"yneth..yneth... gising na..anong oras na o,malelelate ka nanaman,"
"hmm..."
"Gwyneth!"
"Ma naman e! inaantok pa ko! maya muna..."
"Sige,bahala ka6:59 na..matulog ka pa ha"-Ma habang nagtutupi ng mga damit ko..
"Ano! Ma naman! bat di nyo ako agad ginising?! -Ako
mabilis akong tumayo at kinuha kaagad yung towel ko,saka tumakbo sa banyo...
"Aba! itong batang to! ako pa talaga sinisi mo?..diba ang sabi ko sayo matulog ka nang maaga?hala! dalian mo na diyan maligo..syam syam ka nanamang matatapos dyan..masyado ka nang malinis"-Mama senesermonan ako habang naliligo pako sa banyo..
"Oo tapos na!.".-ako sigaw ko rin nman
pagkatapos kong maligo at nag toothbrush..nakita ko si mama hindi pa tapos magtiklop ng mga damit ko...haaay naku..
"Ma! alis ka muna.. magbibihis muna ako.."-Ako
'Ang dami mong arte...sige lang magbihis ka lang tutal parehas naman tay--- 'Ma
"Ma!..."sigaw ko,
"Oo na oo na...aalis na.."-Mama,
"Ma! yung pinto ko! paki sara!.."sigaw ko,
"aba itong batang to..inutusan pa ako.."narinig kong ibinulong ni mama,tapos bumalik para isara yung pintuan ng kwarto ko..
kinuha ko kaagad yung uniform ko sa cabinet saka ako nagbihis,..tapos kinuha ko na yung bag ko saka ako tumakbo papunta sa baba,áaa
nakita ko si mama sa Dining table naghahanda ng pang umagahan,
"anak! kumain ka mu--"
"wag na ma!" sabi ko sakanya..
kumuha nalang ako ng isang sandwich na nakahanda sa mesa,
"Ma! punta na po ako! sabi ko.." hinalikan ko narin sya sa pisngi.. saka tumakbo papalabas ng bahay namin..
"oo anak! ingat ka!" narinig kong sigaw ni Mama sakin..
pinuntahan ko si Von sa bahay nila pero sabi ni Tita umalis na raw kanina pa..nagtaka naman ako,e dati naman mawala na lahat magkasabay lang kaming pumasok ng school e.
kaya naisip ko,tumuloy nalang akong pumasok mag-isa..
"anong oras na ba..." tanong ko sa sarili ko at tinignan ko relo ko..
"Patay! 7:11 na!" sakto naman may humintong Traysikel sa tapat ko..at hindi n akong nag dalawang isip pa kung sasakay ba ako o hindi..kaya sumakay na ako..
Pagpasok na pag pasok ko sa room pinag titinginan ako ng mga pangit kong mga kaklase..-_-
"whaaat?.."tanong ko sakanila..
una,tiningnan ko muna yung upuan ni Von..napansin ko nandun na nga..at mukhang may kausap pa..
pag upo ko,may nakita akong papel s desk ko,binuklat ko nga..
pagka buklat ko..napansin kong halos lahat ng classmate ko naka tingin nanaman sakin,
"Whaat?.." tanong ko nanaman sa kanilang lahat..Ipinakita ko ang nanggigigil kung reaksyon para sakanila.Umiwas yung iba ng tingin,may iba namang nagbubulungan...alam ko namang ako yung pinag uusapan kasi halata naman habang nakatingin sila saakin..nagbubulungan sila,yung iba naman sobrang sakit kung maka titig..para bagang papatay nang tao?..Sobra talaga ang mga tao rito. -___-
BINABASA MO ANG
MANHID ka ba?
CasualeIto ang istorya na kung saan makakarelate ka.Kung ang taong papaasahin ka,maghihintay ka at maghihintay hanggang sa mahabang panahon hagga't syay nakakasama mo pa saiyong tabi.Hindi papakawalan kahit na kailanman. JUST READ THIS STORY,then you REALI...
