Sa pangalawang araw ni eamei sa school heto nanaman ang normal na eksena. Maingay, magulo, at parang mala telebisyon na may kanya-kanyang chanel. Malayong-malayo ang eksenang ito sa unang araw ng klase. Sa tingin niya ay unti-unti ng lumalabas ang tunay na ugali ng mga studyanteng na nasa silid na iyon.
"Eamei! Dito!" Tawag ni rica sa kanya na naka upo mula sa likod na malapit sa bintana ng classroom. Habang kinakawayan siya nito. Kasama nito si yumi na naka suot ng earphone habang tahimik na nakikinig ng musica. papasalamat si eamie na may bakante pang upuan sa likod at tuluyang nanga siyang umupo roon.
"Oh ayan dito kana maupo ha. Para mag kakasama tayo, hihihi niriserve talaga namin iyan ni yumi para sayo." Saad ni rica.
"Sege bah, ang sweet nyu naman, wala paba si maam?" Eamei said
"wala pa. At saka baka mamaya darating narin yun." Sagot naman ni rica sa kanya na medyu busy narin sa pag pipindot ng cellphone. Kaya napag isipan nalang ni eamei na habang wala pa yung guro gusto nya munang libangin yung sarili.
Hinalungkat ang laman ng bag at hinugot mula roon ang sketchpad at lapis. Saka nag simulang gumuhit sa schetchpad. Habang panay ang sulyap sa nanahimik na babae.
Dumating ang guro. Ni wala manlang bumati at nakapansin sa kanyang pag dating.
Napabuntung hiningang nilapag nalang ng bagung dating na guro ang textbook sa mesa. Nag sulat ito sa blackboard.
"Good morning class.....class" tila walang naka pansin sa guro." Today we're going to tackle-" Para siyang hanging nagsasalita. Invisible sa kabila ng napaka raming pares ng mga mata sa loob ng silid. Wala ni isa mang pumapansin sa kanyang presensya.
Nagulat ang guro nang biglang may lumagabog. Pag lingon nito ay tumumba ang isang estudyanteng kasama ang silya dahil nakatali ang mag kabilang sintas ng sapatos niya doon. Umalingawngaw ang malakas na tawa at halos sumakit na ang tiyan ng grupo ng mga salarin.
Galit na pinalo ng guro ang stick sa mesa. "Silence! Are you going to pay attention to our lesson o bibigyan ko kayo ng long quiz!"
Biglang nag si tahimik ang lahat at sabay sabay na tumingin saharap nag si ayos ng upo.
"Good afternoon ma'am" they greated in chorus.
"Itayo niyu iyan!" Turo nito sa estudyanteng si Henry, ang laging tahimik na lalaking estudyanteng puwede mo nang pag kamalang pipi. Siya ang paboritong biktima ng mga bullies.
Napilitang sumunod ang grupo ng mga pasaway na lalaki. Nangunguna rito si josh. Tinanggal nito sa pag katali sa silya ang sintas ni henry.
" all of you are getting worse. Lahat tumayo!" Sumunod naman ang lahat. Mas lalong nag init ang ulo ng teacher ng nakita nito ang isang studyanteng himbing na himbing na natutulog. "At sino yang natutulog?!" Galit na tanong ng kanilang guro.
"Si zamora po maam" sabad naman ng isa sa mga kaklse nito.
"Mr. Zamora!" Malakas na tawag ng kanilang guro.
Nilingin ni aemei ang kina uupuan ng tinawag sa bandang likod ng classroom. Nakita niyang kinakalabit ito ng kaklase niyang si vince. Mukhang natotolog nanaman ito.
" Mr.zamora!" Muling tawag ng kanilang guro.
"Present ma'am!" Tila na alimpungatang sagot ng kaklaseng tulog. Itinaas pa nito ang isang kamay neto.
Nagsitawan nanaman ulit ang kanilang mga kaklase. Medyo natatawa na din si eamei sa lalaki pero pinigilan niya ang sarili. Baka naman kase sya ang makita ng teacher.
"Mr. Zamora na istorbo kaba namin?" Muli namang mabilis na tumayo si kenzo " Hindi mo ba alam na bawal matulog kapag oras ng klase?!"
"Eh ma'am kase po... napuyat po kase ako eh.. sorry po" paliwanang ng lalaki.
"Ah napuyat? So pede mo bang i share sa amin kun bakit ka napuyat?" Sakrastikong tanong ng guro.
Hindi sumagot si kenzo, nanatili lang itong nakayuko.
"Ano!?, sabihin mo!" Nang gigigil na ang guro.
"Nag DOTA nanaman po yan ma'am" Sigaw ng isang istudyante. Mas lalo namang nangasim ang mukha ng guro dahil sa narinig.
"Mr. Zamora dalhin mo ang bag mo dito" turo nito sa mga bakanteng silyang na nasa harapan. "walang mag rereklamo. Kunsino ang may reklamo! bukas ang pinto hindi kayo makaka pasok kun wala kayong dalang permit galing sa guidance office understood?!"
Kahit napipilitan ay lahat ay naka ayos na sakini kanilang bagong seating arangement.
Akala ni eamei na prenteng duon na sya makaka upo ng biglang tinawag naman ng guro ang kanyang pangalan.
"Eh maam. Ayos napoko dito. Dito nalang ho ako" angal ni eamei
Ngunit tila bingi ang guro sa mga sinabi ni eamei.
"Dito, dali!" Turo ng guro sa silyang nasa harap na may dalawa pang bakante mula rito.
"Eh ma'am -"
"Labas"
"Sabi ko nga po maam jan uupo." Tulad nang ibang studyante walang nagawa si eamei kundi sundin ang utos nito.
"Hi" Mahinang bati nito sa lalaking Akalaing mo nung una fan ni lady gaga dahil wagas maka poker face. Eto yung lalaking napagalitan dahil tulog. Hindi sya neto pinansin.
"Ay ang snober mo naman" Parang bubuyog na bumubulong sabi ni eamei sa katabi. Lumingon ang lalaki sa dereksyon nya.
"Ako ba kausap mo?" Tanong ng lalaki sa kanya.
"Hindi sya, siya" turo nito sa blackboard na blangko.
bigla tuloy nainis ang lalaki sa kanya at hindi na sya nito muli kinibo.
"Eto naman di na mabiro, binibiro kalang e." Hinampas ni pa eto ni emei sa balikat na animoy close talaga sila. Na palingon naman ang lalaki sa kanya na walang expresion ang mga mukha. habang si eamei naman ay abot tenga ang ngiti nito habang nakatingin sa lalaki ng deretso nang may masiglang mga mata.
"Alam mo pamilyar ka sakin, naging magkaklase ba tayo noong first year?" Tanong ni eamei ayaw kase nya na maging awkward yung pagitan nilang dalawa. At isa pa namokhaan na nya eto noong unang pasok nila sa klase. Nag pakamalan pang may gusto sya sa lalaki. " ikaw!.. eh anu nga? Anu nga ulit yung pangalan mo?"
"Kenzo" tipid na sagot nito ki emei,
Biglang may pumagitna sa pagitan nila. Its jaime. Nag simula na ang klase at takbo ng araw na iyon. Hanggang sa Math subject na. Dumating na yung teacher nila at nag lecture. Pag katapos ng lecture nag quiz agad eto. Isinolat ng guro ang tanong sa black board. Sa isang oras na klase. Walang natutunan si eamei. Lutang ang isip neto pag dating sa math subject.
Nag simula na ang quiz. Sinobukang sagotan ni eamei ang kanyang papel ngunit feeling nya mali yung mga sagot niya. Napatingin siya sa mga sagot ng katabi nakakalahati na ito ng sagot kumpara sa papel netong blangko.nagulat nalang si eamie ng may naglagay ng isang perasong papel sa kanyang arm chair na puno ng tamang sagot. At naka sulat duon ang kun sinong nag mamay ari nuon.
Binasa nito ng mahina ang pangalan. " Kenzo themoty Zamora.
Tumingin sya sa katabing lalaki na nag bigay sa kanya nito na may nakasalobong ang kilay. nag taka sya. Tapos na sya? Ang dali lang para sa kanya a. Saman talang ako iumpog kona yung ulo ko sa pader dahil wala talaga akong na intindihan.' Sa isip nito.
" Nahiya pa e. Sege na isulat mo na malapit na matapos yung klase. Kun ayaw mong ma zero, at saka ngapala ikaw na bahalang ipasa yung papel ko." Napakurap kurap si eamei sa katabi na muli nanaman aakmang matutulog. Nahihiya man ginaya na nya ang nakasulat sa papel ng lalaki.