9:35 na ng gabi, hindi parin sya ina-antok. Ini isip nya parin ang nang yari sa canteen.
'Kumusta na kaya yun?, may girlfriend naba sya?' Yan ang mga tanong na gusto niya itanong sa ex niya. After 1 year nakita niya ulit siya.
Kinoha nya ang kanyang cellphone at nag log in sa Facebook. Ewan ki eamie kung bakit nya ini-stalk ang Facebook account ng ex niya. Nagulat siya nang hindi sila friend sa Facebook. 'Ini-unfriend niya ba ako?' Ang sakit. Sa pag ka-kaalam niya friend pa sila sa Facebook. Nagulat din sya sa profile picture ng ex niya, picture ni makoy na may kasamang babae, parehong nakangiti. Ang sakit pala na makita mo yung taong mahal mo na meron na palang iba. Hindi nya alam kung may karapatan paba siyang mag selos.
Sa lungkot niya. Napa-post na lamang si eamei ng....
'Ang hirap palang mag move on, pag mahal mo payung tao'
Nag hintay siya ng ilang sigundo bago ma-post ang status na iyon. Bumalik siya sa newsfeed niya. Sampong minuto rin siyang nag-nagbabad sa Facebook hangang sa mag sawa at napagdisiyunang mag log out muna nang may biglang nag pop up sa notification niya.may nag comment sa post niya na hindi niya kakilala. 'Ken ken commented on your post' Ini-click nya ito.
'Huwag kang papansin' komento nito sa post ni eamei. Isang minuto ang nakakaraan.
"Maka pag-comment naman ang isang ito, akala mo kung kilala ako" Singhal nito sa kanyang sarili. Agad naman pinindot ni eamie anh profile ang profile niya at napag alaman niyang hindi pala sila friend sa Facebook, tapos ang kapal ng mukha mag comment ng gano'n.
In-scroll down nito ang facebook account nito nang makilatis ni eamie ang feeling close na nag comment. Naka-follow lang siya ki eamie at hindi nag send ng friend request o baka naman na delate nito ang friend request nito. Bumalik siya sa taas.
'Ken Ken (pogi)' ang nakalagay sa profile name nito, anime naman yung profile picture niya. 'GUWAPO AKO PERO HINDI POSER' Ang nakalagay naman sa Bio nito sa facebook . Ini- scroll down pa ni eamie pa baba at nabasa neto ang isang satatus na sa dalawang oras palang ang nakalilipas.
'Kung broken ka, wag kang papansin.'
Tumigil si eamie sa pag-scroll down upang kilatisin niya nang parang natamaan sa post na iyon.
Bumalik si e a mie sa post nito at sa comment ng feeling close na nag comment sa status niya. Ni react ni eamie ito ng angry dahil sinira nito ang drama niya. Mag log out na sana si eamie ng mag reply pa ito.
'Oh bakit mo in- angry? May masama ba sa sinabi ko?' Reply neto ki eamie, 36 seconds ago.
Dali-daling naman kumilos ang mga daliri ni eamie upang mag reply sa comment niya.
'Wala lang, huwag ka ring papansin' reply ni eamie.
Pinindot agad ni eamei ang comment botton. Nag punta na siya sa menu at nag log out na nang makita nitong nag comment muli ito.
'Bakit mo in angry, may masama ba sa sinabi ko?' Ulit nito sa comment nito at may pa emoji pang pa relax!
'Epal!' Komento ni eamie at muling in-angry ang comento nito.
Muli may nag comment 'Iyak kana Eamielyn Santos?' Komento nito ki eamie at may pa emoji pang tears of joy!.
Naiinis na talaga si eamie pero bakit nya paba nerereplayan sa mga commento nito sa post niya? Maya-maya may nag pop up naman ulit sa notification niya. Isang message request. Pinindot niya ito.
"P-pm ko nalang nakakahiya naman mabasa ng mga friends mo sa comment. HAHAHA. Baka mag deactivate ka na niyan dahil napasang-ayon sa akin ang mga friends mo'
'Ikaw kase palagi ang laman ng newsfeed ko kaya hindi ko na maiwasang mapa comment'
'Lagi nalang kasi pang broken ang mga post mo at nakakaumay na, wala nabang bago?'
'Alam mo ateng ganda kapag nabasa mo man ito o baka baliwalain mo lang, gusto kong sabihin na... Huwag puro pa broken ang nasa isip, mag-aral muna. Kaya ka nga nag-aaral para matutu hindi para mag papansin sa facebook na broken ka.'
In-accept ni eamie ang message request ng feeling close na nag comment sa status niya at agad na nag type.
'Ha Ha Ha Ha. Tatawa naba ko? Bakit naman ako mag de-deactivate saka, hello? Alam kopo ang ginagawa ko. Oo, wala ng bago dahil kung siya ay may bago, ako wala, ako wala. Loyal pa rin ako sa kanya.
'Parang kung sino kang makapangaral sa akin ah. Huwag kang mangialam ng may buhay ng may buhay. Litse!'
Maya-maya ken ken typing..
'Pikon mo naman.' Reply neto
'Wala kana dun!' Eamie reply.
'Talagang wala dahil wala ako diyan sa tabi mo, common sense po.' Reply naman neto.
Kala mo malulusot na ang daliri ni eamie sa cellphone niya dahil sa sobrang diin ng pag ta-type nito.
Nereplayan ito ni eamie ng cactus emoticon.
'Salamat sa cactus' may pa kiss emoticon pa ito.
'Don't use kiss emoticon nakakadiri' reply ni eamie.
'Hindi naman yan langaw o tae para madiri ka. Shunga mo talaga'
'Kung maka shunga kanaman close tayo? Bwiset' reply ni eamie.
'Kalma. Porket pingangaralan kalang eh, nag mumura kana.'
'Gusto ko eh, pake mo ba?'
'May pakialam ako kasi nabasa ng guwapo kong mga mata ang pag-mumura mo. Kakakumpisal ko lang eh, binibigyan mo na agad ako ng kasalanan.'
'Eh? pake ko?' Reply ni eamie
'Kape'
'Anong kape ka diyan!' Eamie reply
'Baliktarin mo yung pake, malamang may kape diyan'
'Papansin ka talaga eh noh'
'Patirin kaya ikaw'
'Anong papansin ako? Duh! Hindi ah! Never akong papansin.'
'Ows? Anong tawag mo sa ginagawa mo sa facebook? Hindi ba isa iyong papansin?'
'Ang dami mong alam. Mag hanap ka ng kausap mo, letseng hayop ka!' Sa sobrang inis ni eamie nag log out nalang ito.
"Sino ba sya sa ina akala niya' Eamie just shook her head! Ang laking bwesit ng taong yun para sa kanya.
"Aish! Makatulog nangalang"