa past ka na kasi pero iyong lalaking naghihintay sa akin ay ang magiging present at future ko Brandon” lumungkot na naman ang mata ni Brandon.

“Wala na ba talaga?” tumango ako, wala na talaga.

“Sorry Luna ha, for what happened before. Ang dami kong what ifs Luna, kung pinigilan ko bang mangyari iyon at naghintay sa kasal natin hindi sana tayo magiging ganito”

“Okay naman na ang lahat Brandon, just think for your child. Siya ang inisip ko kaya nagpaubaya ako ngayon naman sana hindi masayang iyon at maramdaman niya ang pagmamahal niyo sa kanya” nagyakapan kami ni Brandon. Hinubad ko naman ang kwintas na bigay niya dahil ready na akong mag let go.

“There’s no need to keep this Brandon dahil this one -” inilagay ko sa kamay niya ang kwintas at singsing.

“Is stoping us for moving forward” tinaggap naman iyon ni Brandon at agad na tinapon sa dagat. Napangiti ako, only the waters will remember our love story.

“Ihahatid kita sa kanya” hinawakan niya ang kamay ko at agad kaming bumalik kung nasaan si Ethan pero pagdating namin doon ay hindi nalang siya ang naroon. A woman is hugging Ethan at hindi ko napigilang masaktan. Huli na ba ako?

“This time Luna, fight for what is yours” nilapitan namin si Ethan.

“I am so much in love with you, why can’t you choose me Ethan?” napakunot ang noo ko. Kilala ko ang boses na iyon kaya agad kong hinila si Ethan. Tahimik lang siya pero kita ko ang lungkot sa mata niya.

“Ethan, I’m sorry for leaving you earlier but I want to--” pinigilan niya ako, ngumiti siya ng malungkot sa akin kaya napaiyak ako. Is he the one who will push me away?

“I know Luna that you love him until now kaya handa ako sa kung anong maging desisyon mo. This is the part of the courtship Luna, iyong may pagpipilian ka” hinalikan niya ako sa noo at umalis na siya pero hindi ako papayag.

“Ethan naman eh!” hinablot ko siya at ako naman ang humalik sa kanya. Hinalikan ko siya sa labi and when I move my lips he answered all my kisses. I deepen our kiss before I let go.

“Pakinggan mo muna kasi ako please?” tumango siya at ngumiti wala na iyong lungkot sa mata niya.

“Sumama ako dahil gusto kong tapusin ang meron sa amin. Tapusin ang mga tanong, itapon ang nakaraan dahil gusto kong magsimula na ikaw at ikaw nalang ang nasa puso ko Ethan” akmang maghahalikan na naman kami ng may sumigaw.

“Stop taking all the people I love Luna!” nanlaki ang mata ko. Si Lily nandito din pala at siya ang kayakap ni Ethan kanina.

“Lily what do you mean?” Hawak- hawak lang ako ni Ethan.

“Ako ang unang nagmahal ni Ethan, kami ang unang nagkakilala kaya please Luna, akin nalang siya. Bumalik ka na kay Brandon” hindi ako makapaniwala sa sinasabi ni Lily, ano ba itong ginagawa niya?

“Mahal na mahal ka ni Brandon na kahit ikasal kami at paulit- ulit na may nangyayari sa amin ay ikaw ang lagi niyang tinatawag. Ibabalik ko na siya sayo Luna please akin nalang si Ethan. Mahal na mahal ko siya at alam kong mahal niya ako” lumuhod ang kapatid ko, hindi ko na naman alam ang gagawin ko pero ng tignan ko si Brandon umiling siya sa akin.

“Lily, hindi naman kasi kami mga bagay na pwede mong hiramin at kapag tapos na ay ibabalik mo. Patawarin mo ako kung nagkulang ako pero pwede pa naman--” hindi siya pinatapos ni Lily.

“Hindi, hindi naman kita mahal. Nagawa ko iyon dahil inagaw niya sa akin si Ethan, iniwan ako ni Ethan dahil sa kanya at hindi ako makakapayag na siya lang ang sumaya kaya pinasok kita sa kwarto mo ng gabing iyon Brandon” humihikbi na ang kapatid ko.

“Pero hindi naman ikaw ang ama ni Umbriel, hindi ko alam kung sino pero sa iyo ko pinaako dahil ayaw kong maging masaya si Luna” nilingon ako nito at hinawakan ang kamay ko. Nakayakap padin sa akin si Ethan na laking pasalamat ko dahil hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.

“Kaya please, balikan mo siya akin na si Ethan--”

“Lily!” Galit na galit ang boses ni Brandon pero bago paman siya makalapit ay agad ko ng sinampal si Lily.

“Ikaw ang gumagawa ng sarili mong problema Lily, grow up! May anak ka na, iyon ang isipin mo kung paano mo siya mahalin. Wag kang selfish Lily, isipin mo ang anak mo” gusto ko siyang sabunutan pero pinigilan ako ni Ethan at siya naman ang nangsalita.

“Lily, I am so happy that I happen to know you and be friend you pero umalis ako noon Lily hindi dahil kay Luna may problema ako sa pamilya ko at never kung sinabi o pinaramdam na mahal kita o gusto kita. You were that stranger you helped me but iyon lang Lily” hinawakan ni Ethan ang kamay ko.

“I’m sorry but please bro take your wife away from Luna, away from us” tapos ay hinila na niya ako paalis.

That night, umuwi na kami sa bahay namin ng walang usap- usap. Hindi ko pa din kasi maisip ang mga nangyari sa buhay ko. Bakit ganoon ang kapatid ko? I love her so much na kahit masakit sa akin ang nagpapasaya sa kanya at magpaparaya ako.

“Hindi mo naman siguro ako ipapamigay sa kanya diba?” pero hindi na sa ganitong paraan, hindi ko kayang magparaya ulit para ibigay ang taong mahal na mahal ko.

“I love you Ethan” tumigil siya sa pagmamaneho at nanlalaki ang mata na tinignan ako kaya hindi ko napigilang tumawa.

“Mahal kita Ethan, hindi ko lang masabi kasi natatakot ako--” hinawakan niya ang pisngi ko at agad akong hinalikan and I guess that kiss is sealing our relationship.

“I love you so much Ethan” We kissed again, in the middle of the road, inside the car and that’s the date that we treasured the most.

Since then, naging official na jowa ko si Ethan, I even stop being his secretary kasi ayaw kong may masabi ang iba but Ethan help me to get a job. Nakatira pa rin kami sa iisang bahay ang pinagkaiba lang ay magkatabi kami sa gabi.

“Thank you Luna for opening your heart again, Thank you for loving again despite of the pain that you felt” and that night we made love the first time.

Ethan is so gentle to me, he made it sure that I am happy and for once I don’t have any regrets loving him with all my heart. Wala akong pagsisisi na magmahal ulit kahit na may takot sa puso ko dahil sa araw- araw na kasama ko si Ethan, lagi akong masaya.

THE END.

Loving AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon